Mahigit isang linggo nadin nakong inaasar at binubwiset ng tatlong yon lalong lalo na si Jaycee😡 Gusto ko na silang patayin sa inis. Walang araw na hindi nila ko binubwiset!!! Parang gusto ko na ngang umalis dyan sa school nayan kung hindi lang dahil kay mama, noon palang kasi pangarap na ni mama na makapasok ako sa ganung klasi ng school. Ayoko naman sabihen kay mama na ayaw ko dun baka kasi ma-dissapoint siya saken, nagsisikap kasi si mama magtrabaho para lang magkaron ako ng sapat na allowance kaya kailangan ko magtiis. Hays😔Pumasok nako sa school, mukhang tahimik ngayon ah. Walang nang aasar saken. Buti naman kung ganun pagod na pagod na kasi ako sa kalokohan nila. Bago ako dumeretso sa room pumunta muna ako sa locker ko, may kukunin kasi ako don.
Pagkadating ko, walang tao. Ako lang mag isa. Binuksan ko na yung locker ko. Pagkabukas ko, Hala!!!! Bumungad sakin yung mga basura. Ano na naman ba toh?😡 Bakit may basura sa loob ng locker ko? Nakakainis talaga. Bwiset!!! Wala naman ibang gagawa nito kundi si Jaycee lang eh😤 Bakit ba ayaw nila akong tigilan huh?😡 Pagod na pagod nako sa kalokohan nila. Lord please!! Karmahin po sana sila sa ginagawa nila😣
"AAAAAAAARRRRGGG!! BWISET KA TALAGA! BWISET!!!!" Sumigaw nalang ako sa inis.
"Ms. Yamada, bakit ka sumisigaw?" Hala! May teacher pala😨 Nako naman oh.
"Ah, S-s-sir kasi po...." Hindi ko alam yung sasabihen ko isa pa naman toh sa pinaka masungit na teacher dito sa campus.
"Alam mo bang bawal sumigaw dito? Nakakaistorbo ka. At isa pa bakit ka nagkalat ng mga basura dyan?" Pasungit na sinabe niya. Patay na! Pano ko ba sasabihen toh?😭
"Sir...." Hindi ko natuloy yung sinabe ko kasi bigla siyang nagsalita.
"Sumama ka sakin sa office." Hala!!! Baket? Bakit naman ako sasama? Eh hindi naman ako yung may gawa nito eh.😭😭😭
"Pero Sir...." Hindi na naman natuloy yung sasabihen ko kasi nagsalita ulit siya😏 Enebeyen huhu!!
"Wala ng pero pero... Sumunod ka sakin sa office." Okay😭 Nakakainis naman.
Hindi nako nagsalita sumunod nalang ako sakanya sa office. Ngayon lang ako nakapasok sa guidance office, grabe!!! Ang ganda ganda pala dito tapos ang laki. Pumasok na nga kami ni Sir, tapos pinaupo nako dun sa may upuan.
"Mr. Gab, what's problem? Bakit mo siya dinala dito?" Sabi nung guidance councilor na si Mrs. Rena, grabe nakakatakot siya😰
"Ma'am nahuli ko po kasi siyang sumisigaw at nakita ko ding kinalat niya yung mga basura." Hala! Hindi naman ako sisigaw kung hindi dahil sa kagagawan ng bwiset na Jaycee nayun eh😠
"Bakit ka naman sumisigaw miss?" Hala ano ba toh! Nakakatakot siya.
"Ma'am kasi po..." Hindi ako makapagsalita sa takot.
"What?" Sabi niya naman tapos tinaas niya yung isang kilay niya. Huhu!
"Ma'am si Jaycee po kasi..." Nagsalita na naman siya agad...
"Jaycee... what?" Tinatanong niya yung apelyido nung Jaycee na tinutukoy ko.
"Yutaka po Ma'am." Nanlaki yung mga mata niya nung sinabe ko yung apelyido ni Jaycee.
"Whaaaat? Bakit anong meron sa C.O.O dito?" Tanong niya saken. *C.O.O means 'Child of owner'
"Siya po k-kasi Ma'am..." Lunok laway muna Lucy😓 "Siya po kasi yung nag lagay ng basura sa locker ko." Okay pwede nakong huminga.
"Are you sure?" Seryosong sinabi sakin ni Mrs. Rena.
"Opo Ma'am, s-sigurado po ako." Sagot ko naman sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?
Ficção Adolescente"Kahit kailan di ako magkakagusto sa isang playboy." Yan ang sabi ni Lucy sa sarili niya. Galit na galit siya sa tatlong lalaking playboy na nakilala niya. Pero magbabago paba ang pagtingin niya kung sakaling mahulog siya sa isang playboy?