*Kriiiiiiiing... Kriiiiing... Kriiiiing* Tunog ng alarm clock. ⏰
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock tapos kinuha ko para patayin. Tumayo nako para maligo, hindi ko nadin pinlantsa yung uniform ko hindi naman kasi masyadong gusot, bumaba nadin ako para kumain si mama naman nagre ready ng baon ko.
"Oh, anak ubusin mo tong baon mo ha! Wag kang magtitira, masyado ng mahal mga bilihin ngayon." Sabi ni mama.
"Opo mama. Alis na po ako babye." Sabi ko naman. Kinuha ko na yung lunch box ko tapos umalis nako. Masyado pa naman maaga para pumasok sa school.
Pagdating ko sa school, nakita kong nagkukumpulan yung mga studyante sa may bulletin board, ang ingay nila tapos yung iba nagtatawanan. Hindi ko alam kung anong meron dun. Lumapit ako para tingnan nakipag siksikan ako sa mga studyante.
"Huy, ano bayan miss.😒" Sabi nung babae nabangga ko kasi.
"Ay sorry." Sabi ko naman.
Pagkapunta ko sa may unahan, may babaeng nakatalikod pinagbabato siya ng itlog ng mga studyante tapos nakita ko yung picture sa bulletin board. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko, ano toh? Bakit ganto? Si Mikie?😨 Binuhusan siya ng wine ni Jaycee sa picture tapos may nakasulat na "Yan ang bagay sa malalanding katulad mo bitch." Pagharap nung babae, si Mikie pala yun! Ano bang nangyayare? Sino bang nagpicture at nagdikit nito?😠 Bakit nila ginagawa kay Mikie toh! Bakit ang kaisa isa ko pang kaibigan?😢
"HAHAHAHAHA, yan ang bagay sayo." Sabe nung mga studyanteng nagbabato ng itlog kay Mikie.
"Ang landi landi niya kasi yan ang nababagay sakanya!" Sabi nung mga babae.
Lumapit ako kay Mikie tapos nasa likod ko siya. Huminto naman yung mga nagbabato ng itlog.
"Ano bang pinag gagawa niyo ha?" Sigaw ko sakanila.
"Hoy, sino kaba? Bakit kaba nakikielam dito ha?" Sabi nung lalake.
"Ikaw, ka- lalake mong tao pumapatol ka sa babae?" Sinigaw ko sakanya. Galit na galit ako nung sinabe ko yun. Yung iba naman ang sama ng tingin akala mo mangangain. Binato din nila ako ng itlog pero sakin wala yun.
Biglang nag bell, nagsi akyatan na silang lahat kami nalang ni Mikie yung natira. Awang awa ako kay Mikie ang dumi dumi na ng uniform niya puro lagkit ng itlog, magang maga din yung mata niya.
"Mikie, ayos kalang ba?" Tinanong ko siya, pero tumakbo siya papalayo. Hinabol ko siya wala nakong pake kahit di ako makapasok ng first subject.
Hingal na hingal nako kakatakbo, napakalaki kasi ng school na toh eh. Nakita ko si Mikie umupo dun sa may gilid, yung ulo niya nasa tuhod niya tapos umiiyak siya. Agad ko naman nilapitan tapos umupo ako sa harap niya. Rinig ko parin yung hangulngol niya.
"Mikie, okay kalang ba?" Ano ba naman yung tanong ko. Malamang hindi siya okay. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ng palda ko tapos pinunasan ko yung mga dumi sa uniform niya.
Inangat niya na yung ulo niya tapos nagpunas siya ng luha niya. Pero nakita ko siyang nakingiti yung pilit na ngiti.
"Diba sabe ko naman sayo na huwag kang sasama kay Jaycee pero di ka...." Hindi ko natapos yung sasabihen ko kasi bigla siyang nagsalita.
"O-okay lang ako Lucy, wag ka ng mag alala." Pero alam kong hindi talaga siya okay.
"Napakasama talaga nung unggoy nayun! Aaaaaarrrrggg!!! Naiinis ako." Napasigaw nalang ako sa inis.
Pumunta kami ni Mikie sa rest room para linisin yung mga itlog na nasa uniform namin. Hindi naman ako masyadong nabato ng itlog, pero si Mikie tadtad yung uniform niya mabuti nalang may t-shirt sa locker niya. Nagpasundo si Mikie sa driver niya kahit hindi pa uwian, ako naman hindi nadin ako pumasok dahil alam kong papagalitan at aasarin lang ako ng mga kaklase ko.
Habang hindi pa uwian, nag ikot ikot muna ako sa garden ng school namin. May upuan kasi dun tsaka tahimik. Pero nakita kong nakatambay dun yung tatlo, si Jaycee nagsisigarilyo tsaka si Zander si Jelo naman nakaupi lang ng dekwatro. Narinig kong nag uusap sila...
