AUTHOR’S NOTE: Ayan, makakapag-update na ako. Ngayon lng nkahanap ng oras para magsulat. Ang dami kasing ginagawa.
So, enjoy reading Ashralds.
When a Man Loves a Woman
Chapter 15: Three Words For You
Sarah’s [POV]
Sobrang saya ko ngayon, ngayong mga panahong alam mong may nag-aalaga at nagmamahal sa iyo. Mga panahon na mayroong pananabik sa tuwing sasapit ang bagong umaga at nanghuhula kung anung mangyayari sa kasalukuyan at kinabukasan. Itinuturing ang bawat araw bilang bagong simula.
When I woke up, I immediately get my phone and texted him ‘goodmorning’. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, hindi ko nmn kasi madalas ginagawa ang pag-iinitiate o unang pagbati sa kanya. Sadyang nakaramdam lang ako nang kuryenteng nag-udyok upang kunin ang phone ko at i-text siya.
Maybe, I just wanted to do that. Gusto ko lang. Kapag gusto ko mo nman wala namang kinakailangan rason dba?