Chapter 9

2.2K 86 4
                                    

Edited by Skyeward88

Nais matuwa ni Glai sa kanyang mga nalaman mula kay Rhian. Galak na galak talaga ang kanyang puso sa ginawang pag-amin nito sa kanya. Ngunit nalulungkot dahil na rin sa sinabi nitong iiwasan na sya at lilipat ng bagong eskwelahan. Kaya nagdesisyon syang puntahan na lamang si Rhian sa kanilang tahanan.

"Ma may assignment lang po kami. Pupunta po ako ngayon kina Rhian. Ok lang po ba?" Paalam nito sa kanyang ina.

"Ah ok hija. Magpahatid ka na lang kay Manong Cardo."

"Ok po ma. Salamat po. If hindi ako makauwi, dun na po ako makikitulog ma ha. Goodnight ma."

"O sige hija! Patnubayan ka ng Dyos Anak. Sige na."

"Thank you ma. Sige po. Alis na po ako."

Inihatid na nga ng driver nila si Glaiza sa lugar nila Rhian at ng makarating ito ay sa gate na lamang ito nagpababa.

"Salamat po manong. Ingat po kayo sa pag-uwi." Ngiting sabi ni Glai.

Hindi pa rin nagdodoorbell si Glaiza dahil biglang bumilis ang tibok ng dibdib nya. At nag-iisip kung paano nito kakausapin si Rhian. Maya-maya ay may paparating na sasakyan at sya ay binusinahan.

"O hija. Anong ginagawa mo dyan? Wala bang lumabas sayo?" Tanong ng mama ni Rhi.

"Ahm kadarating ko lang din po tita. Hehehe. Di pa po ako nakakapagdoorbell." Napasapo na lang si Glai sa kanyang ulo.

"O sya tara. Sumabay ka na dito. Mukhang may assignment kayo ah." Sabay tingin sa notebook na hawak nito.

"Ahm hehehe. Opo eh."

Nang makarating sila sa loob ng bahay ay tinanong agad nito ang kanilang kasambahay kung nasaan ang kanyang anak.

"Mam nasa kwarto po. Maghapon pong di lumabas ng bahay eh."

"Huh? Bakit naman po manang? Hindi po ba sya pumasok?"

"Ah pumasok po mam pero maaga rin po syang umuwi at umiiyak." Tugon ng kanilang kasambahay.

Dito napagtanto ni Glaiza na hindi totoo ang sinasabi ni Rhian kanina na inaasikaso na ng mommy nya ang paglipat ng skul. Kaya muli ay napangiti ito.

"Ahm tita. Ayos lang po ba kung puntahan ko na lang po sya sa kwarto?" Paalam ni Glai.

"Ah hehehe. Mukhang may m.u. kayo ng anak ko ah. Mommy na lang din ang itawag mo sa akin hija ok."

"Ah hehehe. Kayo po talaga tita. Ah sorry mommy po pala." Napapayukong kakamot kamot ito sa kanyang ulo.

"Ok. Puntahan mo na sya sa kwarto nya. Yung 2nd room sa right side yun ang kwarto nya."

"Ahm ok po mom. Salamat po."

Excited na umakyat si Glaiza patungo sa kwarto ni Rhian.

Naabutan niyang humihikbi pa rin si Rhian ng mga sandaling iyon.

Nilapitan niya ito at dahan dahang niyakap.

"Wag ka ng umiyak. Wala kang dapat iyakan at ikalungkot. Tama na ang pagmumukmok." Mahinahong sambit ni Glai sabay halik sa ulo nito habang nakatalikod sa kanya si Rhian.

Nagulat si Rhian ng mga sandaling iyon kung kaya't napabaling sya at pumaharap kay Glaiza na biglaang nasa loob na pala ng kanyang kwarto.

"Anong ginagawa mo rito?" 😢 Lumuluha pa ring tanong ni Rhian sa kanya.

You Filled Up My LifeWhere stories live. Discover now