Chapter 14

2.1K 88 0
                                    

Edited by Skyeward88

Nakauwi na ng bahay si Glai at nakaligo na rin. Habang gumagayak ito ay nakareceive sya ng text mula kay Rhian.

Baby lab kumain ka na ba? I heart you. Miss na kita agad. Pasyal tayo. Halfday naman tayo ngayon eh.

Napangiti naman si Glaiza ng mabasa ang text ni Rhian.

Sorry baby lab. I miss you too. Kaso busy ako ngayon. Reply ni Glaiza.

Nang mabasa ni Rhian ang text nito ay hindi nya maiwasan ang magtampo rito.

Ok. Maikling reply ni Rhian.

Baby lab nagtatampo ka ba? I'm sorry. Reply ni Glaiza.

Ngunit hindi na ito nireplyan ni Rhian. Bagkus ay naligo na lamang ito at pupunta na lamang sya mag-isa sa mall. Nagtatampo sya kay Glaiza dahil ngayon pa lang ay wala na itong time sa kanya.

Nang hindi magreply si Rhian ay hinayaan na lamang muna nya ito at tinext si Bianca.

I'll be there within 30mins. Just wait for me okay.

Nabasa naman ito agad ni Bianca. Ngunit ang mga luha sa kanyang mga mata ay hindi pa rin maialis sa kanya.

Okay po ate. Hihintayin po kita.

Umalis sa bahay si Glaiza. Hindi na sya nakapagpaalam dahil wala namang tao sa kanila. Nagbaon na lamang sya ng uniform para diretso na sya sa school nila para mamaya.

Bumili ng isang pulumpon ng pulang rosas si Glaiza ng madaan ito sa flowershop at nagdedicate ng letter rito.

Mabilis lamang ang kanyang byahe. Sakto ay papalabas ng gate si Rhian lulan ng kanilang sasakyan. Kaya binusinahan nya ito at lumabas sya ng kanyang sasakyan. Nakita ni Rhian ang imahe ni Glaiza kung kaya bumaba na rin ito ng kanyang sasakyan.

"Manong bumalik na po kayo. Sa friend ko na lang po ako sasakay."

"Opo mam." Magalang na tugon ng driver nila.

Naglakad si Rhian patungo sa sasakyan ni Glai subalit hindi mo ito makikitaan ng ngiti sa labi sa tampong kanyang nararamdaman kay Glaiza. Si Glaiza naman ay abot ngiti ang salubong sa kanya. Ramdam naman ni Glaiza na nagtatampo ito kung kaya naiiling sya habang papalapit ito sa kanya. Nang makalapit si Rhian ay pinagbuksan pa nya ng pinto si Rhiann like a gentle woman. Pumasok naman si Rhian at ganun din si Glaiza.

"O akala ko ba busy ka. Bakit nandito ka?" Mahinahong tanong nito subalit hindi nya tinitingnan ngayon si Glaiza.

"I'm sorry. Busy man ako hindi kita magagawang kalimutan. Nga pala pikit ka baby lab" :) Utos ni Glaiza kay Rhian.

"Bakit?" Tanong naman nito.

"Sige na pumikit ka na lang ha." Ngiting usal muli ni Glaiza.

Sinunod naman ito ni Rhian. Kinuha ni Glaiza ang isang pulumpon ng rosas na kanyang binili para rito. Naamoy agad ni Rhian amg kabanguhan nito.

"Open your cute eyes baby lab." Muling utos ni Glaiza rito.

Binuksan naman ni Rhian ang kanyang mga mata. Hindi nya maiwasang mangiti ng may hawak na red roses si Glaiza.

"Para sa yo baby lab ko." Sorry ha. Wag ka na magtampo sa akin. Mahal na mhal kita. Gaano man ako kaabala ay maglalaan at maglalaan pa din ako ng oras sa isang taong pinakamahalaga ngayon sa buhay ko. I heart you babylab. Mahinahon at ngiting ngiting sambit ni Glaiza rito.

May card na nakaipit sa bulaklak kung kaya ay binasa naman ito ni Rhian.

To my dearest baby lab, Wag ka na magtampo kasi mahal na mahal ka ng taong nagbigay sa yo nito. Simbolo ng mga rosas na ito ang pag-ibig na nararamdaman ko para sa yo. Korni man itong sinasabi ko ay aminin mo kinikilig ka naman ng husto. 😉 Baby lab..

😁😁😁 Hindi mapigilan ni Rhian na mangisi ng mabasa ito. Ang totoo ay kinikilig nga syang talaga at napapailing na napapatitig kay Glaiza. Hindi nya akalaing romantic din pla si Glaiza. Akala nya ay lubos na nya itong kilala sa kabila ng pagiging magbestfriends nila noong dalawa.

"O ayan. Lalo kang gumaganda pag nakangiti ka baby lab. Ngiting sambit ni Glaiza rito.

"Salamat baby lab." Masayang tugon ni Rhian at yumakap rito.

Natutuwa naman si Glaiza sa reaksyon nito. Matapos ang pagyakap nito ay hinawakan ni Glaiza ang kaliwang pisngi ni Rhian at matamang tinitigan ang mga mata nito. Matapos ay unti-unting inilapit ni Glaiza ang kanyang labi sa labi nito at banayad na hinalikan si Rhian. Tinugunan naman ito ni Rhian. Habang nagtutugunan sila ng paglasap sa kanilang mga labi ay hindi na makapagpigil pa si Rhian. Tinted naman ang mga salamin ng sasakyan ni Glaiza. Kaya lumakas ang loob ni Rhian na maglikot ang mga kamay nito. Naglaro sa dibdib ni Glaiza ang mga kamay nito, pababa sa tyan habang lumalalim ang halik na tinitugunan nilang dalawa. Nang magawi na sa puson ang kanang kamay ni Rhian ay biglang natauhan si Glaiza at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Rhian at inilayo ito sa kanyang puson.

"Ahm. Ahm. I'm sorry baby lab. Sorry. Sambit ni Glaiza at pinagpawisan ng malapot ito.

"Ah eh. Sorry baby lab. Sorry. Hindi ko sinasadya." Nahihiyang sambit ni Rhian at tumagilid ng upo at humarap na lamang sa bintana.

"No its okay baby lab. Sorry. Nabigla lang ako." Tugon naman ni Glaiza.

Pinaandar na ni Glaiza ang sasakyan at driretso na sila agad kina Bianca.

Halos limang minuto rin silang walang imikan. Nang magsalita si Glaiza.

"Ahm baby lab ok ka lang?" Tanong ni Glaiza.

"Ah oo naman baby lab. Ikaw?" Tugon naman nito.

"Oo okay lang ako. Ahm baby lab, can i ask u something?"

"Ahm ano yun baby lab?"

"Kung sakali ba papayag ka magkaroon ng anak sa akin? What if, accidentally na mabuntis kita, hindi mo ba ipapalaglag?" Seryosong tanong ni Glaiza.

😁 "Baby lab? Seryoso ka?" Bigla ay napangiti na naman si Rhian sa tanong ni Glai. "Paano mo naman ako mabubuntis? If sakali man, oo naman. Bakit ko papalaglag? Gusto ko nga eh. Hehehe. Kung mangyayari man." Sabay titig sa mga mata ni Glaiza.

"Seryoso ko baby lab." "Sapat na sa akin yung sagot mo. Don't worry sa akin ka lang at magkakaroon din yan ng laman." Nakangiting tugon ni Glaiza habang nakatuon pa rin ito sa kanyang pagmamaneho.

Hindi maintindihan ni Rhian ang ibig sabihin ni Glaiza. Natatawa man sya sa kanyang isipan na mabubuntis sya, ngunit paano? Paano sya mabubuntis ni Glaiza gayong pareho sila ng kasarian. Gusto nyang isiping nagbibiro lamang si Glaiza subalit kita naman nyang seryoso ito sa kanyang mga sinabi. Napapaisip na lamang sya kung paano.

You Filled Up My LifeWhere stories live. Discover now