AUTHOR’S NOTE: Here’s what I promise you guys.
Para kay meljanclaude na gumawa pa talaga ng account at nagtiyagang magcomment sa lahat ng naunang chapter :))) Natutuwa po tlaga ako sa inyo:)))
When a Man Loves a Woman
Chapter 8: Not a Single Doubt In My Mind
Gerald’s [POV]
Kinakabahan ako ngayon pero alam kong ito ang dapat gawin. Ito ang kailangan kong gawin at ito ang gusto kong gawin. Gusto kong magbigay respeto sa mga magulang niya. Gusto kong magpaalam sa kanila at humingi ng pahintulot. Gusto kong ligawan siya at patunayang mahal ko siya.
Pagkatapos na pagkatapos kong gampanan lahat ng commitments na meron ako ngayong araw dumeretso na kagad ako sa kanila. Upang pormal na humingi ng pahintulot sa kanyang mga magulang na ligawan ang kanilang pangatlong anak na babae.
Wala akong dalang kahit na ano, hindi na ako nag-abalang bumili pa. Alam kong hindi nila gusto yun, alam kong hindi ko sila madadaan sa ganun. Ayoko din magmukhang sinusuhulan ko sila kung magdadala akong ng mga regalo sa gayong wala namang okasyon. Tanging sarili ko lang ang bibit ko, kasama ang puso ko na iaalay ko sa kanya.