AUTHOR’S NOTE: So ito muna yung last chapter this week. May pasok na ulit, unahin ko muna ang acads plus we don’t have permanent internet connection dito sa dorm, baka maging medyo magastos ang pag-a-update everyday. Pero I’ll try to update this fanfic every weekends para naman hindi kayo madisappoint sa kaka-check everyday kung naka-pag-update na ako (napagdaanan ko na yan, everytime na nagbabasa ako ng on going fics hahahaha!!)
Anyway, this chapter is dedicated to ‘bastaakoto’. Enjoy reading!
When a Man Loves a Woman
Chapter 7: You Made My Heart Skip a Beat
Sarah’s [POV]
I can’t help but think of what have just happened a while ago. Parang may nagtapat ng kampana sa tenga ko at tsaka ito pinatunog, nakakabingi. Kung gaano kahinang pagsasalita ang ginawa niya nung sinabi yun e ganun din kalakas ang tama nito sa puso’t isipan ko. Hanggang ngayon rinig ko pa rin ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon ramdam ko parin yung kaba, ramdam ko pa rin yung kilig. Ramdam ko pa rin yung pagmamahal. Ramdam ko pa rin yung pag-aalinlangan.
Pagkatapos puntahan lahat ng mga commitments ko ngayon araw ay umuwi na agad ako. Ang tanging gusto lang namang gawin ngayong araw ay umuwi. Humiga sa kama ko, tumunganga at tumingin sa kisame habang nag-iisip patungkol sa mga bagay bagay. Ang hirap magdesisyon, ang hirap pagkasunduin ng puso at isipan ko. Yung isa sinasabing ipagpatuloy ko dahil alam niyang dun ako Masaya, at yung isa naman gusting itigil na ang kung anumang nararamdaman kong ito bago pang tuluyang mahulog at masaktan.