Chapter 33

243 10 0
                                    

Chapter 33

Claudia’s POV

Nagtext si Chloe saakin.

Hi Clauie, I’ve decided to throw a surprise bridal shower for Sophie. Wanna come? I’ll just text you the address if u come.

Sumagot ako na pupunta ako. Siguro kailangan ko na din talagang sabihin kay Sophie, kung hindi ko mahagilap si Carlos, para aware na siya. Bahala na.

Sa isang hotel ang venue ng party. Kaya dumiretso na ako. Pero simula nung umalis ako parang may laging nakasunod saakin.  Hindi kaya tauhan ni tito Marquez ito.

“Excuse me, visitor ako ni Chloe Dee.” Sabi ko sa receptionist.

Natatakot na talaga ako. Pero nakarating naman ako ng 7th floor pero hindi ko namalayan na may tumakip na sa bibig ko. kahit na pumiglas ako ay baliwala dahil malalaki sila. Sinakay nila ako sa van, at kinuha ang phone ko.

“Sino ba kayo? Anong atraso ko sainyo?!” hindi naman nila ako sinaktan. Ni hindi nga nila binenda ang kamay ko.

“Sagutin niyo ko!”

“Sinabi lang po ng boss namin na itago muna kayo.” Sabi nung isang lalaki na katabi ko.

“Anong itago? Bakit? Sinong boss niyo?” kahit na posibleng meron na akong idea kung sino ang nagpagawa nito sakanila baka sakali na sabihin nila sakin.

“Mamaya po pupuntahan ka niya.”

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para tanungin sila. Nakita kona bumaba kami sa isang malaking bahay.

“Ma’am kailangan lang namin takpan ang bibig niyo baka sumigaw kasi kayo.” May magagawa pa ba ako. Hinayaan ko na lang. Mamaya na ako magiisip ng paraan para makatakas.

Sinabi nung isang lalake na hindi nila ako itatali, babantayan daw nila ako sa mga galaw ko. Malaya daw akong makakagalaw pero hindi daw ako maaring tumakas. Nandito daw ako hanggang sa sasabihin ng boss nila. Maganda ang bahay. Parang nasa isang exclusive village pa nga ako. Pero malalayo ang mga kapitbahay. Wala akong matanaw mula dito sa sala.

“Nandyan na si Boss, bantayan mo siyang maigi.” Sabi nung isang lalaki sa kasamahan niya na nakasunod lagi saakin, kahit saan ako na magpunta. Tumango lang ito.

I knew it! It’s tito Marquez.

“Hija,I will explain.” Pagkakita niya saakin.

“You really need to explain tito.” Straight face na sabi ko sakanya.

“Alam kong may alam ka. Kaya you have to be here. Masisira mo ang plano ni Riley.” Umupo siya sa Sopa.

“Plano ni Riley? O plano niyo ni Riley.” I’m still looking straight face to him.

“Oo inaamin ko. Plano namin dalawa. At wala ka ng pakielam doon.”

“How could you! How could you do this?! Idadamay mo pa si Riley. Akala ko matino kayong tao! Nagkamali ako!” hindi ko na kayang pigilan ang pag-iyak ko.

“Kikidnapin niyo ang isang babae sa mismong araw ng kasal niya! At pagkatapos anoanong gagawin niyo kay Carlos!?”

“Mahal mo Claudia.”

“Hindi na mahalaga kung mahal ko siya. minahal ko siya. hanggang doon na  lang un, may mahal siyang iba at tanggap ko un! Eh ikaw! Pinilit mo lang si Tita Katrina! Hindi ka niya mahal! ” sinugod ko siya papalapit na sana ako sakanya ng may humigit ng kamay ko ung mga lalaking tauhan niya.

“Wala kang  alam Claudia, wala kang alam!” hinigit niya ang kamay ko at hinigpitan niya ang hawak. Nakakasakit!

“Alam kong papapatay mo din si Carlos! Kaya pinauna mo muna sila Riley papuntang Greece!”

“Gagawin ko yon dahilun lang ang paraan para wala ng maging hadlang sa Anak ko at sa babaeng mahal niya! ” tinaasan na rin niya ang boses niya. Galit na galit na siya saakin, hindi na ako magtatakakung mauna na ako kay Carlos na patayin niya.

“Hindi ko akalain gagawin niyo iyon! Siguro nga anak mo si Riley, pero kahit  kalian hindi ka naging ama sakanya! Hindi un ang sapat hindi sapat ang pumatay para lang maging ama ka sa anak mo!”

At sinampal na niya ako ng malakas na napahandusay na ako sa sahig.  hindi ko akalain na maririnig ko ang lahat ng ito mismo sa bibig ng umampon saakin. At ang masakit ang saktan niya ako.

“I’m sorry Claudia!” hinawakan niya ako pero tinabig ko ang kamay niya at tumayo ako.

“Mabuting hindi na makilala ni Riley na ikaw ang ama niya. Baka ikaw pa mismo ang itakwil niya kapag nalaman niya na mamamatay tao ang ama niya!”

“Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko Claudia. Ang ama ni Carlos at Sophie ay matalik kong kaibigan noon.  Si Richard at Edmon,magkakaklase kami sa probinsya namin noon. Mgakakaibigan kami.” Nagulat ako sa sinabi niya, talagang maliit ang mundo, alam ko lang anak niya si Riley. Pero ni minsan hindi niya nabanggit ang mga ama nila Carlos at Sophie.

“Magkakapitbahay kami, magkakababata. Pero  laking mayaman ang dalawa,may kaya sila sa buhay at ako ang pinakamahirap sa aming 3. Pero sa aming tatlo ako ang pinaka-matalino. Saakin silang dalawa nagpapaturo kaya naman naging matalik na rin kaming magkakaibigan. Hanggang sa highschool naging magka-classmate kami, hanggang sa dumating si Katrina,mula sa Manila nagbakasyon ito sa probinsya namin isa pala ang pamilya ni Katrina sa pinakamayaman at kilalang tao sa lugar namin,  nag decide siya na doon magbakasyon, pinakilala siya ni Richard saakin, dahil magkakilala ang mga magulang niya at ni Katrina, hindi ko alam na nahuhulog na ako sakanya, ng malaman ko na magkasintahan na pala sila ni Edmon hindi ko namalayan na sobra akong nasaktan na mahal ko na pala si Katrina. Mabuti na lang at lumayas ng bansa si Richard nung nag Kolehiyo na kami. At si Katrina ni minsan hindi ko iniwan, ako ang naging karamay niya nagaral ako ng maigi para makapasok sa eskwelahan na pinapasukan niya sa Maynila naging skolar naman ako. Habang wala si Richard  ako  ang nasa tabi niya, kapag malungkot siya ako ang lagi nagpapatawa sakanya, kapag hindi niya nakukuha ang liham ni Richard,ako nasa tabi niya para makausap. Nagtapat ako ng pagmamahal sakanya pero ang masaklap ay hindi niya tinangap ang nararamdaman ko para sakanya.Kaya naman simula nung sinaktan niya ako mas lalo akong nagpursige sa pagaaral, hanggang sa nag trabaho ako at hinusayan ko, ng mataas na ang pwesto ko sa trabaho ay pinadala din ako sa ibang bansa at doon nagaral muli para palawakin pa ang alam ko. Naging mayaman ako at makapangyarihan binalikan ko si Katrina pero sa pangalawang pagkakataon ay tinangihan niya muli ako, nabalitaan ko na si Richard ay kinasal na sa iba. Dinala ko si Katrina sa London hindi kami kasal pero may nangyari saamin nabalitaan ko na namatay pala ang mga magulang niya sa aksidente at kasabay nun nalugi na pala ang negosyo nila,  pero iniwan niya ako, iniwan niya ako sa London. At natagpuan kita, binigay ka sakin ng isang Pilipina sa London, ang daddy mo ay isang dayuhan galing sa Inglatera, pero hindi pinanagutan ang ina mo, hindi ka niya kayang buhayin kaya naman pinalaki kita at nung pinahanap ko si Katrina nasa Singapore siya doon siya nagtrabaho, kaya naman doon kita pinag-aral para maging kaibigan ang anak ko. And things are favoring on me malapit ng bumagsak ang kumpanya nila Richard at Edmon makakaganti na ako sa ama ng  umaagaw sa babae na pinakamamahal ng anak ko at sa ama ng babaeng mahal ng anak ko. Walang sinuman ang makakasakit sa anak ko. Ayoko maranasan niya ang naranasan ko dati.”

“You manipulated everything! Kahit anong sama ang nangyari sayo sana hindi mo dinamay kami ng anak mo, at ng ibang tao! HUWAG MONG IPILIT KUNG AYAW SAYO! Hanggang ngayon hindi ka parin nag mo move on!? Pinilit mo si Tita Katrina, na kahit kalian ayaw sayo! You even raped her! Pinilit mo lang siya!!!”

“Shut up! Huwag mong ubusin ang pasensya ko Claudia. Ipaalala mo sakin na anak ang turing ko sayo at baka makalimutan ko!” hindi na siya ang Tito Marquez na kilala ko. Ang Daddy Leon na nag-alaga at tinuring kong Ama.

“Tinuring mo 'kong anak pero may kapalit ang lahat ng yon! Ako ang kinukuhaan mo ng balita about kay Riley, kaya pala lagi kang nagtatanong about him! Siguro naman nakabayad na ako sayo! Ginamit mo lang ako!”

“Hindi ka pa nakakabayad Claudia! Eto eto ang bayad mo ang pananahimik mo!  Sa Sabado na ulit kita pupuntahan,sisiguraduhin ko muna lahat ng plano ko ay matatapos, tiyaka na kita pakakawalan.”  Bago siya umalis pinagbilin niya ako sa mga tauhan niya.

Be Your Everything(KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon