AUTHOR’S NOTE: Ayun, namiss niyo ko no? hehehe. Binasa ko ulit, simula’t sa simula hanggang sa huling chapter. Naloka nmn daw ako, ang daming maling grammar tsaka mga typographical errors. Anyways, tao lng nmn ako. Tamad mag-proof read.
Happy Mother’s Day po sa lahat ng mga Nanay diyan, sa mga magiging nanay at sa mga parang nanay. Para sa inyo po to. Sa nanay ko din pla, kung mababasa mo to. Happy Mother’s Day. I love you Donya!
Enjoy reading po.
When a Man Loves a Woman
Chapter 23: Your Guardian Angel
Gerald’s [POV]
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong, hindi ko siya iniisip ngayon. Na hindi ko iniisip yung mga sinabi niya sakin, na hindi ko iniyakan lahat ng mga to.
Iniyakan ko siya.
Iniyakan ko lahat-lahat.
At kahit wala nang tumutulong luha mula sa mga mata ko,
Patuloy pa rin ang pag-iyak nitong puso ko.
Sinulatan ko siya, at siguro ngayon nabasa niya na ito o kasalukuyang binabasa yung sulat n ginawa ko at iniwan ko sa dressing room niya kninang umaga.
Hindi ko ksi kyang ibigay, sa knya nang harapan.
Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan.
Na nasasaktan siya dahil sa akin.
Na umiiyak siya dahil sa akin.
Sa simula pa lng, iisa lang naman ang gusto kong gawin eh.
Ang mahalin at mapasaya si Sarah pero bakit parang ngayon, yung ipinangako ko kay tito nung nagpaalam ako upang ligawan ang anak niya ay
unti-unting nasisira…
Sa halip na mapasaya ko siya,
Ako pa mismo yung naging dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Siguro nga, nagsinungaling ako sa sarili ko nung sabihin kong bukas o sa mga susunod na araw ay magiging maayos din ang lahat…
Nagsinungaling ako sa sarili ko na kyang tapatan nung pagmamahal ko sa knya yung takot na nararamdaman niya ngayon.
Hindi ko alam na sa patuloy na pagtakbo ng oras,
Maiisip ko na hindi ko pala talga kya.
Na Hindi pa pala sapat yung pagmamahal ko.
Hindi ko inaasahang maabutan niya ko sa daan matapos ‘kong iwanan yung sulat sa lamesa niya.
Hindi ko alam kung anung ikikilos ko sa harap ng maraming tao
Bagkus umarte na lamang na parang walang nangyari
Kahit na ang totoo, nasasaktan ako ng husto
At kahit nasasaktan na ako ng husto, mas pinili ko parin siyang tignan sa mata.
Masokista.
Pinagmamasdan ko siyang ibaling ang tingin sa ibang direksyon at iwasan ang tingin ko sa knya.
Siguro nga, wla ng pag-asa.
Siguro nga hanggang dito na lng ang lahat-lahat ng mga bagay na isinugal ko.
Siya na mismo ang umiiwas, siya na mismo ang nagtataboy.
Siya na mismo ang pumiling ipagpatuloy ang lahat na malayo ako sa tabi niya.
Hanggang sa hindi ko na kayang ipagpatuloy ito at umarteng ‘okay’ lang ang lahat sa aming dalawa.
Hindi ko kyang makita siyang nasasaktan kasi ipinipilit ko yung lecheng nararamdaman ng puso ko.
Sa, take care of yourself too
And I mean it, sana nga lang alagaan niya ang sarili niya at huwag nang hayaan pang saktan ng iba tulad ng pagpapaiyak na ginawa ko at nang khit na sino.
Pero khit ganun pa man, alam ko sa sarili ko…
na kahit sa malayo lng,
na kahit gaanuman ka-imposible,
hinding-hindi ko mapipigilan ang sarili kong pagmasdan siya
at bantayan siya kahit na itaboy niya man ako.