3. IFIWAPB

144 6 0
                                    


Hindi ko talaga mapapatawad yung Jaycee na bwiset na unggoy na halimaw na h*yop na playboy nayun!😡 Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. As if naman kung hihingi siya ng tawad? Tsss! Isang malaking milagro kapag nangyari yun.

Recess time namin, agad agad ko naman inubos yung pagkain ko sa canteen. Ilang araw ng hindi pumapasok sa school si Mikie dala siguro yun ng kakahiyan na ginawa ng Jaycee na yun.

Hindi pa naman time, naglalakad lakad muna ako. Pumunta ako sa likod ng school, pagkamalas malas nga naman oh! Nakita ko pa yung poster picture ng hinayupak na Jaycee nayun😠 Nakakasira ng araw. Lumapit ako dun sa poster niya tapos tiningnan ko ng masama.

"Alam mo ikaw?" Tinuro ko yung daliri ko sa pagmumukha niya. "Mahilig kang manakit ng dadamdamin ng mga babae eh." Kinapa ko yung bulsa ng palda ko, aha! Tapos kinuha ko yung pentelpen. Dinrawingan ko yung mukha niya sa poster. "Ayan lalagyan kita ng sungay! Tapos yung mukha mo tatadtadin ko ng tigyawat, eto namang bibig mo lalagyan ko ng pangil. Yan! Ewan ko nalang kung hahabulin kapa ng mga babae sa itsura mong yan hahaha!" Hindi ko mapigilan ang tuwa nung dinrawingan ko yung poster niya.😂😁

"Anong ginagawa mo?" O-M-G!!!!!😱 nakita ba ako ni Zander at Jelo na dino-drawing'an ko yung poster ni Jaycee?

"H-huh? K-k-ka... kasi... Ano eh..." Nauutal ako hindi ko alam kung anong sasabihen ko. Anong gagawin ko?

"Ano?" Sabi ni Zander. Hindi ko alam ang sasabihen ko ang alam ko lang naiinis ako sakanila. Pero hindi ako natatakot sakanila. Hindi ko sila sasambahin tulad ng ginagawa ng ibang studyante. "Ano miss?" Nag aantay siya ng isasagot ko naka smile sila nung sinabe niya yun, yung para bang pang akit nila sa mga babae?

"Kasi nakakairita ang pagmumukha niya." Pataray na sinabe ko. Nagulat sila tapos bigla silang tumawa.

"At sino ka naman sa inaakala mo, miss?" Sabi sakin ni Zander na natatawa. Bwiset siya! Si Jelo naman tumatawa rin.

"Hindi ko na kailangan iexplain sainyo kung sino ako sa inaakala ko. At kung pwede paki sabi dyan sa unggoy niyong kaibigan na hindi ako natatakot sakanya at ang kapal ng mukha niya." Tama ba tong sinabe ko? Bakit may lakas ako ng loob kausapin sila ng ganto?😓 Aaaah basta wala akong pake.

"Sige makakaasa kang sasabihen namin yan." Sabi ni Zander. Bakit ganun? Hindi manlang nila ako binara or inano? "Tara na Jelo." Aya niya kay Jelo umalis.

"Goodluck sayo miss." Sabi naman ni Jelo. Goodluck? At bakit niya naman sinabe yun?

Umalis na silang dalawa. Umalis nadin ako, 5 minutes nalang magta time na. Tumakbo ako ng mabilis para di ako ma-late, napakalaki kasi ng school na toh kaya naman di ako makakapunta agad sa room.

Pagkadating ko sa room, wala pang teacher. Umupo nalang ako sa upuan ko. Nakakaantok na ewan. Gusto ko ng mag uwian, kaso ang tagal talaga eh. Hays naiinip nako. Lumapit naman sakin si Sherly at Valerie, mukhang may sasabihen na namang di maganda.😒

"Hoy babaeng mahirap." Sabi sakin ni Sherly. Hays nakakainis naman! Ano na naman bang gusto nila? Tiningnan ko nalang sila ng masama.

"Bakit hindi na pumapasok yung malandi mong kaibigan?" Sabi naman ni Valerie, ano daw? Malandi? Sino kayang malandi sakanila ni Mikie? Tumayo ako sa inis.

"Alam niyo Valerie at Sherly, bakit ba ang hilig niyong ikumpara si Mikie sainyo? Kung tutuusin kayo nga yung malandi dyan eh." Sasampalin sana ako ni Valerie pero dumating na si Ma'am Anna.

"Valerie and Sherly, is there something wrong? Bakit kayo nakatayo?" Tanong ni Ma'am.

"Wala po Ma'am." Sagot naman ni Valerie at Sherly tapos pumunta na sila sa upuan nila. Ang dalawang babae na talaga yun ang sasama ng nilalabas ng bibig samantalang hindi pa naman nila kilala si Mikie.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon