Chapter 17.2

434 18 1
                                    

(Carlos POV)

Pagkatapos namin kumain ni Sophie, nag-lakad lakad lang kami kasama sina Luis at Chloe. Habang pumasok yung dalawa sa isang boutique shop, kinausap ako ni Sophie,

“Uy Carlos! Come here!” Tawag niya pa sa akin.

“Bakit?” Tanong ko sakanya ng makalapit ako.

“Ano, kasi…. Ahmmm, pwedeng humingi ng favor sayo?”

Tumango naman ako, habang nacu-curious sa ipapagawa niya.

“Pwede bang kausapin mo si Claudia? Then at the same time, I’ll talk to Riley. Para hindi sila mabigla.” Sabi niya.

Huminga ako ng malalim, “Oka-y, so mage-explain ako kay Claudia, and ikaw kay Riley?” Paglilinaw ko, tumango naman siya.

“Ayoko lang naman na mabigla sila eh, alam ko na may feelings sa akin si Riley,…” tapos huminga siya then nag-grin “And alam ko rin na may feelings din si Claudia for you.” Sabi niya, nanlaki ang mga mata ko.

“Kailan mo pa nalaman?” Tanong ko.

“Figure it out.” Sabi niya, “Basta ha? Deal natin, after that may date tayo.” Sabi niya sabay alis habang naka-ngiti ng sobra-sobra.

Nang maka-uwi kami sa hotel, nagulat kami na magkasamang kumakain ng dinner sina Riley at Claudia. And I think they knew everything now.

“Hey guys, can we join?” Tanong ni Luis kina Riley and Claudia. Nilakihan ko nga ng mata si Luis pero mukhang walang balak makinig ang isang to.

“I, ah, may gagawin pa pala ako, sige mauna na kayong kumain.” Mabilis kong pag-iwas, kaso nakaramdam ako na may humawak sa braso ko, pag-tingin ko si Sophie.

Tumingin siya sa mata ko and nakita kong nagmamakaawa siyang huwag ko siyang iwanan mag-isa dito. I sighed,

“Ehem, ahhm, yeah, sure,you can join us, Luis.” Sagot ni Riley, nararamdaman kong nakatingin sila saamin ni Sophie kanina.

Umupo na kami, katabi ko si Sophie then si Luis, tapos sa kabilang side naman ni Sophie is si Chloe, and ang nasa harap namin ni Sophie is sina Riley and Claudia.

Ang awkward, grabe. And I can feel the tension in the air.

Kumain lang kami ng tahimik, then habang inuubos naming ang dessert, biglang nagsalita si Claudia, na nagpagulat saakin.

“Nag-decide na kami ni Riley na uuwi na bukas sa Pilipinas. You 4 can still stay here, if you want ipagbibilin ko na lang kayo.” Sabi niya, I looked at her and I saw her cold expression.

“Actually, we’re also thinking about going back.” Sagot ni Chloe.

“So, we can all go home together. Don’t worry, ready na yung mga kailangan namin.” Sabi naman ni Luis.

“Okay. If that’s what you want.” Ngumisi lang siya samin. Pero si Riley wala lang kibo.

After ng a very awkward dinner namin, sinenyasan ako ni Sophie na kakausapin niya si Riley. Pero akala ko pag-uwi na namin. Si Claudia naman bigla na lang nawala. Naka-sunod kasi ako ng tingin kay Sophie at hindi ko na siya namalayan.

“Hoy lalake!” Si Chloe. May pag tapik pa talaga sa braso ko.

“Hey what?” Pa-inosente ko pang tanong.

“Baka matunaw ang girlfriend ko ah.” I know she’s talking about Sophie. Haha! Ngumiti-ngiti naman ang mabutihin niyang fiancé.

“Hindi naman eh.” Natawa na din ako.

Be Your Everything(KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon