______________________________________________________________________________
AUTHOR’S NOTE: Hapy New Year guys, I don’t really know if you guys were reading my notes but if you are. Please do vote and leave some comments. I would really appreciate that. Thanks:))))))
This chapter is dedicated to my first reader.
_________________________________________________________________________________
When a Man Loves a Woman
Chapter 5: There's No Turning Back This Time
Sarah’s [POV]
beep*
Goodmorning Baby girl! Have a nice day.
Ayan na naman nag-text na namn siya. Hindi ko tuloy alam kung uunahin ko ang kilig at marereply na lang o maiinis kasi andyan na naman yung mga kilos niyang hindi naman dapat.
Buong gabi kong pinag-isipan ang lahat lahat tungkol sa amin, patungkol sa nararamdaman kong paghanga sa kanya, dun sa taong nagtetext araw-araw. Pero walang konkretong sagot mula sa isip ko at sa bagay na nasa dibdib ko. Parang ang napala ko lng sa buong gabi pag-iisip e yung paglaki ng eyebags ko.
Tumingin ako sa salamin at tinignan ang aking sarili.
“Nag-aassume ka na naman!”
Hindi katulad ng dati, hindi ko na ni-reply-an si Gerald. Ayoko na kasing lumalim pa itong paghanga at matuloy na naman sa isang bagay na alam kong hindi pa ako handa. Mag-alala na siya at magtampo dun, alam ko namang makakasanayan niya din naman yun.