WSD [24] - 18

91 2 0
                                    

Chapter 24 – 18        

Nec’s POV      

“Bakit ba ikaw kasabay ko maglunch?” asar na sabi ko kay Panda. “Asan ba kase sila Fatima?”

“Kasama ni Fatima si Palicpic, si Ivy kasama rin si kuya Tyrone, si Micah si Rence, si Faye ewan ko kung nasan si Faye, tapos si Kate pati si Terence magkasama.” Paliwanag ni Panda. Teka bakit niya alam. “Bakit ko alam? Nakita ko sila kanina.”

“Ah, ganon ba.” nagpatuloy na kame kumain.

Jayson kept me accompanied whenever I’m alone.. kaya siguro close kame kase he doesn’t let me feel like I’m out of place.

After kumain nagstay lang kame sa room.

Nagkkwento lang siya saken, ganon din naman ako sakanya. Ang random nga lang ng pinaguusapan namin eh.

Biglang pumasok si Micah pati si Rence.

“Ayang dalawang yan, kakaiba talaga. Wala bang nakkwento sayo si Rence?” tanong ko habang nakatingin kela Micah pati kay Rence. Umupo sila sa may last row tapos nagkwentuhan.

Nung napansin kong hinde ako sinasagot ni Panda tumingin ako sakanya. Bakit ganto para siyang nagstiffened. May mali ba kong natanong?

“Oy! Tinatanong kita!”

“H-hh-ha? Ano ba yun?”

“Tss! Wala, high ka na naman!”

Nagsibalikan na rin lahat ng classmates namin, tapos dumating na next teacher namin kaya nagsibalikan kame sa mga proper seat namin.

Habang nagkaklase tinabihan ako ni Panda. “Oy Nec, crush kita.”

Binatok-batukan ko nga. “Letche ka talaga, nakakainis ka nang panda ka, bwisit.”

Faye’s POV

Wala namang masyadong nangyare ngayong araw. Bukod sa hinde ako naglunch at habang nagkaklase, cellphone ako ng cellphone. Wala namang palag yung mga teachers kasi ako batas.

Kaya bestfriend ko cellphone ko ngayon kase may bago akong katext. Yak text, pangpoor.

In-add kasi niya ko sa facebook tapos palagi na kameng nagch-chat hanggang sa kinha niya yung number ko. kaya ayan lagi kameng magkatext. Oh btw, he’s Jonathan nga pala pero I call him “Nate”.

1 message received from: Nate

baby, nasa school ka diba? Wag mo na muna ko itext, makinig ka sa teacher niyo. /heart emoji/

Nilagay ko na yung phone ko sa pocket ko. napanguso tuloy ako, siya kase walang pasok. Ewan ko sa school niya kung bakit wala. Actually, I’d rather text him than listen to this teacher in front. Bakit ba kelangan pag-aralan yang x and y intercept na yan? Magagamit ko ba yan sa trabaho ko someday? Hinde naman eh! Pahirap lang sa buhay. Minsan ang sarap magreklamo sa DepEd. Hay nako.

Nung dismissal, sabay sabay kameng umuwi. Yes, hinde sila hinatid ng mga kapbb teens nila. It was sort of fun, kasi hinde na kame nakakapagsabay-sabay umuwi. Well, magkakasama naman kame sa bahay pero ba pa rin kapag lagi niyong ginagawa yung nakasanayan niyo na.

“Anong date ngayon?” tanong ni Ivy.

“18 pal. September 18.” Sagot ni Fatima.

Nagkatinginan kame isa-isa.

September 18 NGAYON.

18 means 1Week day.

Nag-grouphug kame sa daan (naglakad lang kame).

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon