Chapter 3

3.5K 115 2
                                        

Edited by Skyeward88

Nangingiti na lamang si Glai habang sya ay naliligo. Paulit-ulit nyang binabalikan ang kanyang napanaginipan at nasabi sa sarili na sana ito ay totoo na lang.

Hindi rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tulad mo ako nagkakagusto. Alam kong mali ito dahil masasaktan lang ako. At ayokong masira o mawala ang pagkakaibigan natin. Malungkot na sambit ni Glai sa kanyang sarili.


Samantala si Rhian nama'y nakagayak na rin patungo sa eskwelahan. Tinext muna nya si Glai bago umalis ng bahay.

Happy morning bestie Papasok na ko. See yah..Sana ok na pakiramdam mo para di ka na umabsent. I love u bestie. Mwuah mwuah😘😘..


Sadyang malambing lang talaga si Rhian at di lang yun, dahil ang totoo ay may nararamdaman sya rito.

Pagkabasa ni Glai ng text ay di maiwasang mangiti ito ng todo todo at napansin syang muli ng kanyang kapatid.

Uy. Si ate. In love ka no?? Kung makangiti wagas ah. Abot lampas tenga ha!!😁 Sita sa kanya ng kanyang kapatid.

Hahaha. Sira! Sabay irap rito.

Hahaha. Sus. Ayaw pa umamin eh halata naman hahaha. Pasunod pa ni Grace.

Hahaha. Ewan ko sayo..!!😳

Iniba ni Glai ang kanyang estilo sa araw na to. Ang dating bangs ay kanyang ikinilip(clip) at ang salamin ay hindi n nya isinuot na sadyang nakapagbago ng kanyang anyo. Nawala ang kanyang pagkanerdy girl at muli ay nangingiti habang tinitingnan sa salamin ang kanyang sarili.

Pagpasok nya sa skul ay sa kanya nakatingin ang mga estudyanteng nadadaanan kung kaya't nahihiya sya at hindi mapakali. Waring nais na naman nyang umuwi at ibalik sa dati ang nakagawian nyang estilo ng makabungguan nya si Rhi.


Ouchhh."! Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo? Nakayuko na si Glai at pinulot ang bag nito. Mainit ang ulo ni Rhi dahil sa pag-aakalang di na naman papasok si Glai at bukod dun ay di sya nireplyan nito sa kanyang text.

Sa susu....

Natigilan si Rhi ng makita kung sino ang nasa kanyang harapan.

Ga.. Glai.. Ik... Ikaw ba yan? Napatunganga si Rhi sa kanyang nakita.

Lalong nagspark ang kanyang mga mata ng makita ang buong kagandahan ni Glai. Straight hair with hairclip and w/o wearing eyeglass. At nginitian sya ng sobra sobra kaya lalo syang natulala sa anyo nito.


Hoyy bestie. Napano ka? Wag mo nga akong titigan ng ganyan. Lalo akong nahihiya eh. Tapik sa balikat sa kanya ni Glai.

Ah. Ahm. Ikaw ba yan bestie? So nice. Ang ganda mo. Bagay sayo. Ganyan ka na lang sana lagi. Maraming mahuhumaling sa yo. Pati ako nahuhumaling na. 👧 Pagbibiro nito.


Hahaha. Sira ka. Mamya maniwala ako sa yo. Lumaki pa ulo ko noh. Tara na nga sa room.

Hehehe. Ok.

Magkahawak ang dalawa ng tinutungo ang kanilang classroom. Kahit ang mga kaklase nila ay kay Glai nakatuon ang mga mata. Lubos silang humanga rito. Di nila akalaing ang nerd nilang kaklase ay may nakatago palang ganda at ngayon lantad na lantad na.

Napapangiti na lamang si Rhi sa reaksyon ng kanilang mga kaklase.


Magkatabi sila ng upuan at katabi ni Rhi si Piolo Inigo. Mas tawagin sya sa pangalang Inigo.

Uy Glai. Pwede ba kong manligaw sayo? Kinalabit nito si Glai kahit nakapagitna sa kanila si Rhi.


Ahaha. Taken na yan noh! Di ka na pwede. Singit sa kanila ni Rhi.

Nagulat naman si Glai sa sinabi ni Rhi kay Inigo.

Hmmpp. Niloloko mo naman ako eh. Wala naman akong nakikitang manliligaw ni Glai. Di ba Glai? Pwede ba kong manligaw sayo? Pangungulit ni Inigo.

I'm sorry. But I'm already taken.

Ay, ganun ba. I'm sorry.

Hehehe. Ikaw eh. Ayaw mo maniwala. Sinabi ng taken na sya eh. Pang-aasar ni Rhi kay Inigo at inirapan ito.

Nagdaan ang maghapon na silang dalawa ang magkasama.

Bestie gusto mo bang sa amin na tayo gumawa ng project natin sa biology? Tanong sa kanya ni Glai.

Ah hehehe. Ok. I'm always free. Madali na lang magpaalam kay mama. Tugon naman ni Rhi.

Pabor sa kanya ang pag-aayang ito ni Glai. Lalong gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa unang pagkakataon ay makakasama nya ito lalo na at dito sya mag-oovernight.

Nang makarating sila sa bahay nila Glai ay mainit naman syang tinanggap ng pamilya nito.

Hi Ate. Ang ganda mo naman! Puri sa kanya ni Grace.

Ah hehehe. Hindi naman but thank you. Ate mo nga mas maganda eh. Kitams. Di ba ang laki ng pagbabago? Turong ngiti sa kanya ni Rhi.

Hahaha. Wag nyo akong pagtripan ha.

Mama! Pwede bang tabi tayo matulog mamaya? Please. I love you Mama.😊 Paglalambing ni Grace sa kanyang ina.

Eto may sumpong ka na naman ha. Hehehe. O sige. Miss ko na din ang bunso ko eh. Tugon naman ng kanyang ina sabay yakap rito.

Ang sweet naman. Nakakainggit. Namiss ko tuloy maglambing sa Mama ko. Hehehe.

Bakit nasan ba ang mama mo iha? Tanong ng ina ni Glai.

Ahm di po kami nag-aabot lagi tita eh! Late na po kasi umuuwi si mama. Minsan ang aga rin pong umaalis ng bahay para pumasok sa trabaho.

Eh ano bang trabaho ng mama mo? Tanong muli nito.

CEO po sya ng Prada company tita.

Ang ganda naman pala ng trabaho ng mama mo. Kumain ka lang iha. Feel at home wag ka mahihiya rito ha! Ngayon lang kami nagkabisita ng kaibigan ni Glai.

Hehehe. Bakit po tita? Puro ka-ibigan po ba ang dumadalaw sa kanya? Hehehe.

Oy. Hindi ah! Biglang sagot ni Glai sa sinabi ni Rhi.

Hahaha. Joke lang yun noh? Hahaha. 😂

Hmmpppp. Ewan ko sa yo ah.

Biglang nanahimik c Glai. Ikaw lang ang gusto kong dalhin dito sa bahay Rhi dahil espesyal ka sa akin - sa isip-isip ni Glai.

Nang matapos ang kanilang hapunan ay inumpisahan na rin nila ang paggawa ng project. Dahil sa laging nagtatama ang kanilang mga mata ay di nila maiwasang mapangiti sa isa't isa.

Nahuhuli sila ng kanyang kapatid na si Grace kung kaya't naiiling na nangingiti ito sa kanilang dalawa. Lalo na sa kanyang ate na ngayon lamang nya nakitang nakangiti ng sobra sobra at nakaramdam ito ng kakaiba sa kanilang dalawa.

Nang matapos ang project nila ay tumingin sa orasan si Glai.

Huh? 12:30 na pala. Ang bilis ng oras. Kaya pala kanina pa ko hikab ng hikab hehehe. Sambit ni Glai.

Hehehe. Ayus lang yan. Ang mahalaga nagawa natin ng maayos ang project. Dito na lang ako sa sofa matutulog. Saad ni Rhi.

Hindi. Tabi tayong matulog. Payakap na rin ako. Tugon ni Glai.


You Filled Up My LifeWhere stories live. Discover now