Chapter 22

2.2K 71 4
                                    

Edited by Skyeward88

Nagmamadaling umalis si Rhian at naghanap ng McDonalds upang doon bumili ng pagkain gaya ng kanyang idinahilan kay Glaiza kanina lang.

RHIAN: O Rhian, ang naughty mo! Bakit ka nagsinungaling kay Glaiza dahil lang sa lalaking yun?(Sambit ng kanyang isipan.)

Napapaisip ding talaga si Rhian kung bakit nga ba nya nagawang magsinungaling kay Glaiza kung pwede nman nyang aminin ang totoo.

RHIAN: Hayysst. Bahala na nga!

@the hospital..

GLAIZA: Maaari ka na raw lumabas ngayon. Konting galos lang naman ang nangyari sa iyo. Diretso tayo sa pupuntahan natin.

BIANCA: Saan ba tayo pupunta ate? (Kinakabahang tanong nito.)

GLAIZA: Malalaman mo rin! (Seryosong tugon nito.)

Naninibago talaga si Bianca sa kanyang Ate Glaiza. Hindi sya sanay na seryoso ito at waring galit sa kanyang mundo. Hindi nya maiwasang sisihin ang kanyang sarili. Maya-maya ay nakagayak na rin ito at handa na ring umalis. Sinusundan lamang nya si Glaiza at tahimik na pinagmamasdan ito. Nagtataka sya kung bakit hindi nya kasama si Rhian subalit pinili na lang rin nya ang manahimik.

Kring..kring..kring.
Rhian's calling.

GLAIZA: Hello.

RHIAN: Baby lab nakatapos na ako sa pila, in 10 minutes nandyan na ako ha. :) I miss you.

Lalong nag-init ang ulo ni Glaiza ng marinig ang mga salitang iyon ni Rhian at muling bumalik sa kanyang ala-ala ang nakita lalo na ang pagsisinungaling nito sa kanya.

GLAIZA: Pa-out na din kami. Sumunod ka na lang sa ibibigay kong address sa iyo kung may oras ka. Bye!

Pinatay agad ni Glaiza ang tawag at tinext na lamang si Rhian kung saan sila magkikita. Nagugutom na din si Glaiza kung kaya nag-stop over muna sila sa Shakeys.

BIANCA: Ate I'm sorry. Hindi ako sanay na ganyan ka kaseryoso. Sorry as mga ginawang pagkakamali ko ate, sorry.

GLAIZA: Wala namang silbi ang sorry Bianca kung lagi mo lang din itong uulitin. Kaya nga may pupuntahan tayo ng hindi mo na talaga ulitin. Ayokong gawin ito pero mukhang ito ang nararapat. At sana magtino ka na! (Matigas na sambit nito.)

BIANCA: I'm sorry ate. (Maluha-luhang tugon ni Bianca. Ngayon lang kasi ito nagalit sa kanya.)

GLAIZA: Tama na yan! Kumain ka na muna ng mabuti para pagdating natin doon ay may lakas ka at makapag-isip ka ng tama. Mahal kita Bianca. Bilang kapatid at bestfriend mo ayokong maliko ka sa maling landas na pinipili mo.

BIANCA: Okay po ate, sorry po ulit.

Nang matapos silang kumain ay saka biglang tumawag muli si Rhian.

RHIAN: Baby lab nasaan na kayo? Nandito na ako.

GLAIZA: Sorry kumain lang kami. Sige paalis na rin kami. Hintayin mo na lang muna kami dyan.

RHIAN: Ay kumain na kayo. Hindi pa ako kumakain.

GLAIZA: Kumain ka na muna dyan. May dala kang pagkain, hindi ba? Kainin mo na habang hinihintay mo kami. Sige na.

Pinatay na agad ni Glaiza ang tawag. Bigla na lang nakaramdam ng lungkot si Rhian. Naninibago sya kung bakit ganun ngayon sa kanya si Glaiza. Inisip na lamang nyang pagod ito at aburido kay Bianca. Sa gutom ay kumain na lang muna sya ng burger, fries at coffee.

Habang nagda-drive si Glaiza ay pinagmamasdan pa din sya ni Bianca at hindi mawala ang kanyang kaba. Nang makarating sila sa kanilang pupuntahan ay lalong kinabahan si Bianca.

BIANCA: Ate anong gagawin natin dito? Bakit dito uli tayo sa hospital pupunta? (Sa kabang nararamdaman ay tumulo ang luha ni Bianca. Hindi makatingin ng diretso si Glaiza kay Bianca. Sa halip na sumagot ay nakita rin ni Bianca na may pumatak na mga luha sa mga mata nito.)

GLAIZA: Bumaba na tayo at sumunod ka na lang sa akin.

You Filled Up My LifeWhere stories live. Discover now