Edited by Skyeward88
Glai please dun na muna tayo sa likod. May sasabihin ako sa yo. Aya sa kanya ni Rhi.
Sumunod naman sya rito at naninibago sya kay Rhi dahil ngayon lamang ito naging seryoso lalo na sa imahe ng mukha nito.
Nang makaupo na sila sa mahabang upuan ay hinawakan ni Rhi ang dalawa nyang kamay ng mahigpit at bago magsalita ay yumuko na muna ito at nagbuntunghininga.Alam ko mali ito pero ito ang tunay na nararamdaman ko Glai. Mahal kita. Di ko alam kung paano nangyari at ano ang dahilan. Kusa ko na lang ito naramdaman. Pag wala ka at lumiliban ka sa klase di ko alam pero hinahanap hanap kita Glai. Lumilipad ang isip ko at lagi kitang inaalala.
Tapos sumasaya naman ako basta ramdam ko na nasa paligid lamang kita at nakikita kita. Hindi ko alam pero mahal kita Glai. Mahal na mahal kita. Tatanggapin ko anuman ang sasabihin mo at nais mong mangyari. Kung papalayuin mo ako ay tatanggapin ko.
Natutuwa naman si Glai sa kanyang mga narinig at hinawakan ang pisngi ni Rhi at unti unting nilapit ang kanyang bibig sa labi ni Rhi. Nang madidikit na ang kanilang mga labi ay biglang....
Ahhh...Aray!!!! Bakit ba?! Galit at kunot noong sambit ni Glai sa ginawa ng kanyang kapatid.
Eh kesa halikan mo ko ateh noh?? Yuck. Bakit ba kasi at sino ba nasa panaginip mo na hahalikan mo? sambit ni grace, ang nakababata nyang kapatid.
Bigla ay bumalik sa alaala ni Glai ang kanyang panaginip. Bigla na lamang syang nangiti at nanghinayang na panaginip lamang pala lahat ng yun. Siguro ay dahil na din sa pag-iisip nya kagabi rito.
Oy. Nangingiti sya. Mukhng napakaganda ng panaginip mo ate ah! Hehehe. Crush mo noh??panunukso ng kanyang kapatid.
Hehehe. Di naman. Sige na nga at makaligo na. Baka malate pa ko. :)Close na close ang dalawang magkapatid at alam nila ang sikreto ng isa't isa maliban sa pagkakagusto nya sa kapwa nya babae at yun nga ay si Rhian.
