Chapter 5

2.9K 101 1
                                    

Edited by Skyeward88

Matapos maligo ni Glai at magbihis ay nagdiretso na rin ito sa kusina at habang papalapit rito ay ngiting ngiti sa kanya si Rhi.

O! Masaya ka ngayon ha. 😁 Sita ni Glai sa kanya.

Hindi tumugon ito bagkus ay nagpacute pa si Rhi kay Glai.

Hahaha. Uuyy best ha. Anong trip mo ngayon at ganyan ka makatitig. Natatawa na ring sambit ni Glai.

Ahm wala naman. Natutuwa lang talaga ako sa yo. Hehehe. Kung naging lalaki lang ako di na kita pakakawalan pa. Hehehe. Kukulitin kita hanggang sa mapasagot kita . Tuwang sabi sa kanya ni Rhi.

Hahaha. Baliw ka. Tumigil ka nga dyan. Hahaha. Mamya kahit di ka pa maging lalaki kahit ganyan ka sagutin kita agad dyan. Hahaha. Taas baba pa ng kilay ang ginawa ni Glai at sinunggaban ang birong totoo nito.

Hahaha. Kung papatulan mo ko. Kung pwede nga lang tayo best bakit hindi hahaha. Tuwang tuwang tugon naman ni Rhi.

Hahaha. Kumain na nga lang tayo. Gutom lang yan best. Kuha ka na lang ng uniform mamya don sa aparador ko ha. Nakahanger don. Kumain ka na muna. 😁. Iiling-iling na sambit nito kay Rhi.

Nakayuko silang pareho habang kumakain. Titingin tingin sila sa isa't-isa ngunit hindi nagtutugma ang kanilang mga paningin. Pag titingin si Rhi ay nakayuko si Glai at pag alam nyang titingin ito ay sya naman ang yuyuko. Hanggang sa magkahulihan sila ng mga mata.

Hahaha. Matunaw ako nyan ha! 😁. Sabay na sabay na salita ng dalawa kung kaya't muli silang nagkatawanan at tumayo n si Glai.

Hahaha. Mukha na tayong kambal ah. Hehehe. Tayo ka na dyan. Tapos ka na naman na kumain. Bihis ka na rin. Hintayin na lang kita rito. Nakangiting utos ni Glai rito at iiling-iling pa rin.

Hahaha. Sige best. Wait lang ha.

Umakyat na nga si Rhi at nagbihis na ng uniform.

Ang ina pa mismo ni Glai ang naghatid sa kanilang dalawa.

Bye ma. Pasok na po kami. Sabay halik ni Glai sa pisngi ng kanyang ina.

Ok anak. Mag-aral mabuti ha.

Rhi hija alalayan mo yan ha. Mamya mapatid pa yan sa iba. 😊 . Biro nito.

Hahaha. Kayo po talaga tita. Opo ako na pong bahala sa anak nyo.

Kayo po talaga ma. Kung ano ano sinasabi. Nakakahiya kay best.

Hahaha. Ayos lang yun best. Nagbibiro lang si tita. Sige po tita. Ingat po kayo at salamat po uli.

O sya. Sige na. Pumasok na kayo dun.

Ok po ma.

Nang makapasok na sila ng gate ay sila pa ring dalawa ang pinagtitinginan ng mga estudyanteng naroroon.

Bilisan mo sa paglalakad best ng makarating na tayo sa room. Nahihiya ako. Ayoko ng ganito. Nakayukong lakad takbo ang ginagawa ni Glai.

Ito talgang best kong to napakamahiyain. Natatawang sambit nito at sinabayan na rin si Glai.

Hayyyy. Nakaupo rin. Hayysst. Simula nga bukas ibalik ko na lang yung dating estilo ko. Nakakahiya. Ayoko ng tinitingnan ako. Mahinang sambit ni Glai.

Wag. Ang ganda mo kaya. Litaw na litaw kasi ang ganda ng bestfriend ko. Kaya po ayun pinagtitinginan ka kasi humahanga sila sa yo. Wag ka nga dyan. Kahit nga ako humaganga sa yo. Weh. 😉 Hehehe.

Ay naku best. Wag mo nga akong pagtripan. Mahinang tugon ngunit mataray na pagkakasalita ni Glai.

Hahaha. Hinawakan ni Rhi ang chin ni Glai paharap sa kanya at tumugon ng nakangiti. Hindi kita pinagtitripan best. Totoo lahat ng sinasabi ko. Sabay lapit ng mukha nito. Maganda ka. Kaya ka hinahangaan ng lahat lalo na ng ilantad mo ang natatago mong kagandahang anyo. Kahit ako napapahanga sayo😊

Uyyyyyyy. Nyaaauyyyyy. Sila na o. Hahaha. Halos sabay sabay na panunukso ng mga kaklase nila. Dito nahimasmasan si Rhi. Nakalimutan nyang nasa room pala sila ng school. Para kasing mula kanina ay sila lang dalawa ang nasa mundong ito.

