Jaycee Yutaka's POV💘"Hoy andito na tayo." Pinahinto ko na yung kotse ko. Inalis niya na yung seat belt niya tas bumaba na siya tsaka niya sinara ng napakalakas yung pinto ng kotse ko. Nagdadabog ata? Hahaha gusto ko talaga yang itsura niyang yan kapag naiinis siya.
Bumaba nadin ako. Kinuha ko yung gamit ko sa likod ng kotse ko..
"Hoy Lucy, oh dalin mo toh!" Inabot ko sakanya yung bag ko.
"Hindi naman sakin to ah? Bakit ko naman dadalin toh? At tsaka wala kabang kamay!!!? Dalin mo mag isa mo." Bigla naman niyang inabot sakin yung bag ko. Aba!!! Ito talagang babae na toh, baka nagkakalimutan ata kami?
"Ah ganon? Ayaw mo?"
"Oo ayaw ko talaga."
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko para tawagan si Mr. Hans, ayaw kasi sumunod ng babaeng toh sakin eh. Nakatingin lang siya ng masama sakin. "Yow Mr. Hans? This is Jaycee... Pwede bang ibagsak mo na uli....." Shitnes!!! Hindi ko natuloy yung sasabihen ko kasi biglang inagaw ni Lucy yung phone ko.
"Hoy! Ano kaba? Oo na dadalhin ko nga diba? Eto na, bibitbitin kona siya...." She smiles at me, but I know na sa kaloob looban niya naiinis siya sakin. Kinuha niya yung bag ko tas binitbit niya na. Hahahaha!!!😂
"Susunod kadin naman pala eh. Hahaha good girl." Ginulo ko yung buhok niya sabay kinuha ko yung cellphone ko sakanya. Ansama ng tingin niya sakin para bang kakainin niya ko >.<
Bilang assistant ko siya sa practice namin sa basketball kailangan niyang sundin lahat ng iuutos ko. Assistant nga diba? Naglalakad na kami papunta ng court. Dala dala niya yung bag ko habang naglalakad kami, at ako naman? Eto walking pretty hahaha😜 Andito kami sa private court namin, kami lang ang naglalaro dito nila sa Zander at Jelo simula nung bata pa kami.
Sumusunod lang sakin si Lucy na para bang buntot ko. Pagkapasok namin sa loob, binati ako nung dalawang guard na nagbabantay don.
"Magandang araw po Sir." Sabi nila sakin. Hindi ko nalang sila pinansin wala naman akong pake sakanila eh.
Pumasok nalang kami.
"Ilapag mo nalang yan dyan." Sabi ko kay Lucy mukhang bigat na bigat na siya sa bag ko. Napaupo siya.
"Dito ba kayo maglalaro ha?" Tanong niya saken. Fuck! Hindi ba obvious?
"Bobo ka talaga! Kaya nga tayo nandito eh." Binara ko siya nagsisimula na naman siyang mainis. Yan ang gusto ko sakanya eh😂
Inirapan niya ko. "Sabi ko nga diba? Alam mo sa totoo lang kung hindi lang dahil sa grades ko hinding hindi ako papayag na sumama sayo dito." Alam ko naman yun eh. Kaya nga nagpapasalamat akong bagsak siya sa subject ng teacher nayon nang sa ganun naaasar kita hahaha😝
"Dapat nga magpasalamat kapa sakin eh."
"At bakit naman ako magpapasalamat sayo ha?" Pataray niyang sabi. Sa totoo lang siya lang yung babaeng naglakas loob na kausapin ako ng ganyan.
"Syempre dahil sakin papasa ka." Nag smile ako sakanya yung smile kong hot na kinababaliwan ng mga girls😉
Napabuntong hindi siya. "Ganon? So kinausap mo si Sir Hans?" Tinaasan niya ko ng isang kilay niya. Dafuq!!!
"Hahahaha. Oo baket may angal ka?" Yumuko ako tapos medyo nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. "Ano? Aangal ka?" Sabi ko pa. Parang nagba blush siya. Sa totoo lang kabisado ko na mga galawan ng babae eh.
Bigla niya kong tinulak... Napaatras ako ng dalawang hakbang...
"Hoy ikaw unggoy!!!! Ano bang pumasok sa isip mo para asarin ako araw araw?" Pasigaw niyang sinabi sakin. Mukhang galit at naiinis na talaga siya.
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Ficção Adolescente"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?