Edited by Skyeward88
Kinabukasan ay maagang nagising si Glai. Mukhang ok naman na ang tingin nya kay Bianca. Iniwan na nya ito sa condo nito. 4:30am ng sya ay umalis at 5am mahigit na rin ng sya ay makarating sa bahay nila.
Tinext nya si Rhian bago simulan ang sandwich na kanyang gagawin para sa merienda nila ng recess.
Hi. ☺ Happy morning bestfriend. ☺ Sorry uli kagabi ha. ☺ Nagprepare nga pala ako ng tuna sandwich. Merienda natin mamaya. ☺ I love you my bestfriend. ☺ See yahh.
Alam nyang gising na si Rhian ng mga oras na ito dahil tuwing umaga ay si Rhian ang laging bumabati sa kanya. Naghintay sya ng ilang sandali ngunit bigo ito. Bigo na naman syang muli na makatanggap ng response dito.
Hayystt! 😞 Buntung hininga ni Glai. Mukhang nagtampo talaga sa akin ang bestfriend ko.
Samantala ang totoo ay laging hawak naman talaga ni Rhian ang cellphone nya. Natutuwa sya na naka-receive sya ng text mula kay Glaiza. Ngunit nalungkot syang muli ng mabasa nya ang salitang BestFriend. Kaya kahit nais nya itong replyan ay hindi na lamang nya ginawa.
Nakarating na rin sila sa school pareho. Subalit unang nakarating si Rhian doon.
Hi best. ☺ Happy morning. Niyakap pa ni Glai ito ngunit malungkot pa rin ang mukha ni Rhian.
O parang byernes santo ka best ah! May nangyari ba?
Hindi sya tinugunan nito. Bagkus ay dinukdukan lamang sya nito.
Uy best. May problema ka ba? May nangyari ba sa inyo ng mommy mo? Tanong muli ni Glai.
Muli ay hindi na naman sya tinugunan nito.
Alam ko nagtatampo ka sa akin best. Sorry na o! Wag ka na magtampo pa ha! Mahinhing salita ni Glai rito.
Hindi maintindihan ni Rhian ang kanyang sarili. Nais nyang sabihin kay Glai ang kanyang nararamdaman dahil sa hirap na hirap na syang itago pa ito. Ngunit hindi nya magawa. Ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Nag-angat ng mukha si Rhian at nakita ni Glai na lumuluha pala ito.
Best! Bakit ka umiiyak?
Hindi pinansin ni Rhian ito. Bagkus ay nilayasan nya ito at lumabas ng room.
Sinundan ito ni Glai at nahablot nito ang braso ni Rhian.
Uyy best. Makipag-usap ka nga. Anong nangyayari sa yo? Medyo napataas na ang boses ni Glai rito.
Will you please just leave me alone! Uuwi na lang muna ko. Umiiyak na sabi nito at inialis ang nakahawak nitong kamay sa kanyang braso.
Walang nagawa si Glai kundi ang hayaan na lamang ito at irespeto ang kagustuhan nito.
Lumipas ang maghapon na nag-aalala si Glai kay Rhian. Mula ng sandaling iyon hanggang sa maggabi ay tinawagan ng tinawagan ni Glai si Rhi hanggang sa sagutin nya ito.
Hello best! Ano ba talagang nangyayari sa yo? Pupunta ako sa inyo ngayon ha. Mag-usap tayo.
No! Wag ka ng magpunta rito. Wala ako sa bahay (kahit andon sya).
Umiiyak ka pa rin. Ano bang problema? Bakit umiiyak ka pa rin? Sabihin mo naman sa akin dahil nag-aalala ako sa yo best. Medyo pagalit na ring salita ni Glai.
Ikaw! Ikaw! Ikaw ang problema ko. Ano masaya ka na ha? Masaya ka na at alam mo na. Please, ayoko ng makipagkita pa sa yo. Nakapagdecide na rin ako. Nagpatransfer na ko kay mommy.
Ano? Anong sinasabi mo best? Hindi kita maintindihan. Ano ba? Pwede bang linawin mo at bakit bigla bigla na lang yan? At anong ako ang problema best? Pwede bang liwanagin mo! Mataas na ring boses nito.
Hirap na hirap na kasi akong itago pa ang feelings ko para sa yo. Hirap na hirap na kong itago ang nararamdaman ko at nasasaktan ako dahil hanggang magbestfriends na lang tayo! At bukod don alam ko ang pakiramdam kong ito ay walang anumang pupuntahan dahil alam ko na hinding hindi mo ako papatulan! 😢😢 Na tanging bestfriends lamang talaga ako sa yo! Ayoko na. Hirap na hirap na ko. Alam kong walang patutunguhan ito kaya hangga't maaga ako na lang ang iiwas. Mahal na mahal kita.😢😢 Matapos sabihin ito ay binabaan nya ito agad ng phone. Ayaw nyang makarinig ng anumang sasabihin ni Glai sa mga pag-aming nasabi sa kanya.
