WSD [40] - Break up

54 0 0
                                    

Chapter 40

Terence’s POV

“Guuuuys! Happy anniversary talaga! 9 years na tayo!” sigaw ni Ivy.

Nag-group hug kami.

“Andami nating pinagdaanan for the past years pero . . . eto pa rin tayo! Strong pa rin!” sabi ni Timang.

“Oo nga, hindi man tayo nagkakaunawaan minsan, pero magkakasama pa rin tayo! Sign ng magandang relationship to,” sabi naman ni Nec.

“Girls mahal na mahal ko kayo kahit binubully niyo height ko lagi,” sabi rin ni Kate.

“I love you mga unnie ko!” sabi ni Maknae.

“Ang daya naman! Wala ako sa group hug, bwisit!” sigaw ulit ni Ivy mula sa screen ng laptop.

Yes, magka-Skype kami ngayon. At oo, anniversary na namin. Umalis na kami sa group hug. 5 am pa lang, pero gising na gising na kami at nagce-celebrate ng anniversary. Mabuti nalang mamaya pang 7 klase namin.

“Akala ko ba kasi uuwi ka?” tanong ni Faye.

“Eeeh~ hindi nga ako pinayagan. Baka daw makipagkita lang ako kay kuya Turon.”

“Ayan kasi,” sabi ni maknae. “Matigas ulo.”

“Aray ha! Sorry na Maknae!”

Nilabas ko na yung cake na binili ko kanina.

“Waaah! Thank you pounder! Nag-effort ka pa!” sabi ni Nec.

“Grabe! Hindi ko inakalang ikaw pa, eh ang cold cold mo!” sabi ni Kate.

Binatukan ko siya. “Cold lang ako pero mahal ko kayo.”

“Nakakainggit! Peste naman kasi eh! Ipadala niyo sakin yang cake, ako uubos!” pagtatantrums ni Ivy.

“Hihi. Inggitin natin si Ivyjong kumain,” pumunta si Kate sa kitchen tapos pagbalik, dala na niya yung iba pang pagkain na hinanda namin para sa anniversary namin. “Happy 9th anniversary 1week! More anniversaries to come!”

I love these 6 idiots.

--

“Happy anniversary,” tumingin ako kay CK tapos inabot yung chocolate pati flower na binibigay niya.

Nginitian ko siya. “Thank you.”

Bakit . . . feeling ko gusto ko rin siyang sabihan ng ‘Happy Anniversary’ sa araw ng anniversary namin talaga. Ano bang nangyayari sakin.

Tinabihan niya ko tapos sinilip yung binabasa kong libro. “Sino ba yan si Christian Grey?”

Kung pwede lang maging heart shaped yung mata ko, baka nangyari nga ngayon. “Christian Grey is . . . my husband.”

“Husband? Ako kaya husband mo.”

Inirapan ko siya. “Feeler ka. Fyi, boyfriend lang kita. Boyfriend lang.”

“Ano kamo? Boyfriend?”

Napaiwas ako ng tingin. “Fake boyfriend.”

“Hindeee. Sabi mo boyfriend, wala nang bawian.”

Sinikmuraan ko siya. “Wag kang magulo, nagbabasa ako.”

“Ang sweet mo talaga eh noh, girlfriend,” sabi niya tapos nag-wink sakin. Bwisit na bibig kasi ‘to eh! “See you later.” Tapos umalis na siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Lately, nawawala ako sa sarili. Hindi na ko yung pounder na cold, walang imik, tatahi-tahimik lang, at walang pake sa paligid. Si Ck! Siya dapat sisihin! Dahil sakanya, nagagawa ko nang i-open yung sarili ko sa mga kaibigan ko. Dahil sakanya, medyo dumadaldal rin ako! Minsan tuloy feeling nila Timang, tamed na talaga ko. Well, minsan lang yun kapag kasama ko lang si CK.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon