WSD [28] - Fin

71 2 0
                                    

Chapter 28

Fatima’s POV

“Michael Palicpic!!!!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa library. “Hoy, Palicpic! Subukan mo kong i-snob, magbbreak tayo!”

At finally! Lumingon na siya! Kelangan lang pala takutin eh! Grabe naman kasi, kanina pa ko hinde pinapansin. Ano bang ginawa ko?! sabihin niyo nga!

“Bakit mo ba ako hindi pinapansin ha?!” pasigaw na tanong ko nung nahabol ko na siya. Buti nalang nasa may entrance pa lang kame ng library kaya hinde kame mapapagalitan nung menopause na librarian namin.

“ANO SUMAGOT KA!” inis na tanong ko. “Para na kong tanga dito ha! Nagsasalita ng wala naman kausap! Nakakainis na!”

Huminga siya ng malalim tapos tinalikuran ako.

What?! Ayun na yun?! Hinde man lang siya magso-sorry kasi tine-take for granted niya ko?! Ano pagkatapos niya kong ipakilala sa parents niya biglang ganito?

Hinubad ko yung sapatos ko tapos hinagis ko sakanya. Hah! Natamaan siya sa ulo. Buti nga! Inis na tinignan niya ko pero inirapan ko lang siya tapos umalis na.

Bwisit! Bwisit na Palicpic yun! Akala niya nakakatuwa siya? Ang sarap niya murahin, sobra! Isusumbong ko siya sa parents niya!

“Baka naman kasi may iba nang nagugustuhan,” sabi ni Ivy.

Nasa canteen kame ngayon. Nakain sila, ako hinde. Wala kasi akong gana. Sisihin niyo si Michael!

“Ano?!” react ko sa sinabi ni Ivy. “Di nga?! Real talk?”

Natataranta na ko dito. Nagtatawanan na rin sila. Teka, teka. May nakakatawa ba?!

“Para namang ano ‘to si Timang,” sabi ni Maknae habang natawa.

“Oo nga! Ayun pa ba? Magkakagusto sa iba? Eh tinali mo na yun eh!” sabi naman ni Faye.

Medyo kumalma naman ako. Bwisit kasi to si Ivy ang sarap batuhin ng tinidor. Kung ano ano sinasabi!

“Kalma ka lang, Timang,” sabi ulit ni Ivy. “Kung magkakagusto sa iba yun, kami mauna sumapak dun.” Tumingin siya sa 1Week. “Diba girls?”

“Oo naman!” sagot ni Faye. “Kilala mo ko, labs. Ayoko sinasaktan mga truepa ko.”

Nginitian ko sila. “Teka asan si pounder?”

“Kasama si CK,” sabi ni Kate. “Hayaan mo muna ‘yung love birds.”

“Ay! Ayun talaga si pounder! Nakakagulat, di man lang nag-share sa’tin,” pagtatampo ni Ivy.

“As if naman may magagawa ‘yang pagtatampo mo. Tanggapin nalang natin yung katotohanan na sila na. Pati baka may reason si pounder kung ba’t niya sinikret sa’tin,” katwiran ni Kate.

“Oo nga, may point ka. For the first time in forever,” pang-aasar ni Faye.

“Shut up,” balik ni Kate.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon