Chapter 1

10.2K 156 4
                                    

Edited by Skyeward88

Disclaimer: This is a fanfiction and anything written here comes from the fertile imagination of the author.

Si Glai ay isa lamang simpleng estudyante sa sekondarya na ilang sa mga kapwa nya estudyante at lagi lamang sa isang sulok. Marunong sya ngunit sadyang mahiyain kung kaya't sa klase kahit na alam nya ang sagot ay nananahimik na lamang ito at sa mga exams na lamang sya bumabawi. Gaya ng inaasahan ng kanyang mga kaklase ay perfect lagi ito sa mga long tests kung kaya't pagdating ng periodical exams ay exempted na ito.

Samantala si Rhi nman ay mabait at palakaibigan. Sya lamang ang tanging estudyante na laging lumalapit kay Glai lalo na pag breaktime.

Kumusta ka na Glai? May baon nga pla akong tuna sandwich. Hehehe. Ako ang may gawa nyan. Tig dalawa tayo. Alam kong magugustuhan mo yan.

Ahm nakakahiya naman. Salamat. Yaan mo next time bawi ako sa yo. Pasenya ka na kapos pa kasi ako ngayon at binabudget ko pa ang allowance ko!!!

Hahaha. Ayos lang yan Glai. Wala naman sa kin yan eh. Kaw pa. Basta lagi kita isasabay sa pagkain. Alam mo isa ka na sa mga taong pinahahalagahan ko. I love u bestfriend . Ngiting sambit ni Rhi.

Ah hehehe. Ok na sana eh kaso my bestfriend pa sa dulo hehehe.

Huh??😮 Gulat ni Rhi.

Ah hehehe. Biro lang yun. Pasenya ka na. Di talaga ako marunong magjoke. :) paliwanag naman ni Glai.

Ah hehehe. Ayos lang yon. Akala ko kung ano na eh. Hehehe. Alam mo naman hanggang kaibigan lang ako at ayoko ng kahit na anong commitment. 😐

Hehehe. Oo naintindihan ko.

Natapos ang araw na iyon na masaya si Glai. Lubos kasi ang paghanga nya kay Rhi. At baka nga mahal na niya ito ngunit alam nyang lalayuan sya nito pag ipinaalam nya rito ang tunay nyang nararamdaman. Sapat na sa kanya na bilang magbestfriend at magkapatid na lamang ang turingan nilang dalawa.

Hindi makatulog si Rhian ng sumapit ang gabi at lubos syang naguguluhan at maraming tanong sa kanyang isipan na sa dami ng taong kanyang magugustuhan ay bakit si Glai pa. Bakit sa kapwa pa nya babae. Ayaw nya ng commitment ngunit kung si Glai ang makakarelasyon nya ay papayag sya. Lubos syang naguguluhan dahil sa pagbibiro nito kanina lng.

Ok na sana eh. Kaso may bestfriend pa sa dulo hehehe. Ito ang paulit ulit na naririnig ni Rhi sa kanyang pandinig na lubos na ikinagugulo ng kanyang isip. Nais nyang isiping may gusto rin ito sa kanya ngunit sya na din ang nagsabi na ayaw nya ng commitment.

Paano kaya kung ako na mismo ang umamin sa kanya? Pero tama ba to? sabay buntung hininga ni Rhi. Hayyysstt. Ewan. Ano ba tong nararamdaman ko. Nalilitong sambit ni Rhi at pumikit at baka sakaling makapag isip isip sya ngunit sadyang hindi talaga sya makatulog.

Samantala si Glai ay ganun rin. Biling baligtad ang kanyang ginagawa dahil magpahanggang ngayon ay si Rhi pa rin ang nasa kanyang isipan.

Hanggang kailan ko maitatago ang nararamdaman ko sa yo. Napakahirap na gustong gusto kong maglambing sa yo ngunit hindi ko magawa. Gusto kitang halikan ngunit hindi pwede. Lalong lalo na nais kong maging tayo. Mali man ito sa paningin ng iba lalo na ng mga taong may matang mapanghusga at may kaisipang nakakasakit ng damdamin ng kapwa nila. Kaya kong tanggapin anuman ang kahinatnan kung magiging tayo. Ngunit ikaw pa rin ang iniisip ko Rhi. Di ka handa sa ganitong klase ng mundo at baka nga di mo pa ako patulan. kung kaya't kung saan tayo mas tatagal dun ako. Titiisin ko anuman ang nararamdaman ko. Ang mahalaga lagi kitang kasama at kausap ng walang ilangan sa isa't isa. Heto ang sambit ni Glai sa kanyang sarili.


You Filled Up My LifeWhere stories live. Discover now