17. IFIWAPB

105 5 0
                                    


Ano naman kayang pumasok sa utak non para gawin akong assistant niya para sa practice nila sa basketball nextweek? Talagang ang unggoy nayon! Kung hindi lang talaga ako bagsak sa subject ni Sir Hans hinding hindi ako papayag sa kondisyon nayon.

Grabe sumasakit ang ulo ko sa lalaking yon!!! Nakakainis naman oh.

Habang naglalakad lakad ako pauwe biglang nagring yung phone ko.

Mama Bel Calling..... 📲📞

Ay si mama pala! Sinagot ko na yung phone.

"Hello ma?"

"Anak, nandito nako sa bahay." Hala! Nakauwe na si mama?😍

"T-talaga ma?"

"Oo! Kaya bilisan mo umuwi kana. May mga pasalubong ako sayo."

"Opo malapit nako mama!"

"Sige bilisan mo mag ingat ka."

Call ended.....

Pagkababa na pagkababa nung phone tumakbo ako ng mabilis para umuwi agad sa bahay! Grabe! Miss na miss ko na kaya si mama.

Pagdating ko sa bahay, andun siya sa sala naghahalungkat. Hindi ko alam kung anong hinahalungkat niya pero sa tingin ko mga pasalubong. Yipieeeee✌😍

Agad agad akong lumapit kay mama tapos niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hi mama.... Namiss kita!!!" Sabi ko sakanya habang nakayakap ako sakanya.

"Namiss din kita!" Bigla nakong bumitaw sa pagkakayakap ko kay mama. "Lucy, kamusta ka naman nung wala ako dito." Sabi ni mama. Gusto ko sanang sabihen na hindi okay eh -____-

"Okay naman ako dito mama! Ikaw po kamusta po yung trabaho niyo dun?"

"Ayun, okay naman. Malaki laki ang sinahod ko ngayon Lucy." Natutuwang sabi ni mama saken.

"Talaga po? May mga pambayad na tayo sa mga utang natin ma tsaka may extra pa tayong budget."

"Oo nga eh. Oh eto nga pala yung mga pasalubong ko sayo...." Pinakita saken ni mama yung mga pasalubong niya saken.

"Mama magpahinga na po kayo. Ako na pong magliligpit dito."

"Ay nako hindi na Cy, ikaw ang magpahinga dahil may pasok kapa bukas." Sabi saken ni mama. Kahit kailan talaga napaka bait ng mama ko😌 Hehe!

"Edi tutulungan ko nalang po kayo dito."

"Sige na nga mapilit ka eh. Hehe!"

Pagtapos namin iligpit yung mga gamit ni mama kumaen na kami. Lumpiang shanghai yung ulam! Wow ang sarap shet😜😍 Mapaparami na naman kain ko nito. Walang diet diet sakin kapag masarap ulam hahaha!

Pagkatapos namin kumaen, umakyat na kami sa taas natulog na si mama sa kwarto niya at ako naman sa kwarto ko syempre.

Umupo ako sa kama ko tapos napahiga ako. Super antok na talaga ako!!!! Hindi ko na kaya!

--

Zander Atama's POV💕

Aray ko!!! Sinampal niya ko.

Ang lakas naman ng loob niyang sampalin yung napaka kisig kong mukha.

"I hate you Zander!!! I hate you so much." Sabi sakin ni Leila tapos bigla siyang nag walk out.

Akala niya kasi seryosohan ang relationship namin. Ako? Magkakaron ng seryosong relasyon? Fuck hahahaha! No way, hindi ko pa naranasang magkaron ng seryosong relasyon. Sa totoo lang, one week lang ang tinatagal ko sa babae. Wala eh! Papalit palit eh.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon