Chapter 34
Sophie’s POV
Bumangon ako mula sa kama kung saan ako nahiga. Lumabas ako sa kwarto. Wala ako sa bahay namin. Nasaan ako?
Tumakbo ako pababa. Nakita ko may isang lalaki na nakatayo at nakatalikod.
“Riley?” lumapit ako. Humarap siya saakin.
“Surprise?” oo nasorpresa ako,Bakit ako nandito?! Paano nangyari nandito din siya? Nasaan ba ako?
“Anong ibig sabihin nito? “ nakatingin lang siya saakin hindi niya ako masagot. “Ano Riley?” naguguluhan ako. Hindi ko na maiwasan hindi mainis! For Pete sake kasal ko ngayon araw na ‘to!
“Magkakasama na tayo Sophie.” Hahawakan niya ang mukha ko pero iniwas ko. Ano bang sinasabi niya?!
“Ano bang kalokohan ang sinasabi mo? Ano bang nangyayari sayo? Kasal ko ngayon!” pinipigilan ko ang luha ko. Mali ang nasa isip ko. Hindi, okay na kami ni Riley. Hindi niya magagawang kidnapin ako.
“Walang kasal na magaganap, sasama ka sakin. Akin ka lang Sophie.” hinahawakan niya ako sa magkabilang braso. Na pilit kong tinatabig.
“Ano bang sinasabi mo!? Anong sasama ako sayo? Bakit ako sasama sayo? Sabi kong kasal ko ngayon kay Carlos! Ibalik mo na ko kay Carlos!” hindi ko na mapigilan sigawan siya.
“Wag na wag mo na ulit babangitin ang pangalan na yan! Dahil hindi mo na siya makikita. I can love you more than he can Sophie, hayaan mong iparamdam ko sayo. Ito para sayo lang ‘to” kinuha niya ang kanang kamay ko at inilagay niya sa tapat ng puso niya.
“Riley, nasisiraan ka na ba? Malinaw na sinabi ko sayo na si Carlos lang! Si Carlos lang ang mahal ko at mamahalin ko!” Inalis ko ang kamay ko sa tapat ng dibdib niya.
“Sinabi ng wag mo ng babangitin ang pangalan na yan!” nagulat ako sa ginawa niya saakin, hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko.
“Ano ba?! Nasasaktan ako! Nasasaktan ako Riley! Bitawan mo ko! Magtatawag ako ng mga Pulis.” lumayo ako sakanya. Nagdidilim ang mga mata niya,nakakatakot.
“Wala ka ng magagawa, sasama ka saakin, mamayang 3pm ang flight natin papuntang Greece. Kaya maghanda ka na.” bago siya umalis nakita ko ang cellphone ko sakanya, iwinagaywag niya ito saakin at ako naiwang umiiyak.
Nakita ko sa paligid na madaming nakabantay. Pero kailangan kong makatakas.
Chloe’s Pov
I’m really excited to see my friend today. It’s her wedding day and wala na atang paglalagyan ang excitement ko.
“Honey.” Ang gwapo kong asawa.
“Yes Honey?”
“Nung sinundo kita nung bridal party naalala ko may binigay saakin ung receptionist na sulat, since na asawa naman daw kita binigay niya saakin pinabibigay daw ng isang babae.” May inabot ang asawa ko saakin na white envelope.
Chloe,
In case na may mangyari saakin atleast nasabi ko na ang dapat niyong malaman sa pamamagitan ng sulat na ito. Alam ko na mayroon sumusunod sa bawat kilos ko, ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na sabihin ang lahat ng nalalaman ko. Narinig ko mismo mula kina Riley and Tito Marquez na kikidnapin on her wedding day mismo si Sophie, 3pm exactly na start ng kasal ang flight nila Sophie and Riley papuntang Greece, kailangan niyo silang pigilan, may plano din si Tito Marquez kay Carlos at sa Papa nito pati narin sa Papa ni Sophie, naghihiganti siya about the past at ngayon hindi lang ang sarili niya ang dinadamay niya pati ang anak niyang si Riley isinama niya na ito sa paghihiganti.Walang alam si Riley na ama niya ito. Please do everything to save Sophie and Carlos. Mag-iingat kayo. Hindi niyo alam kung ano pa ang kayang gawin ng Papa ni Riley.
BINABASA MO ANG
Be Your Everything(KathQuen)
FanfictionIt's hard to be "Just Friends" with someone your in love with.