Edited by Skyeward88
Ngiting-ngiti si Rhian habang ito ay naliligo. Alam niyang mahihirapan sya sa magiging sitwasyon nila ni Glaiza pero eto susubok at susubok pa rin sya dahil mahal nya rin naman ito nung una pa lang. At tinanggap nya ang pagiging magbestfriend nila kahit na ang nais nya ay maging gf ito magkaparehas man ang kanilang kasarian. Ngayon handa na nyang subukan ito sa dahilan na rin na ayaw nyang mawala sa kanya si Glaiza.
"Magtatabi tayo sa pagtulog lablab. Ano kaya mangyayari? Hehehe." :D Sa isip ni Rhian at lalong hindi nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Samantala si Glaiza naman ay ganun rin. At lubos ang pagpapasalamat sa Panginoon sa blessing na nangyari sa gabing yon na sila na ni Rhian at hindi na sya nito magagawa pang iwan.
"Mahal na mahal kita Rhian. Hindi ka magsisisi na sinubukan natin ang pumasok sa ganitong sitwasyon." Sambit naman ni Glaiza sa isip nito at nangingiti na rin dahil sa isiping ngayon gabi ay muli nyang makakatabi si Rhian.
Matapos maligo ng dalawa ay halos sabay lamang sila natapos. Hindi na naakyat pa sa taas si Glaiza dahil tinawag na sya ng ina ni Rhian upang makakain sila ng mainit na sopas. Magpahanggang ngayon ay malakas pa rin ang ulan sa labas.
"Salamat po ma. Salamat po sa pagtanggap." Mahinahong saad ni Glaiza.
"Ayos lang hija. Anak na rin kita. Isa pa may naamoy ako sa anak ko eh. Hehehe kayo na ba?" Deretsahang tanong nito.
"Ah eh...po? Pautal pang sambit nito dahil sa pagkabigla.
"Hahaha. Ikaw naman hija. Natatawa naman ako sa reaksyon mo. Hehehe. Ok lang sa akin na maging kayo. Basta anumang pagsubok na dumating sa inyo ay tanggapin nyo ng maluwag sa puso't isip nyo at wag tangkaing talikuran. Sabay lamya ng tinig nito at napayuko.
"Mukhang may pinaghuhugutan si mommy ah." Sa isip ni Glaiza.
"Ahm opo ma. Salamat po. Ahm opo ma. Kami na nga! Ngayon lang po." Nahihiyang pag-amin nito.
"Ah hehehe. Siguro kaya kayo nasa labas kanina ay dahil may l.q. kayo noh? Hehehe. O sya cge maiwan na muna kita hija. Hintayin mo na lang dyan si Rhian. Late na din ang oras. Maaga pa alis ko mamaya."
"Sige po ma. Salamat po. Good night. Sabay halik sa pisngi nito at yumakap na rin sa ina ni Rhian.
Maya-maya ay naisipan ni Glaiza na dalhan na lamang si Rhian ng mainit na sopas sa kwarto nito upang hindi na ito bumaba.
Tok! Tok! :) Mahinang katok ni Glaiza at pinagbuksan naman ito agad ni Rhian.
"Inakyatan na lang kita ng soup mo lablab. Para di ka na bumaba. Isa pa para masolo kita." ;) Sabay ngiti at titig ng nakakaloko ni Glaiza.
"Hahaha. Ikaw lablab ha. Ang naughty ng ngiti at titig mo ha!" :D Tuwang sambit ni Rhian habang sinusuklay ang kanyang buhok.
"Ako kasi ang magsusubo sa yo. Tara maupo ka na dito. Ikaw ang baby ko lablab. Aalagaan kita at lagi kong ipaparamdam sa yo ang pagmamahal ko." :) Malambing na sambit ni Glaiza kay Rhian.
"Ang sarap naman nyan pakinggan. Mas maganda yatang tawagan natin ang baby lablab. So romantic." Nahihiya pang sambit ni Rhian kay Glaiza ngunit makaraan ang ilang sandali ay tinitigan nya rin ito sa mga mata.
"Okay. Sige baby lablab. O eto." Sinubuan ni Glaiza si Rhian at ngiting-ngiti ito.
"Baby lablab. I love you." Paglalambing ni Rhian.
Inilapag muna ni Glaiza ang mangkok na hawak nito.
"Mas mahal na mahal kita baby lablab. Alam ng Dyos kung gaanong saya ang nararamdaman ko ngayon sa piling mo. Lalo na ngayon ay may masasabi na akong TAYO." Sabay hawak sa chin ni Rhian at tiningnan ang labi nito. She wet her lips at unti-unting inilapit kay Rhian ang kanyang mukha at ipinagkiskisan ang kanyang ilong sa ilong nito at bahagyang napapikit.
"I love you so much baby lablab." Bulong ni Glaiza.
"I love you too baby lablab." Pikit na tugon naman ni Rhian at hindi maiwasan ang mapalunok ng mga sandaling iyon.
Matapos ipagkiskisan ni Glaiza ang kanilang mga ilong ay hinalikan naman nito ang ilong ni Rhi. Sinundan ng ibaba ng ilong nito hanggang sa mapakagat labi si Glaiza at tinignan muna ang nakapikit na si Rhian na bahagyang nakaawang ang mga labi na syang senyales na handa ito sa paglapit ng kanyang mga labi. Hindi nya maiwasan ang mangiti. At dito ay unti-unti nyang inilapit ang kanyang labi sa labi ni Rhian at nang magkalapatan ay tinugunan naman ito ni Rhi. Banayad sa una dahil sa nagkakailangan pa silang dalawa ngunit makaraan ang ilang sandali ay lumalamin na ito. Dumidiin ang paglasap ng kanilang mga labi hanggang sa magkayakapan ng mahigpit na waring ayaw na nilang ikalas pa ang mga labi nila sa sarap na kanilang pinagsasaluhang dalawa.