"Pre, grabe yung ginawa mo dun sa babaeng niyaya mo ng date kahapon ah." Sabe ni Jelo.
"Hahahaha, t*ng*na amboring niya kasi ka date tapos kung ano ano pa pinagsasabe ang corny amp*ta!" Sabay hinagis niya yung yosi niya kung saan.
"Di pa kayo nasanay." Sabi naman ni Zander sabay buga ng usok ng sigarilyo niya.
*Biiiiiip... Biiiip...* Vibrate nung phone ni Zander. 📲
"Nag text na si Roxie, mamaya nalang tayo magkita." Sabi ni Zander kila Jaycee at Jelo.
"Sinong Roxie yan ha? Pakilala mo naman saken." Huuuh!!! Tindi talaga nitong Jaycee nato nakakasura siya.
"Akin lang muna toh pre." Sabi ni Zander.
"Ako din, may pupuntahan din ako." Singit ni Jelo.
"Sige pre, alis na kame." Umalis na sila Zander at Jelo.
Naiwan si Jaycee mag isa, bigla siyang tumayo tapos lumingon sa way ko. Omg!!! Nakita niya ba ako? Hinde, hinde. Kailangan ko ng umalis.
"Huy, huy, huy." Sabi ni Jaycee. Huminto ako pero nakatalikod ako. Naririnig ko yung mga yapak ng paa niya na papalapit sakin.
Ayan na nga, nasa likod ko na siya! Anong gagawin ko? Kinalabit niya ko sa likod. Lilingon bako? O aalis nalang? Pag nakikita ko yung mukha niya para gusto kong sapakin eh.😬
"Hoy!" Sabi niya tapos kinakalabit niya parin ako.
Matapang ko siyang hinarap, hindi ako natatakot sakanya! Anong akala niya? Sasambahin ko siya? Ang kapal ng mukha niya. Pagharap ko naman, grabeeeeeee!!!! Ang tangkad niya hanggang balikat niya lang siguro ako. Yumuko siya tapos yung mukha niya malapit sa mukha ko, ano ba toh? Anong ginagawa ng unggoy na toh?
"Andito kaba para silayan ako?" ANO!!!? Ako para silayan siya? Napabuntong hininga nalang ako sa sinabe niya.
"At bakit naman kita sisilayan ha?" Tinaasan ko siya ng kilay para dama niy tapos nagulat siya sinabe ko.
"A-anong sabi mo?" Sabi niya.
"Ang sabi ko, bakit naman kita sisilayan? May tenga ka naman siguro." Naiinis na talaga ako sakanya, naaalala ko yung ginawa niya kay Mikie.
"Hindi mo ba ko kilala? Hindi mo ba alam kung ano ako dito?" Pagmamayabang na sinabe niya sakin.
"Oo, kilala kita. KILALANG KILALA!" madiin kong sinabe sakanya.
"Wala akong time sa mga katulad, tabi!" Tinulak niya ko tapos napadapa ako, aaaaarrggg!!! Ang kapal ng muka niya demonyo siya!!!😡 Tumayo ako agad tapos pumunta ako sa harap niya.
"Ikaw? Hindi ka manlang ba manghihingi ng sorry sa kaibigan ko?" Sabe ko sakanya ng pagalit.
"Ako? Hihingi ng sorry? Sa kaibigan mo?" Nagtataka na sinabe niya.
"Oo, si Mikie!!! Yung inaaya mo ng date, nakita ko yung ginawa mo sakanya dun sa bulletin board." Nakatingin siya saken ng seryoso.
"HAHAHAHAHAHA! Ayun ba?" Tumawa siya ng malakas habang nakahawak sa tyan niya. "Kaibigan mo pala siya? Hahaha sorry ah. Ang boring niya kasi ka-date maganda naman siya pero walang kwenta yung mga moves niya. Hahahaha!" Tumatawa padin siya. Naiinis na talaga ako yung expression ng mukha ko ganto na oh. 👉😤👈
"Marami pa kong gagawin, tabi dyan." Napausog ako sa tulak niya, naglakad na siya palayo.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO! MAKARMA KA SANA. LALAKING PLAYBOY NA WALANG KWENTA ANG SAMA NG UGALI MO!!!!!" Sinigaw ko, yung dugo ko pumunta sa ulo ko nung sinabe ko yun. Sobrang galit ko talaga! Pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Makarma sana siya sa ginawa niya. Ang kapal kapal ng mukha niya! San kaya siya humuhugot ng kakapalan ng mukha niya? Mababaliw nako sa galit sakanya. Ang yabang yabang talaga niya kahit kailan. Sana tamaan siya ng kidlat!!!!! Bwiseeeet😠
-Clang
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Novela Juvenil"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?