Napatunganga na lang si Glai sa mga sinabi ni Rhi. Di nya na lamang pinansin ang panunukso ng kanilang mga kaklase sa kanilang dlwa.

Nang dumating na ang kanilang guro sa MAPEH.

Good morning.

Good morning Mrs. Perez. Isang masayahing guro na kaibigan ng halos lahat ng mga babaeng estudyante at crush din ng kalakihan. Ala Marian Rivera kasi ang ganda nito at halo ni Sarah Geronimo.

Bago tayo mag-umpisa sa ating talakayan ay meron akong topic para mapangiti kayo. Nakapaloob pa rin ito sa health topic natin for looking younger . Hehehe. Excited na ba kayo?

Yes mam.

Ok. Bawat isa sa inyo ay magbigay ng limang dahilan ng inyong taong hinahangaan na lubos at nakapagpapasaya sa inyo at kung bakit.😊 Madali lang di ba? Hehehe.

Ok so lets start. Umpisahan mo Alves (Benjamin Alvez).

Natapos ito sa pag speech hanggang sa dumating na ang kay Glai.

Ikaw naman Galura. Saad ng guro nito.

Ahm mam. Nanlalamig ang mga kamay ni Glai.

Ahm una po ahm haaa. Bumuntung hininga muna ito.

Kaya mo yan. Go. Ngiting sabi ni Mrs. Perez.

Ahm una po magaling po sya sa lahat ng bagay. Lahat po kaya nyang gawin. Pag malungkot ako madali nya akong mapatawa. Basta po iba po yung sense of humor na mayroon sya. Ahm pangalawa, isang text ko lang sa taong yun pumupunta sya agad kahit na busy sya. O kahit na hindi sya pwedeng lumabas sa kanila. Gumagawa sya ng dahilan, makalabas lang para lang madamayan ako sa problema ko. Ahm pangatlo po ahm. Napakabuti po nyang tao hindi lang sa akin kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid nya. Pang-apat at panglima ay napakamaunawain, mapagkakatiwalaan at maasahan sa anumang bagay.

Pwede ba naming malaman kung sino ang taong yon? Tanong ni Mrs. Perez.

Ahm mam pwede po bang secret na lang. Nakakahiya po kasi.

Bakit? Andito ba sya?

Yes mam. Katabi nya o. Hehehe. Tukso ng isang kaklase nila na katabi nya at si Rhian ang tinutukoy nito.

Oy tumigil nga kayo. Sita sa kanila ni Rhi pero ang totoo ay kinikilig ito dahil alam nyang sya ang tinutukoy nito. Sya lang naman yung gumagawa ng paraan sa hatinggabi para makaalis lang ng bahay.

O sige. Ok na kung sikreto. Mahalaga ay masaya ka sa kanya at napapangiti ka nya.

Ikaw naman Howell.

Tumayo na si Rhi at nagsalita.

Ok mam. 1. Mahinahon magsalita na sa tuwing naririnig ko po yung kahinahunan nyang yun di na sya mawala wala sa pandinig ko. Dahil dun bago matulog napapangiti po ako. 2. Prangkang tao. Hehehe. Di mo akalaing kahit na napakaprangka nya at minsan di maganda sa pandinig although alam mo na totoo sinasabi nya ay di mo magawang magalit. Hehehe. Ang hinhin kasi eh. Yun talaga yung nakakahumaling sa kanya. 3. Yung anyo ng mukha nya. Lalong lalo na yung tangos ng ilong nya. Di ko alam mam pero sa tuwing titingnan ko yun parang ang sarap kagatin eh hehehe. 4. Yung pagdating sa text. Sa dami ng text na dumarating sa iba't ibang tao pero yung text pa rin nya ang hinahanap hanap ko. Tapos pag nagtext sya ayun di ko maiwasang mangiti ng husto. 5. Ay yung mga araw na sana wala ng sabado at linggo para araw araw ko syang ksama. Iba kasi ang sayang nararamdaman ko pag kasama ko sya. . Ahm yun lang po mam.

Woohhhhh. Something. May something. Hahaha.

Di maiwasang matawa nina Glai at Rhi dahil laging nagsabay sabay ang mga kaklase nila sa mga sinasabi nilang panunukso sa kanila. Naiiling na lang din na nangingiti ang kanilang guro habang tinitingnan silang dalawa.


You Filled Up My LifeWhere stories live. Discover now