WSD [42] - Not confused anymore

98 2 0
                                    

Chapter 42

Terence’s POV

“Alam mo kasi wala namang mawawala kung totohanin natin to.”

Dinunggol ko yung muka ni CK tapos inirapan ko siya. “Pwede ba CK? Tigil tigilan mo ko.”

“Eh kasi naman—”

“Hindi ako natutuwa sayo ah,” pagputol ko sasasabihin niya.

Nandito kaming dalawa sa kwarto namin nila Kate at Micah ngayon. Ewan ko rin kung bakit ko siya pinapasok samantalang wala naman kaming importanteng gagawin. At ang mokong, feel at home na feel at home kasi nakahiga pa sa kama ko.

“Alam mo Terence kung naiinlove ka na sakin pwede ka naman umamin,” nginitian niya ko. “Hindi yung tinititigan mo pa ko. Nakakailang kaya.”

Alam ko namang nagbibiro lang siya pero feeling ko ang pula pula ng muka ko ngayon.

I rolled my eyes, “Shut up.”

Tinalikuran ko siya tapos binuksan ko yung laptop ko. Siguro maganda kung ituon ko yung atensyon ko sa iba, hindi sa CK na to kasi ginugulo niya lang isip ko. Bwisit.

“Ba’t andami mo namang ka-chat?” Palakang CK to! Nasa likuran ko na pala! “Tapos ang babait mo sakanila? Tignan mo oh! Puro smiley ka! Bakit samin hinde?” pag-iinarte niya pa.

Tinignan ko siya tapos inirapan ko sya, “Kasi wala kang pake.”

“Grabe ka talaga sa’kin. Labas muna ko ha.”

The eff? Ang arte ha.

Nilog-out ko yung facebook ko tapos pinatay ko yung laptop. Nagmadali akong lumabas ng kwarto pero hindi ko na mahanap si CK sa bahay. Baka umuwi?

Bumalik ako sa kwarto para kunin yung phone ko tapos tinext ko si CK.

‘Hoy nasan ka?’

Lumipas pa ang ilang minuto pero hindi pa rin siya nagre-reply. At dahil mainipin akong tao, tinawagan ko na siya.

“Bakit ba?” Iritang tanong niya.

“Nasan ka ba? Bakit hindi ka man lang nagpapalam na aalis ka na? Pati bakit hindi mo ko ni-reply-an?”

“Kasi . . . wala ka ring pake,” sagot niya tapos binabaan ako ng phone.

What the fudge! Ako na nga ‘tong makikipag-ayos sakanya tapos gaganyan pa siya?! Fine! Edi wag! Bahala siya sa buhay niya!

Nec’s POV

“Ano ba Panda! Wag ka nga lumapit sakin!” tapos umurong ako.

“Bakit ba?” tanong niya. “Ehh nakakatakot yung palabas eh.”

Nandito kami sa bahay nila at nagmu-movie marathon. Siya lang mag-isa dito kaya freeng-free kami mag-ingay dito.

“Bakla ka ba ha?!” sigaw ko. “Mas natatakot ka pa kesa sakin?”

As if on cue bigla siyang lumayo ng konti sakin. “Joke lang yun. Para lang makatabi kita syempre.”

Natawa naman ako sakanya. Daming alam kasi.

“Nakaka-tatlong movie na tayo. Nagugutom na ko.” reklamo ko.

Pinatay niya yung TV pati DVD player tapos hinila ko palabas ng bahay.

“Aray bakit mo ba ko hinihila?!”

“Kakain tayo. Sabi mo nagugutom ka diba?” tapos inirapan ako.

Aba’t! sya pa may ganang mang-irap samantalang siya yung ginawa akong parang aso! Pero gutom na talaga ko, wala akong gana makipag-talo ngayon.

“Gusto ko ng BFF Fries! Tara McDo!” yaya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon