Edited by Skyeward88
"O bakit basang-basa kayo?" Tanong ng ina ni Rhi.
"Wala po ma. Naisipan lang po namin maglaro sa ulan kahit 5 minutes lang." Tugon ni Rhi.
"Ay naku. Pasaway ka talagang bata ka. Idinamay mo pa pati kaibigan mo. Mamaya magkasakit pa kayo nyan. O sya magbanlaw na kayo dun at magpapainit ako ng sopas nang mainitan mga sikmura ninyo." Medyo pagalit na salita pero nangingiti si Rhi dahil namiss nya ang pagsita sa kanya ng kanyang ina matapos ay maglalambing ito.
"Ok po mom. I love you." 😘 Sabay halik sa hangin. Hinda maiwasang mangiti bigla ng kanyang ina.
"Hayyy. Pasaway ka talagang bata ka. Sige na. Umakyat na kayo. Ang ganda pa naman ng kasama mo." Pagbibiro nito.
Hindi maiwasang mapayuko ni Glai at mangiti.
"Ah hehehe. Di naman po tita. Ay mommy pala." 😊 Tugon rin ni Glai.
Napatingin na lang si Rhi sa kanilang dalawa at nangiti.
"Mommy ha. Hehehe. Close sila talaga." Sa isip ni Rhi.
"Tara na Glai. Shower na tayo. Yaya ni Rhi sabay akay sa kamay nito.
"Sabay ba tayo? Hehehe." 😁😁😁 Pagbibiro ni Glai at narinig yun ng ina ni Rhi at napangiti na lang ito sa kanila.
"Uy ano ka ba?" Dahan-dahan ka sa pagbibiro. "Nakakahiya kay mommy." Sabay tingin sa kanyang ina habang paakyat ng hagdan at nakita nyang nakangiti ito sa kanila.
Pumasok na lamang agad sila sa kwarto nito.
"Mauna ka ng maligo Rhi. Sa baba na lang ako maliligo. Ipaghanda mo na lang ako ng isusuot." Saad ni Glai.
"Bakit? Tara sabay na tayo." Yaya ni Rhi.
"Hindi na. Ayoko. Nahihiya ako. Joke lang yung kanina." 😊 Ngiting tugon nito.
"Pwede naman nating totohanin eh. Hindi ba? Tara na. Sabay na tayo." Sabay lapit kay Glai at inakay ito. Subalit inalis rin ni Glai ang kamay nito.
"Hehehe. Sige na. Mauna ka na. Nahihiya talaga ako Rhi. Pahingi na lang ako ng tuwalya. Sa baba na ako maliligo." Tugon muli ni Glai.
Natutuwa naman si Rhi dahil sinusubukan lang naman nya ito. Na kapag pumayag ay saka nya babawian ang sinabi dahil nahihiya rin naman syang talaga dito.
"Hehehe. Sige na nga. I love you lablab." ☺ Ngiting sambit nito.
"Huh? Hehehe. Lablab? Saan mo nakuha yun?"
"Sa puso ko. Pakinggan mo. Tara ilapit mo yung mukha mo sa dibdib ko. Maririnig mo. Lablab lablab lablab." ☺
Ginawa naman ni ni Glai at pinakinggan ang tibok ng dibdib ni Rhi.
Lablab lablab lablab.😁😁😁
"Hahaha. Ewan. Dyan ka na nga." ☺☺☺ Nakangiting sambit ni Glai at bahagya pang hinampas ng tuwalya si Rhi.
"Aba! Hahaha. Bakit? Totoo naman di ba? Lablab ang sinisigaw ng puso ko kaya iyon itatawag ko sa yo" .😁😁😁 Natatawang saad ni Rhi.
"Hahaha. Oo na. Sige na. Sige lablab ko. Maliligo na ako." ☺☺ Tanging nasambit ni Glai at aminado syang kinikilig sya ngayon ng husto.
