15. IFIWAPB

83 4 0
                                    


Lucy Yamada's Point of view💗

Mahigit tatlong araw din si Jaycee dito sa bahay, mabuti naman umuwi na siya.

Nakakainis talaga!!! Wala siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako. Tapos ang lakas lakas pa kumaen. GRRRR!😠 Naubusan na tuloy ako ng budget!!! Tinitipid ko pa naman yun tapos naubos lang dahil sa mokong nayon. Hay nako! Mabuti nalang talaga sinundo na siya nung lalaki, ewan ko kung sino yun. Para siyang mayaman kung pumorma, pero sabi naman ni unggoy tauhan lang daw nila yun sa bahay nila?🤔 Wow ha!!!😮

Papasok nako sa school, medyo maaga aga ako kasi ayokong malate. Lumabas nako ng bahay tapos nagsimula nakong maglakad.

Ang lamig naman ngayon, huhu!😭 Paano ba naman, yung uniform sa Shinedowa ang ikli ng palda pero buti nalang long sleeve yung pantaas.

Bigla kong nakasalubong si Mio....

"Oh my god Lucy ikaw pala! Ang ganda ganda mo naman bagay na bagay sayo yang uniform nayan!!!!" Sabi niya saken ng natutuwa.

"Nako Mio, hindi noh! Papasok kana?" Sabi ko naman sakanya.

"Oo papasok nako. Lucy!!! Namimiss na talaga kita kasabay pumasok dati." Nalulungkot na sinabe niya. Kahit din naman ako namimiss ko na din siyang kasabay pumasok, bakit pa kasi ako nakapasa dyan sa Shinedowa eh😒

"Namimiss nadin kita Mio." Sagot ko naman. Bigla nalang tumingin si Mio sa relo niya.

"Oh sige Lucy, malelate nako next time nalang. Babye!" Tapos bigla niya kong niyakap. Kahit kailan talaga ang sweet nitong babae na toh😊

"Sige ako rin." Nag wave ako ng kamay sakanya sign ng bye bye.

Umalis nadin ako. Malelate nadin kasi ako. Ayoko pa namang mapalabas ng room, ang sungit pa naman ng first subject teacher namin.

Pagkapasok ko sa room, wala pa si Sir. Yes!!! Buti naman, bigla naman lumapit sakin si Valerie. Ano na naman bang problema niya?😒

"Hoy poor girl, balita namen sa bahay niyo nag stay si Jaycee!?" A-ANO??? Pano niya naman nalaman yon?😨

"Oo nga, ahas ka talaga!!" Sabi naman saken ni Sherly.

"Ang landi mo!!!" Bigla nalang akong tinulak ni Valerie tapos naupo ako. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko.

"Hahaha ayan kasi ang landi landi."

"Dapat lang yan sakanya."

"Ang kapal ng mukha niya para akitin si Jaycee."

Sabi ng mga kaklase ko. Ano bang pinagsasabe nila!? Ako inaakit ko si Jaycee? Ang kapal nila! Para sabihen ko sakanila tinulungan ko lang si Jaycee at kahit kailan hindi ko siya inakit.

Tumayo ako tapos nagsalita.

"Hoy kayo...." Hindi ko natuloy yung sasabihen ko kasi biglang dumating si Sir.

"Okay class, you may take your sit." Sabi ni Sir.

Umupo na lahat sila, pati nadin ako. Nakakainis talaga! At bakit naman nila nalaman na nag stay si Jaycee sa bahay? Eh si Jaycee naman tong ayaw umuwi sakanila! Aaaaaahhhh!!! Nakakaimbyerna.

Biglang napatingin sakin si Mikie... Tapos bumulong siya.

"Lucy, totoo bayon?" Sabi niya ng pabulong. Hindi ko alam yung isasagot ko pero ayaw ko naman magsinungaling sakanya.

"Mamaya nalang natin pag usapan yan, baka makita tayo ni Sir." Sabi ko din ng pabulong.

Nakakatamad naman makinig ngayon. Mabuti nalang nag recess na, bumaba na kami ni Mikie tapos pumunta kami ng canteen.

I FELL IN LOVE WITH A PLAYBOY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon