Chapter 18: Her shoes
When a Man Loves a Woman
Sarah’s [POV]
Hindi ko na alam itong nararamdaman ko para sa kanya. Masaya na nakakatakot. Mahirap ipaliwanag sa paraang maiintidihan at mararamdaman din ng iba.
Pero para siyang lindol na kapag andyan, nagpapanic ang puso ko.
delikado
Nandito nanaman ako at nakahimlay. Nagtatago sa pinaka komportableng lugar sa mundo. Takip ng isang malaking kumot, yakap ang mga unan. Sa pagitan ng iyong bisig at balikat mula sa imaheng nabuo sa aking isipan. Malapit sa iyong puso at sa iyong mga labi.
Nakatitig lang ang mga mata sa iyo.
Sa iyo lang at wala ng iba.
Binabalikan ang bawat ala-ala.