16. IFIWAPB

79 3 0
                                    

"Hoy ikaw unggoy ka! Ano na naman bang gusto mo ha? At bakit ka nagsinungaling sakanila?" Tinuro ko yung daliri ko sa mukha niya at pagalit kong sinabe sakanya. Bakit paba ako nagtatanong kung bakit siya nagsinungaling? Eh gawain niya naman yon lalo na kapag mang aakit siya ng mga babae😑 Nakakainis talaga siya wala siyang utang na loob pagkatapos ko siyang tulungan.😠

"Will you please stop calling me unggoy? May unggoy ba na ganto kagwapo?" Medyo nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Napabuntong hininga nalang ako sa kayabangan niya ang hangin talaga!! Ang sarap niyang tadyakan😤

"Pwede ba? Kung wala kang magandang magawa sa buhay mo, magpakamatay ka nalang." Inirapan ko siya bago ako umalis.

Nakakaasar na talaga siya! Wala siyang utang na loob. Pagkatapos ko siyang tulungan? Ayun yung igaganti niya saken? Kapal ng mukha niya! Arrrg!!! Gusto kong manapak! Gusto kong sabunutan yung sarili ko sa sobrang inis😡

Nakakadalawang hakbang palang ako ng paglalakad ko pero biglang may sumulpot na motor sa harap ko, muntik nakong mahagip.... Kinabahan ako ng sobra pero.....

Hinila ako ni Jaycee papunta sakanya at bigla naman akong napayakap sakanya....

*Tug.... tug.... tug....* 💘💘💘

Teka... Teka.... Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.... Bakit ganon?

Hindi ako makahinga as-in hindi talaga!!!! Feeling ko sasabog ako, hindi sa muntik nakong mahagip kundi sa pagkakayakap ko kay Jaycee😳

Niligtas niya ko?

Bigla nakong bumitaw sa pagkakayakap ko sakanya. Mga ilang seconds din yung pagkakayakap namin, nakatingin ako sa mukha niya habang siya nakatingin naman dun sa lalaking naka motor na muntik ng makabangga sakin. Grabe!!!! >.<" Ang bango bango niya mukhang mamahaling perfume yung ginagamit niya.

Habang nakatitig ako sakanya bigla siyang nagsalita.....

"Okay kalang? Gago yun ah." Galit na sabi ni Jaycee. Bigla siyang napatingin saken at ako naman inalis ko yung pagkakatitig ko sakanya. "Halika nga habulin natin yon ng mabangasan yung gagong yun!" Nung sinabe niya yon natigilan ako at mas lalo akong natotorete.

"J-jaycee....." Hindi ako makapag salita ng diretso. Hindi pako natatapos sa pagsasalita bigla naman siyang nagsalita.

"Hoy Lucy, mag iingat ka nga sa susunod hindi yung tatanga tanga ka!" Mag ingat daw ako at wag tatanga tanga? Pero kahit hindi maganda yung sinabe niya saken hindi ko nagawang magalit sakanya.

"A-ako? T-tanga?" Nauutal na sabi ko. Hindi ko talaga inexpect na ililigtas niya ko dun sa muntik ng makahagip saken basta ang alam kong lang lagi akong nabubwiset sakanya.

"Oo, tatanga tanga ka!! Ngayon mo lang alam?" Sabi niya ng para bang inaasar niya ko.

Kasalanan ko bang muntik nakong mahagip? Sabagay puro galit kasi ang nasa isip ko nun at hindi ko namalayang mahahagip na pala ako. Pero buti nalang talaga hinila niya ko papalapit sakanya kung hindi baka patay nako ngayon. Ayyyy! OA? Patay agad?😂 Hindi ba pwedeng sugatan lang o maoospital?

"Hoy ikaw!!! Salamat nga pala sa pag alaga sakin nung nakaraan ah."

*BROOOOOOOOOMMMMMM!!!!!* 🚗🚐💨💨

"A-Ano? Pakiulit nga hindi ko nadinig eh. May dumaan kasing sasakyan! Ano ulit?" Ano ba yung sinabe ng lalaking toh? Ang ingay kasi nung dumaan na kotse hindi ko tuloy narinig!!!!

Bigla niyang pinitik yung noo ko. Ouch!!! Ansakit nun ah. Bakit niya pinitik yung noo ko?

"Ewan ko sayo." Nakangiti niyang sinabe yun sakin tapos tumalikod na siya papunta dun sa kotse niya.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon