19. IFIWAPB

88 4 1
                                    


Lucy Yamada's POV💘

Sabado, alas 5:00 ng hapon.

Inutusan na naman ako ni mama pumunta sa palenh. Trip ko din maglalakad lakad ngayon eh, boring kasi sa bahay.

Napapakanta nalang ako habang naglalakad.

Ang hangin kasi ngayon eh.

"Waaaaaah!!! Ang sarap ng hangin." Sabi ko sa sarili ko with matching unat unat. Haha😁

*PEEP!!!! PEEP!!!!!* Busina ng sasakyan.

Nagulat at napatalikod ako sa lakas ng busina ng sasakyan.

"AYYYYYY!!!!" Napasigaw ako. Baliw yun ah? Sasagasaan niya ba ko? Eh nasa gilid na nga ako eh? Wala naman ako gitna!!!😕 At tsaka ang gandang kotse nito ah.

Binuksan niya yung bintana ng kotse niya.

Pagkabukas na pagkabukas bumungad agad yung mukha niya....

Nagsisimula na naman uminit yung ulo ko.😡

Ano bang ginagawa niya dito????? Sa gantong lugar?

Bumukas din yung ibang bintana ng kotse niya, nakita kong may mga babae sa loob. Ang gaganda nila.... teka??? Parang nakita ko na sa magazine tong mga babaeng kasama ng unggoy na toh!!! Mga model ba sila?

"Yow." Mayabang na pagkasabi niya. Simaan ko nalang siya ng tingin.

"Jaycee? Who is she?"

"Oo nga. Sino ba siya?"

Medyo pataray na sabi nung mga kasama niyang babae. Hindi ko nalang sila pinansin. Makaalis na nga lang dito bago pako mabadtrip!

Naglakad nako papalayo pero dahan dahan namang umaandar yung kotse ni Jaycee para sundan ako. Binilisan ko nalang yung paglalakad ko.

"Hoy."

"Makinig ka nga."

"Gusto mo bang sumabay samin?"

"Haha! Bakit ang sama na naman ng mukha mo?"

Naiinis nako kay Jaycee.... Huminto ako tapos huminto din siya.

"Ano bang kailangan mo ha?" Pagalit kong sabi. Pero nakangiti lang siya sakin.

"Yung practice namen bukas, 9:00 am sa mainstreet. Dapat 8:00 nandun kana." Sabay kindat niya. Sinara niya na yung bintana ng kotse niya tsaka niya pinaandar.

Nakakaasar talaga siya!!!!! Gusto kong magwala sa sobrang inis ko. Sinipa ko nalang yung maliit na bato sa harap ko.

"Aaaarrrrg!!!! Nakakainis!!!!" Sabi ko sa sarili ko. Lagi nalang niya kong iniinis. Kung hindi lang ako bagsak sa subject ni Mr. Hans hinding hindi ako papayag na maging assistant A.K.A alalay ng unggoy nayon!!!😡

--

Pagkatapos kong mamalengke, padabog kong pinatong sa lamesa yung pinamili ko.

"Oh, bakit Lucy? May problema kaba?" Tanong sakin ni mama. Hindi ko alam na nandun pala siya.

"Wala po mama. Naiinis lang ako dun sa palabas na napanood ko." Nagsinungaling nalang ako dahil ayokong sabihen kay mama yung totoo.

"Pati ba naman yan p-problemahin mo pa. Oh nabili mo ba lahat ng inutos ko sayo?" Sabi ni mama habang nagkakalkal siya dun sa pinamili ko kanina sa palengke.

"Opo mama... nabili ko po lahat."

"Nagugutom kaba?" Tanong sakin ni mama. Sa totoo lang, oo! Kaso wala ako sa mood kumaen dahil badtrip ako.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon