Edited by Skyeward88
Kumalas ng sandali si Rhian dahil sa pangigigil sa kanya ni Glaiza. Ngunit sa sandaling iyon ay muling sumunggab ng halik si Glaiza at muli ay torrid na naman nitong nilasap ang mga labi ni Rhian. Nangingiti na lang si Rhian sa kanyang isipan. Tinutugunang muli ang mga halik sa kanya ni Glaiza. Hindi nya maiwasan ang mapahawak sa dalawang pisngi ni Glaiza. Napahiga sya at napaibabaw na lang si Glaiza sa kanya habang nakapikit ang mga mata nito at sya naman ay titig na titig sa mga mata nito.
Matapos ay napagod rin si Glaiza sa paghalik kay Rhian at nang matitig sa mga mata ni Rhian ay nabigla ito na nakatitig pala ito sa kanya. Kaya sa pagkabigla ay tumalikod sya at nagtaklob ng unan sa kanyang mukha at tumagilid sa kama nito.
Natawa na lang si Rhian sa naging reaksyon nito. Sakto ay nakashort ng maikli si Glaiza. Naisipan nyang palakarin ang kanyang dalawang daliri. Nagsimula ito sa tuhod ni Glaiza pataas sa hita. Lakad daliri hanggang sa gumawi ito sa kili-kili ni Glaiza at dito ay kiniliti na nya ito.
"Hahaha." 😂😂😂 "Tama na. Nahihiya na ako." ☺☺ Tawa ni Glaiza sa ginagawa sa kanya ni Rhian.
"Hahaha." 😂😂😂 "Bakit ka naman nahihiya? Eh nagawa mo na nga baby lablab." ☺ Sabay yakap ni Rhian kay Glaiza.
"Ehhhhhyyyy." Malambing na sambit nito. "Nahihiya nga ako baby lablab." Ngunit nakangiti naman ito habang nakatalukbong pa rin ng unan.
"Baby lablab. Ang sarap mo pala humalik nuh?" ☺ Mahigpit pa nitong yakap kay Glaiza habang nakangiti at napapikit na rin. Muling inaalala ang mga halik na pinagsaluhan nilang dalawa kanina lang.
"Hehehe." 😁😁 "Baliw ka baby lablab. Tulog na nga lang tayo. " ☺ Ngiting sambit nito at hinapit ang mga braso ni Rhian na nakayakap sa kanya. ☺☺
