WSD [41] -

50 0 1
                                    

Chapter 41

Micah’s POV

“Turuan mo nalang ako sa Math?” sabi ni Rence.

Bumuntong hininga ako habang hinihilot yung sentido ko.

“Bakit ba kasi hindi ka nagseseryoso mag-aral? Akala ko ba kaya ka lumipat dito para magbagong buhay?”

“Ayun nga eh, tina-try ko naman mag-aral. Pero maraming distractions sa paligid,” pangangatwiran niya. “Katulad mo.” Bulong niya.

“Ano? Distraction pa pala ko kung ganon?”

“Hindi naman. Nakaka-distract lang talaga yung kagandahan mo—aray! Bakit mo ko binatukan?!”

“Eh kasi nambobola ka na naman! Tara na nga lang sa library!”

Lumabas na kame sa classroom tapos nagpunta ng library. Pagkapasok, syempre naghanap kami ng mauupuan. Buti nalang at konti lang talaga ang mga napunta sa library na ‘to. Mas gusto kasi nilang tumambay sa canteen kesa dito. Students nga naman.

Hindi ko naman sila masisisi. Mas masarap lang talagang kumain kesa mag-aral. Hay.

Nagsimula na kaming mag-aral ni Rence. Nakakatuwa nga siyang tignan kapag nage-gets niya. Parang bata na binibigyan ng candy. Tapos nawawala pa yung mata niya kapag natawa. Singkit kasi. Edi siya na.

“Pakiramdam ko hindi ko na alam gagawin ko kung wala ka,” bigla niyang sinabi.

Nginitian ko lang siya. “Sagutan mo na ‘yan.”

“Hindi ka man lang kinilig?” nafu-frustrate na sabi niya.

“Syempre kinilig ako noh. Kahit nga siguro ‘wag ka magsalita, kikiligin pa rin ako eh,” ngumiti naman siya ng malaki. “Oh, ang laki na ng ulo mo. Magsagot ka nalang dyan.”

Fatima’s POV

“Nami-miss ko na talaga si Ivy,” pagmamaktol ko kay Palicpic.

Tumingin siya sakin tapos bumalik sa pagso-solve ng Math problem.

“Wala ka man lang sasabihin? Ano bang klaseng boyfriend ka?”

Tumingin ulit siya sakin, “Kanina mo pa sinasabi yan. No, ilang araw mo nang sinasabi yan. Ang sakit na sa tenga.” Tapos nagsulat ulit siya.

Nag-pout ako. “Anong magagawa ko eh nami-miss ko na talaga bestfriend ko eh.”

“Nandito naman ako ha. Nabo-bore ka pa rin ba kapag kasama mo ko?” nakasimangot na tanong niya.

Ngumiti ako tapos nilamutak ko yung muka niya. “Sige na nga! Ikaw na nga lang pagdidiskitahan ko tutal naman wala dito si Ivyjong.”

----

“Guys! Bye na ha!” paalam ko sa SN. “Bye na rin 1Week! Kitakits sa bahay!” tapos dumiretso na ko sa may gate ng school para hintayin si smoochy poo. Hihihi :>

Bakit parang ang tagal naman nun? Nakikita ko na kasi si kuya Ron na mukang kakalabas lang ng classroom nila. Bakit si Palicpic wala pa? Oh andyan na rin yung ibang classmates nila.

Dahil sa boredom, nilapitan ko si kuya Ron. “Kuya Ron!” sigaw ko tapos ngumiti ako sakanya. Ay, hindi man lang ngumiti pabalik. Snob naman. Basta nakatulala lang siya sakin. “Nasan si Palicpic?” tanong ko.

Para naman siyang nahimasmasan, “Ah . . . nasa room pa. Kausap lang ng adviser namin.”

Ngumiti ulit ako sakanya, “Salamat ha.”

This time, he smiled back. “Sige, una na ko. Bye.”

“Bye! Ingat!” sabi ko habang nagwe-wave.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon