13. IFIWAPB

121 4 0
                                    


Lucy Yamada's Point of view💜

"Hay nako, nakakapagod naman." Sabi ko sa sarili ko tapos napaupo ako sa sofa namin.

Kakatapos ko lang kasi mamalengke kanina tapos nagluto pako at naghugas ng plato. Hays... Nakakapagod talaga😪 Tumingin ako sa orasan namen, 12:45pm na pala! Mag aala 1:00 na. Hindi pa naman ako masyadong inaantok! Maglakad lakad kaya muna ako? Tama! Maglalakad lakad na lang muna ako sa labas.

Nagpalit ako ng damit sa taas ang dumi dumi na kasi ng suot ko. Tapos lumabas nako, nilock ko yung pinto namen baka kasi may pumasok na magnanakaw as if naman kung may nanakawin diba? Hahaha!

"Hmmm.... sarap ng hangin." Sabi ko.

May park pala malapit lapit dito samen, pupunta na nga lang muna ako dun. Habang naglakad lakad ako. Aba! Ako nalang pala yung tao dito tsaka andilim pala dito. Baka may mumu dito. Huhu nakakatakot naman. Makauwe na nga lang!

Uuwi na sana ako, pero may nakita akong lalaki na nakaupo dun sa may batong upuan....

"AY JUSKO PO!!!!😱😨" Nagulat ako sa nakita ko, napahawak nalang ako sa dibdib ko.

Teka? Teka laaaang!!!!? Si.. si.... si Jaycee to ah?😱 Hala! Bakit dumudugo yung bibig at noo niya?😨 Hala!!! Ano bang nangyari sakanya? Anong gagawin ko? Kinakabahan nako....😰

Ayy teka.... Bakit naman ako kakabahan?😐 At bakit naman ako nag iisip kung anong gagawin ko? Dapat nga matuwa pako dahil nakarma siya sa mga pinag gagawa niya at isa pa dapat lang sakanya yan! Ang sama sama ng ugali niya. Hahaha!!! Ayan na nga ba ang sinasabe ko buti naman dumating din yung karma sakanya na-traffic lang pala😂 Hay nako... bahala ka dyan sa buhay mo, aalis nako.

Tumalikod nako sakanya tapos naglakad nako paalis, nakakalimang hakbang pala ako tapos nagsalita siya....

"T-tulong...." Hindi niya na natuloy yung sinabe niya, feeling ko nanghihina na talaga si Jaycee.

Aalis bako? O tutulungan ko siya? Bigla ko na namang naalala yung mga pinag gagawa niya saken tapos dun sa mga taong nagawan niya ng kasalanan lalong lalo na sa mga babaeng pinaglalaruan at pinaasa niya. Bahala siya dyan sa buhay niya. Aalis nako!!! Pero imbis na umalis ako, napahinto ako bigla. Nakaramdam ako ng awa kay Jaycee😓 Pag kasi may nangyaring masama dito konsensya ko pa! Naguguluhan nako.... Ewan bahala na😩

Humarap ako tapos nilapitan ko siya, isasantabi ko nalang muna siguro yung galit ko sakanya.

"J-jaycee..." Tinapik ko siya, pero hindi siya nagsasalita.

Biglang tumulo sa pisngi niya yung dugo na galing sa noo niya. Ano ba toh!!!?😰 Nakakatakot naman!!! Binuhat ko siya pero natumba naman ako. Awww!!! Grabeeee!! Ang bigat bigat naman ng lalaking to oh. Umubo siya tapos naamoy ko yung hininga niya amoy alak... Siguro napaaway toh? Hay nako! Mamaya na nga ako mag iisip ng haka haka ko.

"Jaycee??? Uy Jaycee!!! Ano ba?" Sabi ko sakanya ng kinakabahan. Umubo ulit siya tapos medyo dumilat.

"L-lu... cy...? Hala! Nagsalita siya! Buti naman akala ko mamatay na tong lalaking toh.

"Hoy ano bang ginawa mo? Halika bilis, dadalin kita sa ospital." Sabi ko naman sakanya sabay inakbay ko siya sakin pero hindi siya tumatayo. Ano ba tong lalaki na toh?😠

"A-a-ayoko..." Umubo ulit siya. HALA? Ayaw niya magpadala sa ospital?😱😨 Nababaliw naba siya? Gusto niya bang mamatay?😠

"Asan ba yung cellphone mo ha? Tawagan natin yung mama mo o kaya naman si Zander o Jelo!!!" Kinalikot ko yung bulsa niya pero wala akong cellphone na nakita. Naloloka nako. "Nababaliw kana ba Jaycee? Gusto mo bang mamatay?" Pasigaw na sinabe ko sakanya. Natataranta na talaga ako.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon