Carlos' POV
Namimiss ko na talaga si Sophie.. 3 weeks na din nung umuwi kami from Cebu naging abala ako dito sa office ni daddy. May konting problema kasi kami dito sa kumpanya kaya humingi muna sila ng tulong sakin.
Kaya ngayon mabuti na ok na dito sa office ni dad. kaya sabik na sabik na ko makita siya.
"Pare! kamusta?" Si luis.
"Pare! ok naman. papunta na ko bar.."
"Sabay na tayo. convoy na lang..alam ko deretso na din si Chloie dun. may special guest daw sa bar niyo ngayon ah" anong special guest? hindi ko alam yun ah. sabagay matagal din akong walang balita sa negosyo namin ni Sophie.
"Special guest?"
"hmm.. Secret pa daw eh. kala ko alam mo"
"ahh.. malalaman natin yan mamaya.. ano tara na? out na ko dito sa office"
"ok pare!"
Pinaandar ko na sa mabilis na kaya kong paandarin ang sasakyan ko. Gustong-gusto na kasi makita ang bestfriend ko at napapaisip talaga ako sa kung sino man guest un. pero bahala na ayoko na isipin kung sino man guest un. Ang importante ay magkikita na ulit kami.
Sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko hindi ko na namalayan na nandito na pala ko sa bar namin ni Sophie.
"Pare! ang bilis mo magmaneho ngayon ah!"
"haha! nakahabol ka naman pare e!" Pumasok na din ako sa bar kasunod si Luis. Medyo madami na din tao ang nakikita ko, pero isa lang hinahanap ng mata ko, at ayun nakita ko na ang pinaka magandang babae sa buhay ko. Nakaupo si Sophie sa stool bar kasama si Chloie. tinititigan ko lang siya medyo malayo pa ko sa kinauupuan nila. matagal ko na din siyang hindi natitigan.
"hey honey!" si luis tinapik na din ako pagka tawag sa fiance niya.
"honey!" si chloie. nakita ko nagulat si Sophie nung nakita ko.
"bezzzzzzz!" nakita ko pagkagulat niya nang makita ako. hindi ko na kasi siya tinext na pupunta ko sa bar ngayon. maybe mamaya na kami magkwentuhan ..we have plenty of time to catch up.. ngayon dinadama ko ang pagkayakap niya sakin..oh i just missed her! so muchhhhhh! binalik ko din naman ung yakap ko sakanya ng mahigpit din.
"hey bez!" nakayakap parin siya sakin
" Eto naman parang tagal ko nawala ah" kumalas na din siya sa pagyakap sakin then tinitigan lang ako.
Parang nag stop nanaman ang mundo ko nung tinitigan niya ko..
"Na-miss lang kita bez.....ahh ok na ba sa office ni tito?" ako bez miss na miss na miss ng sobra
"Oo okay na lahat.. teka ikaw ah anu ung nababalitaan ko na surprise guest ako ba yun?"
"hahaha ako nga ang na surprise mo eh! hahaha!" bigla nagslita ang host ng bar namin.
Pagkakita ko lumabas ung banda nila riley. what the!?
"Surprise bez!" ang laki pa ng ngiti niya sakin.. na surprise nga niya ko!? nilapitan siya ni chloie. busy sila kiligin.
"Naku pare! anong surprise yan?! tignan mo tong soon to be wife ko parang di kasama mapapangasawa e!" tahimik lang ako nakikinig kay luis.. pero parang hindi ko parin maintindihan mga pinagsasabi niya. maingay kasi dahil nga tumutugtog banda nila Riley. at ang ingay din ng hiyawan ng mga tao.
"Hoy pare!!! tignan mo bestfriend mo?! hindi kaya nililigawan na siya ng riley na yan?" ayan naintindihan ko na talaga ang sinabi niya! basta ata kay Sophie ang linaw ng pangrinig ko.
"ano ba pare! ako unang makakaalam kapag may nanligaw sa bestfriend ko"
"Eh kasi pare nawala ka din ng ilang linggo. nalaman ko lang naman kay chloie na araw araw tinatawagan ng riley na yan si Sophie e"
"Pag tinatawagan nanliligaw n agad? hindi ba pwedeng kinakamusta lang? un lang un!"
"lalaki ka pare alam mo mga kilos natin mga lalaki kapag may gusto tayo sa isang babae"..... Actually may point naman si luis. Pero gusto ko parin kay Sophie ko mismo malalaman kung nanliligaw nga ung Riley na un.
Sophie's POV
"Bez! aalis ka na?" hindi rin kami nakapag catch up ngayon gabi. kasi busy din ako i-company sila riley. Buti na lang nakita ko si bez. kaso paalis na siya papunta exit door.
"Ah.. Oo bez. pagod na kasi ako. hindi na sana ako magpapaalam kasi medyo busy ka pa" medyo masakit din makita na merong ibang nagpapasaya sakanya.
"ah.. ganun ba. pero mabilis lang naman magpaalam e. hindi ka naman makaka- istorbo bez.." ang lungkot ng tono ng boses niya.
"Halika nga dito bez..." nagulat ako bigla niya ko niyakap. naradaman ko lalong humigpit ung yakap niya sakin. binalik ko naman ung yakap niya. Na miss ko ng sobra ang bestfriend ko.
"I miss you.... Bez"
"I miss you too Sophie... Bez"
"Sophia" kumalas ako sa yakap namin ni carlos narinig ko kasi may tumawag sakin.
"Riley" si riley pala.
"Nawala ka kasi kanina.. oh Carlos.. Pare.. long time no see!"
"Pare.. yeah. long time no see. Naging busy lang. Pero Im back. Maluwag na ulit sched ko" si carlos nagbatian sila.
"Oh that's good... aayain ko kayo sana pumunta ng province namin.. sa batangas may hacienda kami dun"
"ah.. sige. pwede ba isama sila chloie and luis?
"kahit sinong gusto mo sophie"
"okay... bez sama ka ah" nag nod lang siya..
"ahhh.. great! text ko na lang si sophie para sa ibang details"
"ahh bez? hindi ka pa ba uuwi? sumabay kana sakin?" bigla sabi ni carlos sakin.. tumingin ako sa orasan late na din.
"ahhh.. Pare ako na bahala kay Sophie. don't worry iingatan ko siya"
"Ah Riley... pwede bang kay bez muna ko sumabay. matagal din kaming hindi nagkita e. actually na surprise niya ko ngayon na pupunta siya dito sa bar and okay na ulit ang lahat sa office nila" pagkatapos ko magsalita. nakita ko nadismaya si riley sa sagot ko. pero na miss ko na si bez e.. gusto ko talaga siya makasama ngayon..
"Ah. I see. Sige Sophie. I'll text you na lang. Ingat kayo" then bineso niya lang ako.
"Salamat sa pagtugtog dito sa bar ah. ang daming tao.. Sige we'll go ahead na... goodnight" ngumiti lang ako then nag nod lang si Carlos kay Riley.. at naglakad na din kami papuntang parking lot.
"Chloie... sis! nauna na ko umuwi.. kasama si bez ah. sorry hindi na ko nakapag paalam sainyo ni luis.... okay. thanks sis! goodnight.. bye!"
Sa totoo lang ang tahimik namin ni bez simula nung sumakay kami dito sa sasakyan niya hmmm... alam ko lang may iniisip siya pero ano naman kaya?
Hanggang sa nandito na kami sa bahay.. hindi parin siya umiimik... akala ko na miss niya ko ng sobra.. hmm..
"Bez.. may problema ka ba?" ako na lang unang magsasalita.. gusto ko din malaman kung bakit siya walang imik.
"....Wala to.. bez pagod lang.."
"Sure ka? parang hindi naman kita kilala?" alam ko somethong bothering him... tumango lang siya at ngumiti sakin. pero bakit pakiramdam ko napipilitan lang siya ngumiti sakin.
"Okay.. I'll see you tomorrow bez. Goodnight.. Thank you sa paghatid.."
"Goodnight Bez..."
-----------
hello guys!! now na lang ulit ako nakapag UD dapat last week pa kaso nabura ung draft ko. sorry! hmmm may readers pa ba ko? haha sana meron pa. salamat po sa matiyagang paghihintay :)))) :*
BINABASA MO ANG
Be Your Everything(KathQuen)
FanfictionIt's hard to be "Just Friends" with someone your in love with.