Jaycee Yutaka's Point of view💘Nandito ako ngayon sa bar, kasama ko si Zander at Jelo nakaupo kami sa VIP table, syempre hindi lang kaming tatlo may mga kasama din kaming mga chix. Hindi pa naman kami nakaainom ng masyado. Nakaupo lang ako habang umiinom tapos napapalubutan ako ng mga babae, ang sesexy wooooh!! Syempre sila Zander at Jelo din. Bigla akong napaisip sa nangyari kanina samin nung babae. Ay teka? Sino nga ba yun? Hindi ko pa pala alam yung name ng babaeng yun at tska bakit kaya ganun? Halos lahat naman ng babae sa campus may gusto saken maliban lang sakanya😮 Tapos palaging ang sama ng tingin niya para bang galit na galit siya sakin tapos kala mo dragonang mangangain eh.
"Zander!!" Letche di ako pinapansin, busy sa mga babae niya. Putcha naman oh. Si Jelo na nga lang.
"Hoy Jelo." Ayan lumingon siya sakin.
"Yep?" Sabi niya.
"Yung babaeng bumaboy dun sa poster picture ko, kilala mo bayon?" Tanong ko sakanya. Yung mga babae naman sa tabi ko ang lilikot.
"Ah yun ba? Teka sino nga ba yun?" Kinalabit niya si Zander tapos tinanong niya. "Der, anong bang pangalan nung babaeng bumaboy sa picture ni Cee?" Minsan 'Cee' ang tawag nila sakin yun kasi ang nickname ko.
"Ah, Lucy ata? Ay oo Lucy nga." Tapos bumalik na ulit siya sa paghaharot ng mga babae niya.
"Lucy daw." Sabi naman sakin ni Jelo. "Bakit mo natanong?"
"Wala lang." Sagot ko naman sakanya.
"Girls, mamaya nalang dun muna kayo." Sabi ko dun sa mga babaeng nasa paligid ko.
Napaisip ako. Lucy pala ang pangalan nun ngayon alam ko na. Hahaha parang gusto kong asarin at pag tripan yung babae nayun. She's cool tsaka kakaiba siya sa mga babae sa school tsaka sa mga babaeng nakilala ko. Hindi ko alam kung bakit hindi umuubra yung kagwapuhan ko sakanya eh haha😂
"Jelo, paki sabe dyan kay Zander mauuna nako." Sabi ko kay Jelo.
"Teka, san ka pupunta?" Nagtataka niyang tanong. Palagi kasi kaming inaabot ng madaling araw dito ngayon lang ako uuwi ng maaga.
"Uuwi nako." Natawa siya sinabe ko.
"Wow ha! For the first time in forever?" Aba g*go tong si Jelo, pati yung kanta ng palabas na Frozen dinadamay niya sa usapan namin.
"Ulul, gusto ko lang umuwe ng maaga." Sagot ko naman sakanya.
"Hahaha gege, ingat!" Tapos nag apir kame ni Jelo.
"G*go sila ang mag ingat saken." Sabi ko, hahaha! Totoo naman eh sila ang mag ingat saken.
Lumabas nako ng bar, tapos sumakay nako sa kotse ko. Pinaandar ko ng mabilis.
"Lucy, Lucy! Lucy pala ang pangalan mo ah." Sabi ko sarili ko ng nakangiti, nakangiti ako dahil nag iisip ako ng trip na gagawin ko sakanya. Hahaha!
Pagdating ko sa bahay, pinagbuksan ako ng gate ng mga tauhan namin sa mansion namen. Tapos pumasok nako.
"Goodevening po Sir." Sabi ng mga katulong namin tapos nag bow sila kasi dadaan ako.
Hindi ko sila pinansin, wala naman akong pake sa mga yon eh. Nagugutom ako, kakaen na nga lang muna ako. Umupo ako sa sala namen, tinawag ko yung isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mama ko.
"Mr. Shin, nagugutom ako." Sabi ko.
"Sige po, magpapaluto po ako ng masarap na pagkaen." Sabi naman niya. Aba dapat lang!
"Sabihen mo bilisan ah."
"Opo." Sabay nag bow siya sakin tapos umalis na siya.
30 Minutes ago....
"Sir, nakahanda na po yung pagkain niyo." Sabi sakin ni Mr. Shin
"Bakit ang tagal? Sabi ko bilisan eh." Sabi ko naman. Sa totoo lang hindi kasi ako marunong mag antay eh.
"Pasensya na po Sir." Tapos umalis na siya.
Pumunta nako sa Dining Room namen, eto na nga nakahanda na yung pagkaen. Umupo nako, yung mga katulong naman namen nasa gilid lang nakatayo, ganun kasi palagi ang sistema kapag kumakaen ako lagi silang nandyan. Simula kasi nung bata pako mag isa lang akong kumakaen, hindi ko padin nakakasabay kumaen ang mama't papa ko dahil parehas silang busy sa trabaho depende nalang kapag birthday ko.
Pagtapos kong kumaen, pumunta nako sa kwarto ko. Hahaha nagsisimula nakong mag isip kung anong trip na gagawin ko sa babaeng yon. Akala niya papalampasin ko yung ginawa niyang pagbababoy sa napaka gwapong mukha ko sa poster picture ko ha! Hahahaha fuck hindi noh.😜 E-easy'han ko lang muna ang gagawin ko sakanya.
Parang may ideya nako kung anong gagawin ko. A-huh! Hahaha tama sige ayon nalang👌
*Beep... Beep...* 📱
Nag vibrate yung phone ko, 156 messages puro lang naman mga babae ko yung nagte text sakin eh, haha walang kwenta! Matutulog na nga lang ako.
Maghanda kana Lucy.... 😉✌
-Clang♡
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Teen Fiction"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?