WSD [11] - Hi, CK! Wait-who's CK?

191 7 0
                                    

Chapter 11 

“Putspa, Jayson! Bakit nandito ka?!” nagulat ako kaya napasigaw ako.

“Wag mo nga akong sigawan, para kang abnormal.” Sabi niya tapos tuloy-tuloy na pumasok sa bahay namin. Hinabol ko naman siya.

“Hoy! Jayson! Garland! Panda! Aba! Basta-basta ka nalang napasok dito for your information—” natahimik ako nang bigla niya kong halikan… sa lips.

Napatulala tuloy ako.

“A-ah.. s-sorry.” Natatarantang sabi niya, “Ang ingay mo kasi eh! Ayan tuloy!”

Nung nahimasmasan ako hinampas-hampas ko siya sa dibdib, “BWISIT KA TALAGANG PANDA KA!! FIRST KISS KO YUN!!!!”

Rence’s POV

Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Kcron. Gusto kong makuha si Leila sakanya pero… ayokong saktan si Micah.

“Salamat talaga sa pagsama sakin Rence, ah. Yung mga unnie ko kasi tamad eh.” Sabi niya.

Nandito kame sa NBS ngayon, namimili ng school supplies. School hours palang pero pinayagan kaming lumabas kasi kelangang kelangan talaga namin. Magkaka-group kaming 1Week at SN sa project na ‘to.

“Ayos lang.. pero ano yung unnie?” tanong ko.

Natawa siya ng mahina, “Unnie, Korean term for “ate”. Kpopper kasi sila kaya ginagamit nila yung mga words na alam nila sa Korean.”

Tumango-tango ako.

Pagkatapos namin ilagay yung mga bibilhin namin sa basket, pumila na kame sa counter. Buti nalang konti lang yung mga bumibili. At syempre, ako nagbayad. Nung nakapagbayad na kame bumalik kagad kami sa school.

“Unnies!” sigaw niya nung nasa rooftop na kame. Nasa rooftop kase kame ngayon, dito kame gagawa nung project. Malakas pala boses nito ni Micah. Muntik na ko mabingi eh.

“Waa! Thank you, Maknae!” sabi ni Kate sabay kuha nung paper bag kay Micah.

Ano naman yung maknae?

Nagsimula nang gumawa yung mga babae.. Parang wala naman ata kameng gagawin ditong mga lalake.. Puro mga babae lang kasi nagawa eh.

“Hoy Rence, Michael pati Jayson mag-drawing kayo dito.. alam ko magaling kayo magdrawing.” Utos ni Terence.

Sumunod nalang ako kahit hinde ako marunong magdrawing. Yung dalawa lang naman magaling magdrawing, ako hinde.

Nung natapos ako pinakita ko na kay Terence yung gawa ko, “Putcha! Ano ‘to, Rence?? Drawing ng grade one!?” nagsitawanan sila, “BAKIT GANITO?!”

“Eh pinagdrawing mo ko, eh.. di naman ako magaling magdrawing.”

“Bakit hinde mo man lang sinabing hinde ka marunong?!”

“Tama na yan, Tence, wag ka na sumigaw.” Sabi ni Kate.

Napa-facepalm nalang si Terence. Napapansin ko kay Terence napaka-grade conscious niya, pano kasi nasa top. Si Kate, Micah at Faye rin naman nasa top ah? Hinde naman sila ganyan.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon