12. IFIWAPB

96 4 0
                                    

Lucy Yamada's Point of view👑

Linggo ng umaga, tumawag sakin si mama.

"Hello ma...?" Sabi ko.

"Anak!!! Kamusta kana dyan? Okay kalang ba dyan?" Sabi naman ni mama na nasasabik.

"Okay lang naman po ako mama. Eh kayo po kamusta kayo dyan?" Tanong ko naman kay mama.

"Okay lang ako dito anak. Mag ingat ka dyan ah. Oh sige tinatawag nako dun mamaya nalang. Love u...." Wow naman nag love u saken si mama😁

"Sige po bye ma. Love u too po." Nahihiyang sagot ko, hindi kasi ako sanay ng nag a iloveyou kay mama kasi nahihiya ako😝

Call ended....

Buti nalang nakamusta ko si mama dun, miss na miss ko na siya tsaka nag aalala na kasi talaga ako sakanya pero okay naman daw siya eh kaya wala nakong dapat ika-bahala.😉 Mamayang hapon pala mamalengke ako 2,500 nalang kasi yung nandito saken nagastos ko na yung 500 nung isang linggo. Hays! Ang gastos ko naman😌 Dapat mamaya agahan ko yung pamamalengke baka kasi maubusan ako ng sariwang karne at gulay hahaha.

"Ano kayang pwedeng ulamin mamaya?" Sabi ko sa sarili ko hehe.

Maliligo na nga ako para makapunta nako sa palengke😉

--

Jaycee Yutaka's Point of view.💗

Nasa bahay lang ako maghapon. Tangina kakabadtrip walang akong magawa. Ano kayang pwedeng gawin? San kaya pwedeng pumunt Kung puntahan ko nalang kaya si Cassie? Eh kaso galit pala sakin yun dahil dun sa ginawa ko sakanya. HAHAHA😂 Oo na, inaamin ko namang babaero talaga ako eh at hilig kong paglaruan yung damdamin ng mga babae, dapat lang naman sakanila yun eh. Diba? Wala akong pake sa nararamdaman nila kung masaktan man sila o ano.

Nagbukas ako ng fb account ko, tapos nagbasa ako sa news feed, pagka scroll down ko. SHET! Siya na naman yung nakita ko nung nakaraan nakita ko siya sa gallery ko ngayon naman dito sa news feed ko!? Tangna naman oh! Ang ganda at sexy niya parin. Hay ewan.

"Kakaen na nga lang ako letche!!!" Sabi ko sa sarili ko tapos hinagis ko yung cellphone ko kung saan.

Bumaba ako tapos pumunta ako ng dining room namen dito sa bahay. Papasok na sana ako sa pinto pero bigla kong nakita si mama kasama niya na naman yung mga tauhan niya tapos bigla siyang napatingin saken. Tamang tama! Nagugutom ako aayain ko si mama mag dinner sa labas.

"Yo, ma!" Sabi ko sakanya. Napahinto siya sa paglakad.

"Yes Jaycee?" Sagot naman niya.

"Ma, can you please go out with me?" Sabi ko naman.

"I dont have time to go out with you my Son. May mga mahalaga pa kong dapat asikasuhin." Tapos umalis na siya kasama ng mga tauha niya.

Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot at galit para bang gusto kong umiyak at magwala. Nawalan nako ng ganang kumaen, makaalis na nga lang dito.

Pumunta nalang ako sa bar, doon kung saan magpapakalasing ako ng todo.

"OH MY GOD! JAYCEE YUTAKA'S HERE!!!!" Sabe nung babaeng di ko naman kilala pero kilala ako.

Pagkapasok ko palang ng bar, yung mga babae nagsisilapitan na agad saken. Letche! Di na naman ako makadaan hayop nayan😕

Nakakita ako ng chix, agad ko namang hinila agad papunta sa V.I.P table. Yung ibang babae nagulat yung iba naman nagselos. Hahaha! Sorry pero siya yung napili ko.

Umorder ako ng beer at wine habang nakikipag flirt dito sa babaeng di ko naman kilala, nagandahan ako eh. Bakit ba?😉 Magpapakalasing nalang ako ng magpapakalasing kasama ang babaeng toh.

--

3rd Person's Point of view💕

Nakakailang bote na ng alak si Jaycee, pero hindi parin siya tumitigil sa kakainom dala siguro yun ng lungkot at galit na nararamdaman niya. Patuloy parin siyang nakikipag flirt sa babaeng hinila niya kanina pero biglang napatigil si Jaycee at pinaalis niya yung babae.

"P-pwede bang lumayas kana?" Sabi ni Jaycee.

"W-w-what?" Sabi naman nung babae.

"Ang sabe ko lumayas kana." Medyo napalakas yung pagkasabe niya sa babae tapos tinulak niya gamit yung isa niyang kamay.

"How dare you? Pagkatapos mokong hilahin papunta dito papaalisin mo lang ako?" Sabi nung babae ng pagalit.

Umalis nalang yung babae, iniwan niya si Jaycee ng lasing na lasing. Hanggang sa magsara na yung bar hindi parin umaalis si Jaycee. May lumapit sakanyang waiter para paalisin na siya.

"S-sir? Magsasara na po yung bar." Sabi nung waiter, pero hindi sumasagot si Jaycee nakayuko lang siya sa table. "Sir, excuse me po... Magsasara na po yung bar." Inulit na naman nung waiter.

"Pinapaalis moko? Hindi mo ba alam kung sino ako?" Sabi naman niya, hindi niya na alam kung ano yung pinagsasabe niya dahil lasing na lasing na talaga siya.

"Pasensya na po, pero kailangan niyo na po talagang umalis dahil po magsasara na yung bar."

Medyo natauhan si Jaycee, kaya naman tumayo nalang siya para umalis. Lumabas na siya ng bar. Naglalakad lakad siya na natutumba tumba....

Biglang may mga lumapit sakanyang limang lalake na mukhang adik.

"Pare, ibigay mo samin yang wallet mo kung ayaw mong masaktan." Sabi nung isang lalake. Pero hindi siya pinansin ni Jaycee. "Ibibigay mo o gusto ko talagang masaktan?" Sabi nung isa pang lalake.

"Fuck you! Bakit ko naman ibibigay sayo?" Sabi ni Jaycee, nakukuha niya parin mambara kahit lasing siya.

"Aba! Gago pala to eh." Sabi nung isang lalaki sabay sinuntok siya sa sikmura.

Sinubukan ni Jaycee na lumaban kahit lasing siya, pero hindi niya nagawa dahil wala siya sa sarili niya. Pinagtulungan siya nung limang lalaking magnanakaw. Suntok, tadyak at sapak ang inabot niya sa lima kamuntik na nga siyang saksakin pero biglang nagsalita yung isa sa limang lalake.

"Pare, wag! Hayaan niyo nayan, kuhain niyo nalang yung pera tapos umalis na tayo dito baka may makakita pa satin."

"AAAHHHH😣" Sabi ni Jaycee habang nakahawak sa tiyan niya.

"Fuck you, fuck you kapang nalalaman ah." Sabi nung isang lalaki. Kinalikot niya yung bulsa ni Jaycee tapos kinuha niya yung wallet tsaka niya biglang binitawan si Jaycee napahiga naman siya sahig.

"Hayop, bigtime tayo dito sa lalaking toh. Andaming pera!!!" Sabi nung lalaki.

"Mamaya nayan! Tara na umalis na tayo dito." Umalis na yung mga magnanakaw.

Pagkaalis nila, tumayo naman agad si Jaycee sa pagkaka higa niya sa sahig. Hirap na hirap siyang tumayo at maglakad.... Hanggang sa makapunta siya sa park tsaka siya umupo sa may upuan. Hinang hina na talaga siya halos hindi niya na kayang tumayo.

Ano na kayang mangyayari kay Jaycee....

-Clang♡

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon