Nagsisimula na naman pagkaguluhan at pagtilian ng mga babae ang TATLONG LALAKING PLAYBOY, ang aga aga gumagawa na naman sila ng malaking kahangalan...Lahat ng babae naiinlove at napapaakit ng mapangahas na ngiti nila.
Lahat ng babae kinikilig at nababaliw sakanila.
Lahat ng babae kayang ibigay lahat para sakanila.
Lahat ng babae nagkakagusto sakanila......
MALIBAN LANG SAKIN!!!! EWAN KO BA. GWAPO, MAYAMAN, SIKAT AT KINABABALIWAN SILA NG LAHAT.
Gusto niyo bang makita ang pagmumukha nila?
Siya si Jaycee Yutaka, 19 years old. Ang pinaka mayabang at playboy sa tatlo. Sobrang gwapo, matcho, mayaman, sikat, bully, kinakatakutan at hinahangaan ng lahat. Lahat ng babae napapaakit niya ng isang ngiti or kindat niya lang. Hilig niyang paglaruan ang mga babaeng magugustuhan niya. Para sakanya laruan lang ang mga babae. Isa sila sa pinakamayamang tao sa bansa. Sila din ang may ari ng skwelahan na pinapasukan ko ang Shinedowa Campus at syempre dun siya nag aaral.
Siya naman si Zander Atama, 19 years old nadin siya. Gwapo, sikat, habulin ng mga babae at manloloko. Walang babaeng nagtatagal sakanya dahil gusto niya araw araw siyang nagpapalit ng babae niya. Isa din siya sa kinakatakutan sa school. Kababata siya ni Jaycee at syempre siya naman ang pumapangalawa kay Jaycee sa pagiging mayabang at playboy. Syempre kung anong ugali ni Jaycee ganun din siya. Mayaman at sikat din ang kanyang pamilya.

At siya naman si Jelo Hanawa, 18 years old. Ang cute niya diba? Siya ang bunso ng dalawa niyang bestfriend na si Jaycee at Zander. Wala din naman siyang pinagbago sa dalawa kaya wag na kayo magtaka! Hilig din niya ang paasahin ang mga babae. Pero sabi nila may pagkamabait naman daw ito. Pero hindi ako naniniwala. Gaya ng dalawa mayaman din ang pamilya niya.
Sila ang THE THREE MONKEY PLAYBOYS, yun kasi ang tawag ko sakanila. Nakita niyo na? Ang gu-gwapo diba? Gwapo nga playboy naman at ang sasama ng ugali!!! Sila ang tatlong walang sintigas ang kayabangan, silang tatlo din ang pinakamayamang studyante sa school. Sobrang sama ng ugali nila, lalo na kapag di ka nila nagustuhan bubully'hin ka nila. Lahat ng studyante sa school kinakatakutan sila. Pagdadaan sila at makikita mo kailangan mong mag bow, para respeto daw? Respeto? Sa tingin ko hindi nila deserve yun😒 Akala mo naman kung sino silang mga santo -__-
At ako naman?
Ako si Lucy Yamada, 18 years old nako. Mabait ako pero nakadepende sa tao. Hindi ko na idedescribe ang sarili ko pero simpleng babae lang ako. Hindi kami mayaman tulad ng mga studyanteng nag aaral sa school na pinapasukan ko. Mahirap lang ang pamilya ko. Pero masaya at kunteto nako kung anong merong klasing buhay ako. Isa pa galit na galit ako sa mga lalaking pinaglalaruan lang ang damdamin ng mga babae na kung tawagin ay "Playboy" at ako ang NUMBER 1 HATER ng tatlo.😉
Kung ang ibang babae naakit nila, pwes ako HINDI!!!!👊
--
Hello po :) Isa po ako sa mga wattpad readers at na-inspired po ako sa mga kwentong nababasa ko kaya naman sumulat ako ng sarili kong kwento. Sana po magustuhan niyo ^____^ Salamat po. ♡
-Clang
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Teen Fiction"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?