10. IFIWAPB

88 4 0
                                    


Mahigit 5 days ng wala sa bahay si mama. Namimiss ko na siya huhu😭 Friday ngayon, nag P.E uniform ako, mamaya kasi papalabasin kami ni Sir para mag practice ng volleyball. Hay nako! Hate na hate ko pa naman pa naman ang P.E😒 Nakakainis, hindi pa naman ako pati marunong mag volleyball.

Pumasok nako sa school, medyo maaga aga ako ngayon. Pumunta ulit ako sa locker ko kasi iiwan ko yung lunch box ko dun. Hindi naman na kasi ako aakyat mamaya pag recess na. Pagkabukas ko ng locker ko....

"AAAAAAAHHH!" Nagulat ako kasi may picture na nakakatakot na nakasabit sa locker ko. Bwiset ka talaga Jaycee😡

"Ano? Nakakatakot ba?" Tawa siya ng tawa!!! Kainis ka talaga Jaycee kahit kailan😡

Hindi ko nalang siya pinansin. Kinuha ko yung nakakatakot na picture tapos pinunit ko tsaka ko tinapon sa basurahan. Umalis nalang ako don pagtapos kong ilagay yung lunch box ko dun.

"Hoy!" Sabi ni Jaycee ng natatawa.

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad, hindi ko nalang siya pinansin tapos pumunta nako sa labas kung nasan yung mga kaklase ko, wala pa naman si Sir kaya naglalaro laro muna sila. At ako naman nakatayo lang ako. Hindi ako nakikihalubilo sakanila dahil masasama ang ugali nila at tsaka kahit makihalubilo man ako hindi nila ko papansinin. Andun sila Jaycee, Zandet at Jelo nakatayo at syempre napapalubutan sila ng mga babae.😑 Si Jaycee naman nakatingin saken, para bang gusto niyang mang asar na naman! Hindi na siya nagsawa.

Nakatulala lang ako, dahil iniisip ko si mama. Kumaen na kaya siya? Nagpahinga na ka siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon, sana safe siya dun. Kakatulala ko, bigla nalang may tumama na bola malapit sa bibig ko. ARAAAAY!!! Dumudugo yung labi ko. Ansakit😣😢

"Ay sorry poor girl, nakatanga ka kasi dyan eh. Haha!" Sabi ni Valerie.

Yung iba ko namang kaklase pinagtatawanan ako. Umalis nalang ako don, hindi ko mapigilang umiyak. Tumakbo ako papuntang likod ng school, dun ko nilabas yung luha ko. Napasandal ako sa pader tas napaupo ako, yung ulo ko nasa tuhod ko tapos umiiyak ako.

"Bakit ba kayo ganyan sakin? Wala naman akong ginagawang masama sainyo pero ginaganto niyo ko. Ano bang kasalanang ginawa ko sainyo? Wala naman diba? Porket ba mahirap lang ako? Porket ba mayayaman kayo? Hindi niyo alam kung nakakasakit na kayo ng kapwa niyo." Sabi ko sa sarili ko habang umiiyak ako.😢😢😢

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko... Sawang sawa nako sa school na toh😔💔

--

Jaycee Yutaka's Point of view💛

Habang tinititigan ko si Lucy, nakita kong sinadya siyang batuhin ng bola ng kaklase niya. Nakita kong hawak niya yung bibig niya, tapos tumakbo siya papalayo. Gusto kong saktan yung bumato ng bola sakanya pero hindi ko magawa dahil baka kung anong isipin nila.

"Ah, pre wait lang mag c-cr lang ako ah." Sabi ko kay Jelo.

"Sige." Sabi naman niya.

Hindi talaga ako mag c-cr, susundan ko si Lucy kung san siya pupunta, nakita ko kasing may pumatak na luha sa mata niya parang nakaramdam ako ng pag aalala. Hindi ko alam kung bakit. Nakita ko siyang papunta sa likod ng school, tapos napaupo siya sa may pader nakayuko siya. Tapos nadinig ko yung mga sinasabe niya habang umiiyak siya.

"Bakit ba kayo ganyan sakin? Wala naman akong ginagawang masama sainyo pero ginaganto niyo ko. Ano bang kasalanang ginawa ko sainyo? Wala naman diba? Porket ba mahirap lang ako? Porket ba mayayaman kayo? Hindi niyo alam kung nakakasakit na kayo ng kapwa niyo."

Yan ang sabi niya, nakaramdam ako ng awa sa mga sinabe niya. Hindi ako ganto pero sa lahat ng ginawan ko ng kalokohan sakanya lang ako naawa. Ano ba toh!? Bakit ba ko nagkakaganto? Hindi napigilang lumapit sakanya. Pero nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako o hindi. Oo, lalapit ako.

Umupo ako sa harap niya. Tapos kinuha ko yung panyo ko. Bigla niya namang inangat yung ulo niya, naramdaman niya sigurong may tao sa harap niya. Nakita ko yung bibig niya, dumudugo. Hala!! Ano toh? Okay lang ba siya?😓 Syempre hindi, dumudugo nga yung bibig diba? Sino na namang magiging okay nun. Nakatingin lang siya saken tapos magang maga yung mga mata niya, pero agad ko naman pinunasan yung bibig niya gamit yung panyo ko pero bigla niyang inalis yung kamay ko sa pagkakapunas ng bibig niya.

"Bakit kaba nandito?" Tanong niya saken.

"H-huh? Nakita ko kasi na ano..." Hindi ko tinuloy yung sasabihen ko. "Pumunta ako kasi naaawa ako sayo." Sabi ko sakanya. Bigla siyang tumayo, napatayo rin ako.

"Ikaw? Naaawa? Hindi ba dapat masaya ka?" Pagalit niyang sinabe saken. "Nakikita mo ba tong bibig ko? Andaming dugo diba? Masaya kana? Kuntento kana?" Sabi niya pa.

Bigla siyang umalis, tumakbo siya papalayo. Hindi ko alam kung san siya pupunta, pero nakaramdam talaga ako ng awa nung makita at marinig ko yung mga sinasabe niya.

Umalis nalang ako dun tapos bumalik nako kila Zander at Jelo.

"Cee, sama kaba mamaya?" Sabi sakin ni Zander tapos tinapik niya yung likod ko.

"Hinde. Kayo nalang ni Jelo!" Sabi ko naman.

"Himala Cee? Hindi ka sasama?" Sabi naman ni Jelo.

"Ewan ko sainyo." Umalis nalang ako dun.

"Huy Cee!" Sigaw ni Jelo. Bahala sila sa buhay nila wala ako sa mood sumama sa kanila.

Sa mga nakita at narinig ko sa sinabe ni ni Lucy naawa talaga ako sakanya tsaka parang nakokonsensya din ako sa mga ginawa kong pambubully sakanya.

Ano kaya kung tigilan ko na ang pang aasar sakanya?

-Clang♡

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon