Mikie's Point of view❤Si Zander na sobrang gwapo, mayaman, habulin ng babae halos na saukanya na yung lahat tinulungan ako?
Hinatid ako ng lalaking yon dito mismo sa bahay ko?
Talaga bang tinulungan niya ko?
Sinampal ko yung sarili ko para matauhan ako.
"Hindi! Hindi nga toh panaginip." Sabi ko sa sarili ko. Hindi talaga kasi ako makapaniwala eh.
Pumasok nako sa gate namin, sinalubong ako ng mga katulong namin sa bahay. Mukhang nag aalala sila saken.
"Ma'am Mikie okay lang po ba kayo?"
"Ma'am ayos lang po ba kayo?"
Tanong sakin ng mga katulong dito sa bahay. Kahit kailan talaga ang babait nila.
"Okay lang po ako wag na po kayong mag alala." Tas ngumiti ako sakanila. "Si mom and dad asan?" Tanong ko naman sakanila.
"May meeting daw po silang pareho Ma'am baka po mamaya pa po sila makauwe." Lagi naman eh, sanay nako.
"Nagugutom po ba kayo Ma'am Mikie?"
"Ah, hindi. Gusto ko na pong magpahinga."
"Sige po Ma'am."
Pumunta nako sa kwarto ko. Pagkapasok ko napasandal ako sa pinto tas napaupo ako.
"Tinulungan niya ko?" Sabi ko sarili ko.
Hindi ko talaga ineexpect na tutulungan niya ko at baba siya ng kotse niya para tulungan ako para ihatid ako dito kasi minsan nakong napagtripan ng kaibigan niyang si Jaycee. Ayokong magpaapekto sakanya, ayoko ng maulit yung nangyari sakin sa school dati. Natatakot nakong mangyari ulit yun.
Pinapangarap siya ng mga kababaihan. Makita nga lang siya ng mga babae sa school namin para ba silang hihimatayin. Ako pa kayang tinulungan niya?
Pero bakit hindi ko maiwasan yung gantong nararamdaman ko?
Sinampal ko ulit yung sarili ko.
Inhale....
Exhale....
"Wala lang yon Mikie. Hindi ka dapat magpa apekto sakanya okay!?" Sabi ko sarili ko. Hindi talaga! Hinding hindi❌
--
Kinaumagahan.... ☁☀☁
Papasok nako ng school. Hinatid nako ng driver ko sa school.
Pagkadating namin pinagbuksan ako ng driver ko ng pinto ng kotse.
"Ingat po kayo Ma'am." Sabi ng driver ko.
"Salamat." Sabi ko naman.
Umalis na siya. Tinatanaw tanaw ko si Lucy dito sa labas pero wala siya baka nalate na naman ng gising yung babaeng yun.
Narinig kong nagtitilian na naman yung mga babae. Ang aga aga nag iingay na naman sila.
"Dadaan sila Jaycee dito."
"Ang gwapo nila shet."
"Hi Jaycee."
"Ang cute ni Jelo my god!!!"
"Si Zander my loves ang gwapo!!!!"
"Lalo naman si Jaycee."
"Ang hot nilang tatlo."
"Kyaaaaaaaah ><"
Ang sakit sa tenga ng ingay nila. Yan nalang ang lagi kong naririnig kapag makikita nila or dadaan silang tatlo. Nakakasawa nadin pakinggan, pero anong gagawin ko? Sikat silang tatlo eh. Hays makapunta na nga lang sa room.
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Teen Fiction"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?