21. IFIWAPB

83 4 0
                                    


Lucy Yamada's POV💋

"Huy, bat ba sumisigaw ka dyan? Ano ba kasing sabi?" Tanong ko sakanya. Para kasi siyang tanga eh.😮

"Putcha!!! Ininjan nila ako." Pagalit na sabi niya.

"HAHAHAHAHA!!" Yan kasi, buti nga sakanya ininjan siya ng dalawa niyang kaibigan. Haha😜

"Ano tinatawa tawa mo dyan ha??? Nakakainis ka ah." Napikon ata siya? Eh ano naman? Karma yan sakanya!

"HAHAHAHA! Karma yan sayo." Pang aasar na sabi ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama tapos umalis siya.

"Huy, san ka pupunta?" Tanong ko sakanya. Hindi niya ko pinansin, dire diretso lang siya sa paglakad niya hindi ko alam kung san siya pupunta.

Hay ewan!! Bahala nga siya....

Nakaupo lang ako dito habang inaantay siya. Medyo nagugutom nadin ako pero mamaya nalang ako kakain kasi mamaya magugutom na naman ako. Hehehe palagi kasi akong gutom😁

Maya maya....

Nakita ko siyang papunta dito.

Nagulat ako kasi umupo siya sa tabi ko tapos nag sindi siya ng yosi. Ewwww😖 Ambaho ng usok ng sigarilyo!!!!

"Hoy, patayin mo nga yang sigarilyo mo! Ambaho kaya." Reklamo ko sakanya. Mabaho naman talaga kasi.

Binuga niya muna yung usok ng sigarilyo niya bago siya nagsalita. Mabuti naman hindi sa mukha ko kung hindi patay siya sakin!!!👊

"Ang arte mo ha!!!"

"Eh sa nababahuan ako eh." Reklamo ko ulit.

"Mag iinarte ka o babagsak ka?" Aba!!! Ang yabang talaga ng lalaking toh, sarap suntukin eh. Pasalamat talaga siya!!!😒

Nagpatuloy lang siya sa paninigarilyo niya at ako naman tinataboy ko yung mga usok na napupunta sakin.

Pinatay niya na yung sigarilyo niya tapos hinagis niya lang kung saan. Napaka ano niya talaga!!! Kahit sa school kung saan saan siya nagtatapon ng basura niya eh.

Tumayo siya tapos kinuha niya yung bola. Naglaro siya mag isa. Hahaha natatawa ako pag naiisip ko na ininjan siya nila Zander at Jelo eh😁

Tinitingnan ko siya habang naglalaro....

Shet na malupet!!! >.< Ang galing niya pala mag basketball!!!! Kahit malayuan nasho-shoot niya parin dun sa net.

Mapapa 'wow' ka nalang talaga!!!

"Hoy kunin mo nga yung bola!!!!" Bigla akong natauhan, ano ba naman tong nasa isip ko😒 Yabang niya talaga!!!!

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Alam ko naman na pag hindi ko sinunod yung utos niya sasabihen niya kay Mr. Hans na ibagsak ako eh, kaya kinuha ko nalang yung bola😪😒

Hinagis ko yung bola sakanya. Naiinis talaga ako hays....

"Hoy kunin mo ulit." Utos niya ulit sakin. Kainis na ah!!!! >.<

Syempre no choice!!! Kinuha ko ulit.

Nakakailang utos na siya sakin!!!! Ewan ko ba kung sinasadya niya o ano eh.

"Kuhain mo ulit!"

Hindi nako makapag timpi!!! Lumapit ako at hinarap ko siya.

"Hoy unggoy!!!! Nakakainis kana ah." Pasigaw na pagalit kong sinabe. Nakakapikon na eh.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon