AUTHOR’S NOTE: Nyahhh. Wla po ako sa mood magsulat these past few days, probably ksi masyadong maraming gawaing kailangang gawin, at idagdag mo pa yung mga instructor na feeling niya na ang subject lng niya ang buhay ko. Ngarag na ngarag na ako, sinong taga-UP diyan?? APIR!!Pasensya na din kung bitin kung bitin yung nakaraan chapter, sinadya ko din yun:))
Sa mga nagbabasa, magcomment nmn kayo at magvote (nagmamakaawa na yan, pa-fan na din). Isa kasi yun sa mga konsulasyong natatanggap ko habang ginagawa ko ang fic na ito, nakakagana din magsulat kung baga.
When a Man Loves a Woman
Chapter 11: Look At Me Now
Gerald’s [POV]
Natutuwa ako tuwing nakikita ko siyang nakangiti, tuwing naririnig ko siyang tumawa, tuwing nararamdaman kong masaya siya habang kasama ako. Nandun yung fulfilment na parang nabubuo yung araw mo na kahit pinagsungitan ka ng langit at lupa nung araw na yun parang liliwanag at liliwanag parin dahil sa mga ngiti niya. Nandun yung satisfaction na kahit hindi ka man kasing gwapo ni Edward Cullen eh mapapatawa at mapapatawa mo siya dahil sa kilig, na khit yung tawa lang nya swak na! kuntentong kuntento, may sobra pa nga ata. At nandun yung saya, nandun yung mga simple pero makahulugan kong ngiti sa tuwing mararamdaman kong masaya siya kasama ko, na kahit papano masasabi kong masaya siya sa piling ko.
Goodmorning babygirl. You up already? Don’t skip your breakfast.Take care!