11. IFIWAPB

84 4 0
                                    


Lucy Yamada's Point of view💗

Sobrang sakit na talaga ng labi ko, nagdudugo parin hanggang ngayon gusto ko sana pumunta ng clinic kaso wag nalang. Pumunta ako ng restroom para hugasan at tingnan yung bibig ko.

Tumapat ako sa salamin tapos tiningnan ko yung bibig ko. Aray!! Ansakit😣 Tapos yung mata ko namumula na maga kasi kakaiyak ko.

"Lucy!!!! Lucy!!!!" May tumatawag sa pangalan ko parang kilala ko yung boses na yun tapos mukha pa siyang nagmamadali sa pagtawag niya sa pangalan ko. Pumasok siya sa restroom si Mikie pala.

"M-mikie?" Sabi ko sakanya.

"Lucy, ano nangyari sayo? Sino may gawa sayo niyan?" Tanong niya saken ng nag aalala.

"Ah ito? Wala toh, okay lang ako Mikie!😄" Pero yung totoo hindi talaga ako okay.

"Anong okay ka dyan!!!? Sabihen mo saken sino may gawa niyan?" Tumaas yung boses ni Mikie mukhang galit siya. "Si Jaycee ba?"

"H-hindi Mikie." Sabi ko naman.

"Kung hindi siya, eh sino?" Galit na nag aalalang sabi niya.

"Sila Valerie." Sinabe ko nalang sakanya kasi mukha na talaga siyang seryoso.

Bigla siyang tumakbo paalis pero pinigilan ko siya.

"Mikie? Anong gagawin mo?" Hinila ko yung kamay niya.

"Bitawan moko Lucy!" Ano? Bitawan ko daw siya? Pero baket? Ano bang gagawin niya? Kinakabahan ako sa pinapakitang ugali ni Mikie ngayon. Hinayaan ko nalang siya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ni Mikie, seryoso talaga siya kanina sa pananalita niya. Ano kayang gagawin nun?😪 Sumasakit parin yung labi ko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, pupunta nalang ako sa canteen tapos lalagyan ko na lang ng yelo.

--

Mikie's Point of view

Duwag ako, kaya hindi ko nagawang lumaban sakanila dati pero ngayon hindi ko nako magpapaka duwag sa sakanila at sa ginawa nila kay Lucy. Hindi ko hahayaang gawin nila yun sa kaibigan ko, kung ako nagawa nilang pagtawanan at maliitin dati pwes ngayon hindi na. Hinanap ko sila Valerie, pag nakita ko talaga yung babae nayon kakawawain ko siya. Ang kapal ng mukha niya para gawin yun kay Lucy.

Dito ko lang pala siya makikita sa court kasama yung mga barkada niya. Aba!! Kumekendeng kendeng pa siya. Hindi nako makapag pigil na lumapit sakanya kaya naman binilisan ko yung lakad ko papunta sakanya yung mata ko nanlilisik sa galit.

"Oh my god! Papalapit dito yung echoserang friend ni poor girl oh." Sabi nung isa sa mga barkada niya.

"Wag niyo nalang pansinin yang malandi nayan." Sabi naman Valerie. Nangigil na talaga ako sa galit.

Nilapitan ko siya tapos sinampal ko siya ng sobrang lakas para ngang bumakat yung palad ko sa mukha niya eh. Tapos nagulat siya sa ginawa ko.

"How dare you to do that to me?" Sabi niya saken. Sasampalin niya sana ako pero hinawakan ko agad yung kamay niya tapos sinampal ko siya gamit yung kamay niya. Napa aray siya!! Nagulat yung mga barkada niya sa ginawa ko sakanya.

"Malandi pala ah?" Sabi ko tapos hinawakan ko yung buhok niya tsaka ko siya sinabunutan. Sasabunutan niya sana ako pero sinipa ko yung paa niya.

"Ganti ko yan para sa ginawa mo kay Lucy! Hayop kang babae ka." Sabi ko sakanya ng galit na galit.

Biglang dumating si Lucy, nakita niya ata yung ginawa ko kay Valerie. Sasaktan ko pa sana siya kaso pinigilan ako ni Lucy.

"Mikie tama nayan!!!!" Sabi ni Lucy habang inaawat niya ko.

"Kung ako sayo Valerie, magtanda ka!!!" Sinigaw ko sakanya tapos umalis na kami.

Hawak hawak ni Lucy yung braso ko tapos hinihila niya ko. Pumunta nalang kami ng canteen para makapag release ng stress tapos umupo kami.

"Mikie, ikaw bayan?" Sabi sakin ni Lucy ng nagtataka.

"A-ano bang pinagsasabi mo Lucy?" Sabi ko naman sakanya.

"Diba, hindi ka naman ganyan?" Sabi niya saken.

"Alam mo ba Lucy na naiinggit ako sayo." Sabi ko sakanya ng seryoso.

"Naiinggit?😮 Bakit ka naman naiinggit saken?" Nagtatakang tanong niya parin.

"Naiinggit ako sayo kasi matapang ka! Hindi gaya kong duwag at iyakin. Kaya naisip kong matutong lumaban." Emeged emeged! Pero realtalk yum ah. "Ikaw ang ginawa kong inpirasyon Lucy."

"Mikie?" Sabi niya sakin ng parang naluluha siya. Lumapit siya saken tapos bigla niya kong niyakap.

"L-Lucy...?" Nagulat ako nung niyakap niya ko.

"Salamat." Teka? Nagpapasalamat siya saken?

"Ahh, Lucy😅 Ako nga tong dapat magpasalamat sayo eh." Sabi ko naman sakanya.

"H-huh? Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.

"Ahhh... basta! Hehe!" Hindi ko nalang inexplain sakanya kasi ayokong magdrama haha😁

Maraming salamat sa pagiging inspirasyon Lucy💕

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon