Edited by Skyeward88
Maagang umalis si Glaiza sa bahay nina Rhian. Hindi na nya ito ginising dahil kita nyang mahimbing ang pagkakatulog nito.
Maagang gumising si Glaiza dahil naalala nyang muli si Bianca. Pinuntahan nya ito sa condo nito.
Nang makarating ito sa condo ay tahimik na namang muli ang lugar. Nagtungo sya sa kwarto at dito ay nagkalat naman ang dalawang bote ng white wine at dalawang bote ng whiskey at tulog si Bianca ng mga sandaling iyon.
"Haiisst." Sambit ni Glaiza at napasapo nalang sa kanyang noo.
"Ano ba namang ginagawa mo sa sarili mo Bianca." Nakakunot noo pang sambit nito habang iniaayos ito ng higa.
Muli ay nilinis nito ang mga kalat sa kwarto nito.
"Hayyy. Ganyan ba talaga nagagawa ng sawi sa pag-ibig. Nakakairitang tingnan." Sambit nito sa sarili at naiinis syang talaga sa ginagawa ni Bianca sa kanyang sarili.
Nang matapos maglinis ay medyo maaga pa at nakakaramdam pa sya ng pagkaantok. Half day lamang ang pasok nila ngayon kung kaya natulog na muna si Glaiza sa sofa ng kwarto nito.
Samantala pagkagising ni Rhian ay nagulat pa sya at wala na sa kanyang tabi si Glaiza. Hindi nya maiwasan ang paglungkot ng mukha nito.
Nang bumangon sya at magsusuot ng tsinelas ay napansin nya ang isang piraso ng papel na pinatungan ng bolpen sa kanyang lamesita.
Happy morning lablab. Sorry hindi na ako nakapagpaalam sa yo. Pupuntahan ko kasi ang kinakapatid ko. Nga pala flowers for you my baby lablab. :) Nakadrawing sa papel na yun ang isang pulumpon ng bulaklak. Sorry ha. Iginuhit ko na lang. I love you baby lablab. :) I'll call you later. Tsup sa lips :) Sabi ng note ng baby lablab ni Rhian, :)
Hindi maiwasan na mangiti sa kilig si Rhian sa iniwang sulat ni Glaiza.
"Baby lablab talaga. Hehehe." Naiiling pang sambit nito.
Samantala ay nagising na rin si Bianca. Muli ay humagulgol na naman ito ng iyak. Dahil sa ganung ingay ay nagising si Glaiza at di na naman maiwasan ang pag-init ng ulo nito.
Lumapit ito kay Bianca at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"Ano ka ba Bianca? Hindi ka ba titigil? Hanggang kailan mo ba pahihirapan ang sarili mo ha? Pwede ba! Tigilan mo yan!" Galit na sambit nito.
"Mahal na mahal ko sya ate. Mahal na mahal ko sya. Hindi ko kaya ng wala sya. Hindi ko kaya. Haaaa. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko sya." Lumuluhang sambit nito.
"Sige ikwento mo ng buo ang nangyari sa inyo ng maintindihan ko iyang sitwasyon mo at ang totoo nag-iinit talaga ang ulo ko sa ginagawa mo sa sarili mo!" Medyo napataas na ang boses nito.
"Ate. Hiiiii. Bago naging kami ay hindi ko alam na may boyfriend pala sya sa ibang bansa. Alam mo namang straight ako di ba? Pero napalapit ako sa kanya. Naging kami ng biglaan at inenjoy lang ang bawat araw na magkasama kami ni Solenn. Wala akong kaalam-alam na niloloko lang nya ko. Na hindi pala talaga totoo na minahal nya ako. Ang sakit ng sabihin nyang naging panakip butas lang ako sa pagkasabik nya sa boyfriend nya. Hindi ko inaasahan ang lahat at biglaan nya akong iwan. Buong buhay ko sa kanya ko iniikot ang mundo ko. Sa kanya ko itinuon ang oras ko. Nasanay na ako na sya lagi ang kasama ko. Mahal na mahal ko sya. Haaa. Mahal na mahal ko sya. Pero iniwan na nya ako. Nagpunta na sila sa states. Iniwan na lang nya ko ng ganito. Ni ayaw na nya ko makausap pa mula ng magbalik sa kanya ang boyfriend nya. Ang sakit-sakit. Haaa."
Naawa si Glaiza ng marinig ang mga sinambit ni Bianca at niyakap ito.
"Tama na ha. Naintindihan kita. Pero sana intindihin mo rin ang sarili mo na kahit ganyan pa ang gawin mo sa sarili mo hinding hindi yan makakatulong. Hindi mo dapat ihinto ang buhay mo sa iisang tao kahit mahal na mahal mo pa ito. Itayo mo ang sarili mo. Ibangon mo ang sarili mo. Dahil hindi lang sa kanya iikot ang mundo mo. Maraming magagandang bagay sa mundo na mas mapagtutuunan mo ng pansin kaysa pagpapahirap dyan sa sarili mo. Sa tingin mo ba kahit na mamatay ka man ngayon may pakialam pa ang taong yun gayong nasa states pala sya? Kahit mamatay ka man ngayon sa ginagawa mo hinding hindi babalik ang dating kayo. Kahit na mamatay ka pa ngayon sa ginagawa mo sa sarili mo sa tingin mo ba may pakialam pa yan sa yo? Wala Bianca! Gumising ka sa katotohanang wala na kayo. Dyos na mismo ang naglayo sa yo sa maling tao. Yan ang isipin mo. Ang kapalaran na mismo ang gumawa ng paraan upang mas mailayo sa labis na kasakitan. Wake up Bianca! Itigil mo na yang pagpapahirap sa sarili mo okay. Hindi yan makakatulong sa yo. Kahit ganyan pa ang gawin mo wala na syang pakialam pa sa yo. Kaya ikaw lang din ang lalabas na kawawa at talo. Mahirap mang makalimutan ang lahat ay maalala at maalala mo syang talaga lalo na kung ikaw ay nag-iisa. Pero isipin mo kung makikita ka nyang matatag, mas angat kaysa nung iwan ka nya, yung mas mahal mo na ang sarili mo, sinisigurado ko sa yo na makokonsensya sya at pagsisisihan pa nya ang mga pagkakamaling ginawa nya sa yo. Dahil ang mahalaga roon ay naiparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo ng mga araw na mgkasama pa kayo. Sa tingin mo sino bang higit na nawalan?Ikaw ba o sya? Think wisely Bianca. Sya ang mas higit na nawalan. Biruin mo ginawa nyang bitawan at iwan ang isang taong mapagmahal gaya mo. Isipin mo na lang. Marami man syang makilala pa ngunit hinding hindi sya makakahanap pa ng isang taong malalim magmahal gaya mo. Hindi ikaw ang nawalan Bianca kundi sya. Kaya itigil mo na yan ha." Niyakap itong muli ng mahigpit ni Glaiza at hinimas himas ang likod nito ngunit hindi na muling umiiyak pa si Bianca.
Tulala si bianca at nakapag-isip. Tama ang kanyang ate. Kahit na ganun ang gawin nya sa kanyang sarili ay wala namang pakialam sa kanya si Solenn.
"Sorry ate. Salamat." Pinunasan pa ni Bianca ang luha sa kanyang mga mata at pisngi.
"Maliligo ako ate. Pwede mo ba akong ipasyal. May pasok ka ba?"
"Half day lang kami ngayon. O sige. Uwi lang muna ako sa bahay ng makapaligo na rin at bihis. Tama na yan ok. Gumising ka."
"Opo ate. Salamat. Hindi ko na ulit gagawin to. Salamat." Yumakap muli ito ng mahigpit kay Glaiza.
