4. IFIWAPB

121 8 1
                                    


"Lucy, anak! Gumising kana dyan." Kinakalabit ako ni mama. Ayaw ko pa bumangon inaantok pako😴

"Bakit ba mama? Inaantok pa po ako." Si mama talaga istorbo sa pag tulog.

"Anong inaantok pa? Aba! Tanghali na Lucy. Bumangon kana dyan." Eto na nga babangon na eh. Hays nakakatamad bumangon.

Sabado pala ngayon buti naman walang pasok. Bumababa na si mama ako naman naligo nako. Pagkatapos ko naman maligo bumaba nadin ako. Nakita kong naglalaba si mama.

"Ma, tulungan na po kita maglaba dyan." Sabi ko kay mama.

"Hay nako, hindi na anak. Kaya ko na toh!" Edi sige ikaw na ma! Hehehe😁 "Lucy?" Tawag sakin ni mama.

"Bakit po?" Tanong ko naman, nakita kong hawak ni mama yung palda kong nabutas.

"Lucy, bakit sira tong palda mo? Ano bang ginawa mo?" Nag aalalang tanong ni mama saken.

"A-aah... M-mama... Kasi po... Nadulas ako ma😅 Opo nadulas ako tapos nasabit yung palda ko." Buti nalang nakapagdahilan ako kung hindi papagalitan na naman ako ni mama.

"Sa susunod mag iingat ka naman, hindi na to magagamit masyado ng punit." Okay lang naman eh, may isa pa naman akong palda dyan.

"Opo mama." Sagot ko naman.

"Ay oo nga pala cy, pwede bang ikaw muna mamalengke? Andun yung listahan sa lamesa." Utos sakin ni mama. Okay! Wala naman akong ginagawa eh.

"Sige po ma." Kinuha ko yung listahan sa lamesa. "Sure ka mama? Eto lang yung papabili mo? Baka meron pa?" Sabi ko kay mama. Ayoko kasing pabalik balik malayo kasi ang palengke dito samin.

"Oo ayan lang." Sabi ni mama. "Mag ingat ka ah."

"Opo, lagi naman ako nag iingat eh." Sagot ko kay mama.

"Ah kaya pala nasira yung palda mo." Binara na naman ako ni mama. Si mama talaga kahit kailan😂

"Hahaha sabi ko nga. Sige ma alis na po ako."

Umalis nako tapos pumunta nako sa palengke. Uggggh! Ang init init naman sana nagdala ako ng payong😩 Habang naglalakad lakad ako napapakanta nalang ako kahit mali mali lyrics push lang. Bigla akong napahinto sa nakita ko, kasi may naghahalikan sa may gilid ng parking lot. Ano ba naman yan tanghaling tapat tapos ang init init may naghahalikan? Wow lang ha😧 Nakatalikod yung lalaki matangkad siya tapos yung babae nakapang sexy ng damit... Tapos tumigil na sila sa ginagawa nila nagtago naman ako sa gilid ng kotse na naka parking, humarap yung lalaki. Nanlaki na naman yung mata ko sa nakita ko, EH?😳 Si Zander pala yung lalaki nayun? Si Zander nga!😱 Teka nga lang... Bakit paba ako magtataka? Eh ugali na talaga niya yun nung tatlong yun. Hahahaha ang babagsik talaga nila!!! Tiningnan ko ulit sila nag uusap sila nung babaeng kahalikan niya pero nakatago parin ako ayoko kasing makita nila ako mamaya sabihen nila ang chismosa ako. Habang nakatingin ako sakanila may kumalabit sa likod ko pero di ko pinansin, busy ako wag ka ngang magulo. Kinakalabit niya parin ako, nakakainis na ah. Hinarap ko na siya nakukulitan na talaga ako eh. Pagkaharap ko....

"AY JUSKO PO!" Si Jaycee?😱 Sobra akong nagulat napasandal ako dun sa may kotse. Aray ko ansakit nun ah.😣

"Hoy, ano bang ginagawa mo? Nakikinig ka sa usapan nila noh?" Sabi niya sakin. Takte naman oh! Nahuli niya ba ako? Nakakainis!!! Nakakainis talaga!!!

"H-huh? A-ako? H-hindi ah... B-b-bakit kaba nandito ha?" Patay! Nauutal ako. Lucy naman mapaghahalataan ka sa ginagawa mo eh.

"Bakit ako nandito? Hahaha, kotse ko ata yang pinagtataguan mo." Tinuro niya yung kotse niya. Ngayon ko lang napansin, ang ganda ganda pala ng kotseng toh. Mukhang mamahalin tapos ang kintab ng pagka black.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon