Jaycee Yutaka's Point of view💘
"A-Aray ang sakit ng braso ko..." Sabi ko sa sarili ko.
Parang may nararamdaman akong kakaiba dito sa kama ko ah? Minulat ko yung dalawang mata ko, medyo nasisilaw ako, tapos pumikit ulit ako kasi inaantok pa ako. Bigla akong napaisip.... Wala namang bintana na malapit sa kama ko ah? Minulat ko ulit yung mga mata ko....
"Fuck!!! Nasan ako?😱" Sabi ko ulit sa sarili ko tapos bumangon ako sa kama na pinagkakahigaan ko tsaka ako napaisip.
Ang alam ko lang nag inom ako tapos.....
Napaisip ako.... Naalala ko na.....
May limang gagong magnanakaw na bumugbog saken! Hindi naman ako makalaban dahil lasing na lasing ako kung tutuusin kaya ko silang patumbahin lahat ng 1 click lang pero lasing ako.....
Tapos.....
Tapos ano....
Ang pagkakaalam ko nakita ko si Lucy....
Biglang nag flash back sakin yung mga nangyari kagabe.
Dumating siya kagabe para tulungan ako at dalin ako sa ospital pero hindi naman ako pumayag tapos dinala niya ko dito sa bahay niya? Tapos.....
*Tug.... tug.... tug.....* Bumilis yung tibok ng puso ko.
Inalagaan niya ko?
Ang babaeng yon? Inalagaan ako?
Bigla akong napatayo tapos tumingin ako sa salamin.
"What the????? Anong nangyari sa mukha ko!!!!?😨" Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin. Nagalusan yung mukha ko? Tangina naman oh!
Ang ayoko pa naman sa lahat yung nagagalusan yung napaka gwapo kong mukha tapos sa noo at labi ko pa!!!?😡 Pasalamat sila lasing ako nun, kung hindi baka napatay ko sila!!!
Tiningnan ko yung loob ng kwarto, ang liit tapos ang init tapos walang aircon, pero buti nalang may electricfan. Parang mas malaki pa nga yung bathroom namen kaysa dito eh.
Aray!!! Ang sakit ng katawan ko ><" Bigla akong nakaramdam ng gutom. Bumaba ako sa baba para tingnan kung sinong tao don. Pagkababa ko may nakita akong babae na nakahandusay dun sa sofa..... Hahaha! Baka si Lucy toh😁😂
Lumapit ako sakanya tapos umupo ako..... Nakita ko siyang natutulog tapos tulo yung laway😝 Hahaha yuck kadiri naman tong babae na toh! Tulo laway!!! Habang pinagmamasdan ko siyang natutulog, napaisip ako tapos bigla akong napangiti ng hindi ko alam.
Ang cute niya pala....☺️😋
Inasikaso at inalagaan ako nitong babae na to, at siya din ang naglagay ng band aid sa noo ko🤕 Mala anghel naman pala tong babaeng drakula na toh! Kapag tulog nga lang haha😁 Hahawiin ko sana yung buhok niya dahil nakaharang sa mukha niya pero bigla siyang nagising.....
"HOY! ANONG GINAGAWA MO? ANONG BALAK MONG GAWIN SAKEN? HAHALIKAN MO NA NAMAN AKO NOH!!!?" Sabi niya saken tapos binato niya ko ng unan. Hahaha nakakatawa siya😂 Ang gulo gulo ng buhok niya tapos may panis na laway siya sa bibig niya.
"Hoy! Ano bang pinagsasabe mong babae ka!? Anong hahalikan!!!? Wala akong balak gawin yun noh at tsaka isa pa, gigisingin lang kita dahil nagugutom nako!" Sabi ko naman sakanya tapos binato ko siya ng unan na binato niya saken.
"G-g-ganun ba? Teka lang... Okay kana ba? Wala kana bang sakit!?" Bigla siyang lumapit saken tapos hinawakan niya yung noo ko, feeling ko nagbablush ako.
"O-okay nako." Tinapik ko yung kamay niya.
"Aray ko!!!" Tapos tiningnan niya ko ng masama. "Okay kana pala eh, edi umuwi kana sainyo at anong pinagsasabe mong nagugutom kana!? Kapal naman ng mukha mo, alis na! alis!!!" Sabi niya pa. Eto talagang babae na toh kahit kailan😒
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Teen Fiction"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?