WSD [30] - Shattered

69 2 0
                                    

Babala: Isa itong napakorning chapter HAHAHA umma patawarin mo ko :* Mwaaaaah!

Chapter 30

“Buset! Buset talaga! Hindi na ko sasakay ulit sa Surf Dance na yun! Muntik na ko atakihin!” Reklamo ni Kate pagkatapos nila sumakay sa ride na tinutukoy niya.

“Hahahahaha! Epic!” sabi ni Ivy. “Ang pangit mo siguro kanina!”

“Lahat tayo, pal!” sabi ni Fatima.

“Sandali,” biglang sabi ni Vincent. “Pupunta dito sila Elmira.”

“Talaga?!” excited na tanong ni Kate. “Sino’ng ‘sila?’”

“Si Elmira pati si Nicole,” sagot ni Vincent.

“Nicole? Girlfriend mo?” tanong ni Faye. Malungkot na napatingin si Jerome kay Faye habang ine-examine ang itsura nito. Kung nalulungkot ba, kung naiinis, nagagalit. Pero wala siyang nakuhang sagot dahil hindi niya mabasa si Faye.

“Ha? Oo . . .” Vincent

“What’s with the awkward atmosphere?” sabi ni Rence. “Tara na nga lang sa Star Frisbee!” sabay hawak sa kamay ni Micah. Napatingin si Micah sa magkahawak nilang kamay at walang malay na napangiti.

“Oh my,” Kate whined. “Ayoko na!”

“Sabing wag ka KJ eh,” simaan siya ng tingin ni Terence tapos tumalikod.

“Sabi ko nga wala akong magagwa,” bulong niya.

Nakarating sila sa entrance ng Star Frisbee at pumila habang hinihintay sila Elmira at Nicole.

“Ayan na pala sila, erp eh!” sabi ni El John habang tinuturo sila Nicole at Elmira na papalapit sakanila.

“Ganda ni Elmira talaga,” sabi ni Kcron.

“Chickboy ka talaga eh noh,” inis na sabi ni Vincent.

“Pogi yan eh.” Sabi ni Jayson. Inirapan naman siya ni Necrisel. “Ano na naman ba?”

“Wala! Diyan ka na nga!” sabi ni Nec tapos humiwalay kay Jayson. Hinabol naman siya ni Panda.

“Yung dalawang yun talaga, halata namang may gusto sa isa’t-isa,” komento ni Rence.

“Korek! Masyadong pakipot,” sabi naman ni Kate.

“Ganyan talaga sa umpisa,” sabi ni Faye.

“Cent!” sigaw ni Nicole pagkalapit sakanila.

Napaiwas ng tingin si Faye habang kinukuha yung cellphone niya sa sling bag na kulay pink. Napansin ni Jerome na hindi siya mapakali.

“Ok ka lang ba?” tanong nito.

Umiling si Faye. “Hinde—oo pala.”

Tumingin si Jerome kay Vincent at kay Nicole na kasalukuyang nagtatawanan habang magkahawak ang mga kamay.

Hindi kaya . . . iniling niya ang ulo, imposibleng may gusto si Faye kay Vincent. Sobra.

“Nasan si CK?” tanong ni Elmira.

“Nandun sa may unahan,” sagot ni Michael. “Kasama si Terence.”

“Terence?” parang tumigil ang pagtibok ng puso niya nang marinig niyang magkasama sina CK at Terence. Ewan niya kung bakit, pero awtomatikong pumunta siya sa pwesto ng dalawa at nakumpirmang magkasama nga sila . . . habang magkadikit at magkahawak ang mga kamay.

“Elmira!” tawag ni Kate kay Elmira.

Napatingin si Terence kay Elmira, at wala sa loob na napabitaw kay CK. Natulala naman si CK dahil sa ginawa ni Terence.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon