"Lucy anak, mag iingat ka sa pagpasok." Sabi ng mama ko."Opo mama." Sagot ko naman.
Isa ako sa mga pinagpalang nakapasa sa entrance exam ng Shinedowa Campus. Maraming nagsasabi na napaka swerte ko dahil bihira lang daw makapasok ang mahirap na tulad ko sa ganung klasing paaralan. Kapag nakapasa ka sa entrance exam libre na ang tuition fee mo pati din ang uniform at gamit libre nadin.
Akala ko magiging maganda ang buhay ko kapag nag aral ako sa school nayun, nagkamali ako hindi pala. Lahat kasi ng studyante dun mayayabang, judgemental, bully at maarte lalo na yung mga babae. Akala mo naman kung sino porket mayaman. Hmmm!😒
Maaga akong pinapasok ni mama dahil maaga siyang papasok sa trabaho niya. Ayoko pa sanang pumasok ng maaga dahil wala naman gagawin sa school, eh si mama mapilit kaya eto maaga akong papasok. Naglalakad lang ako pagpapasok ng school, sakto lang kasi ang pera ko pambaon at tsaka nagbabaon nalang ako ng pagkain ko dahil sobrang mahal ng mga bilihing pagkain sa school halos pang isang buwan ko ng allowance yun.
Pagdating ko sa school, nag bell na. Ambagal ko kasi maglakad kaya ayan imbis na mapaaga ako malelate pako😏
Pumasok nako sa room. Nagsisimula na naman magtinginan yung mga kaklase ko sakin.
"Uyy andyan na si poor girl oh." Bwiset talaga tong si Valerie, ang aga aga nang aasar na naman!
"HAHAHAHAHAHA!" Hala sige tawa lang kayo dyan, babalik din naman sainyo yang mga sinasabe niyo eh.
Umupo nalang ako sa upuan ko. Hinayaan ko nalang silang asarin at pagtawanan ako. Wala naman silang mapapala sa ginagawa nila eh! Bahala silang mapagod kakatawa dyan mga bwiset sila!
Dumating na si Sir Jun kaya naman nagsi tahimik at bumalik na sila sa mga upuan nila.
"Okay class, open your book on page 238." Sabi ni Sir.
Nakatingin lang ako sa bintana, inaantok ako. Wala kasi akong ganang makinig ng lesson ngayon.
*KRRRRIIIIIIIIIIIIIING🔔🔔🔔*
Recess na pala, bumaba na yung mga classmates ko papuntang canteen at syempre bumaba nadin ako para kainin yung baon ko.
Pumunta ako dun sa may table tapos umupo ako. Binuksan ko na yung lunch box ko, wow ang sarap naman nitong niluto saken ni mama!!!!😍 Matikman nga, hmmmmm!!!! Ang sarap, the best talaga si mama kapag nagluto.
"Ambaho naman nung naamoy ko!" Sabi ni Sherly kay Valerie.
"Oh my gooood! Yun ata yung mabaho yung kinakain ni Lucy!" Tinuro ni Valerie yung pagkain ko. Wow lang ha! Ang kapal naman ng mukha nila para sabihen yan.
"Gaaaahd!!! Ano bang klasing pagkain yan? Ewwww!" Ang aarte talaga nila. Kung alam lang nila kung gaano kasarap tong niluto ni mama. Baka bawiin nila yung sinasabe nila. Sinamaan ko nalang sila ng tingin tapos bigla silang umalis. Bago sila umalis may kasamang irap pa ah! Hahaha nakakatawa lang, hindi siguro nabibigyan ng atensyon yan ng magulang nila kaya ganyan ang mga ugali.
Naririnig kong may tumatawag sa pangalan ko, tapos nilingon ko sa may likod. Halaaaaa, si Mikie pala☺️ Ang ganda ganda niya talaga. Siya lang ang kaisa isa kong kaibigan dito sa school mabait siya at pala kaibigan. Hindi siya kagaya ng ibang studnyante dito sa school.
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Teen Fiction"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?