WSD [10] - Recruit

196 5 0
                                    

Chapter 10

Fatima’s POV

Nasa kwarto lang ako nang biglang pumasok si Ivy.

“Ayos ka lang, pal?” tanong niya tapos umupo sa kama ko. Ah, oo nga pala, endearment namin “pal”, pampaiksi sa “kupal”.

Tinignan ko siya, “Bwisit pal, muka bang ayos ako?”

“Bakit ba? Anong nangyare sayo?”

“Wala ka na dun.”

“Ganyan ka na ba talaga, Patima Greys Cango, ha?! Kapag ako naman nagshshare ako sayo ah! Kinalimutan mo na ba pagiging magbestfriend naten?”

Inirapan ko siya, “Wag ka OA, pal.”

Kinuwento ko na sakanya yung nangyare sa library.

Flashback

“Teka nga! May gusto ka ba kay Faye??” kiniliti ko siya sa tagiliran niya, “Ayiee! May gusto siya kay Faye! Ayiee! Haha!” napatigil ako sa pagkiliti at sa pag-asar sakanya. Ay bobo! Bakit ko siya inaasar kay Pepay! MAY GUSTO SIYA KAY PEPAY! Tapos inaasar ko pa siya! Ang bobo!

Lumaki yung mata ko tapos, “AAAAAAAAAH!! MAY GUSTO KA KAY FAYE?!” sigaw ko at the top of my lungs.

“THE TWO OF YOU GET OUT OF HERE!” sigaw nung librarian. Inis na tinignan ako ni Palicpic tapos lumabas.

Hinampas-hampas ko siya ng hawak kong pouch. “HOY SUMAGOT KA KAPAG KINAKAUSAP KA!” sigaw ko habang nasa corridor kame, “M-MAY GUSTO KA BA KAY PEPAY?!”

Tinignan niya ko tapos pinaulanan ng death glare, “Wala kang pake. Ano ba kita?”

Ano ba kita? Ano ba kita? Ano ba kita?

“A-Admirer mo ko.. ‘wag ka ngang harsh magsalita!” sigaw ko ulit pero naiiyak na ko.

“May gusto ako kay Faye…” Tumigil siya magsalita tapos tumingin sa sahig.

“P-pero… may girlfriend ka.” Nabulong ko.

“…dati.” Pahabol niya. Nakatingin pa rin siya sa sahig. “Ewan… hanggang ngayon naman ata.” Pagkatapos niyang sabihin yun lumakad na siya palayo.

End of flashback

“Waaa! Bestfriend bakit si Faye na bespren ko pa?! Na bestfriend pa naten!?” sabi ko habang yakap-yakap ko si Ivy.

She hugged me back, “Syete! Wag ka iiyak, pal, ha? Baka tuluan mo ko ng uhog mo eh.”

Tinulak ko siya ng mahina, “Pekye ke nemen, pal. Kapal ng muka mo ah!”

Habang naguusap kame may biglang kumatok.

“Pasok!”

Si Faye.. “Oy kayong dalawang abnormal, kakain na tayo.”

Natahimik kami ni Ivy pero after a second, tumayo na ren kami tapos bumaba kameng tatlo.

Habang nakain napansin ni pounder na hinde kame maingay kaya nagtaka rin siguro siya.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon